Linggo na lang ang aming hinihintay, bago dumating ang araw na aming pinakahihintay. Ang GRUMADUATE na. Habang papalapit na din ang araw na iyon, unti unti na ding nababawasan ang hirap. Tapos na kami sa Thesis, maging ang defense, final exam? Tapos na din at higit sa lahat ang aming OJT.
Puro result na lang ang aming hinihintay. Kung sino ang BEST DEFENDER para sa taong ito sa aming department, INTERN OF THE YEAR at kung may balak pa bang baguhin ng aming department ang mga position na matagal na naming inaalagan; Ako bilang, MAGNA CUM LAUDE, si Eam na isang lunatic naming kaibigan ay CUM LAUDE. Akalain mo yun?! Si Yuri, with flying rainbow colors! Joke lang, basta gagraduate siya with colors.
“Hoy girl! Kumusta ka na? congrats nga pala in advance huh.” Halos nabali ang balikat ko sa pagkalabit sa akin ng matagal nang nawawalang bruhang, hindi pa ganap na tao na si AB. Si Andres Bonifacio Maglaya. Pero napakunot bigla ang noo ko sa sinabi niya.
“Ayos lang naman. Ikaw? Saka, anong CONGRATS?” tanong ko.
Ang bruhang AB, pinangdilatan pa ako ng mata at nagpameywang sa aking harapan. “Gaga! Di ba ikaw ang Magna ng department natin!?” medyo mataas ang tono niya.
“Ah! Yun ba? thank you.”
“Namiss kita bruha ka! Kahit napaka magna mo!” at yumakap siyang bigla sa akin.
“Hoy! Makayakap ka! Alis! Choo, choo!” sabay pilipit ko ng kanyang braso. Aba! medyo nag-aral ata ako ng taekwondo, nang bata pa ako.
“And you don’t need to repeat kung anuman ang pwede ko makuha. Please.”
“Gaga! Akala mo naman, porke sinabi kong magna eh, yun na yung makukuha mo sa graduation! Sira!” sabay irap. Dukutin ko kaya mata nitong lalaking ‘to. “Magna ka, isa kang malupit at nakakainis na magna! As in Magnanakaw ng boyfriend! Inagaw mo ang boyfriend ko, inagaw mo si baby Kian!”
Parang gusto kong bigyan ng aking sidekick ang kaharap ko! Yun pala ang ibig niyang sabihin sa “MAGNA!” bastos na lalaking ‘to! Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. At kung pwede lang sanang, mamatay na siya sa titig ko, sana mangyari na.
“Ikaw naman, joke lang!di ka na nagbago. Ang sungit sungit mo. Kaya talagang nagtataka ako, kung paanong ang kagaya mo ang napili ni baby Kian ko! di hamak naman na mas maganda at sexy ako keysa sayo! Yun lang, mas maganda ang utak mo.”
“Hoy bakla ka! Kanina pa kita hinahanap!” isang familiar na boses galing sa likod ko
“Kahit kailan na lang, ikaw na manang ka, lagi kang late! Kanina pa kita hinihintay sa canteen!kaya ito nakita ko ang bruhang ito.” sabay irap na naman niya sa akin. Isang isa nalang talaga. Sasamain na ang hinayupak na lalaking ‘to. Basta, lalaki ang tingin ko sa kanya. Kahit pa ang claim niya ay mas maganda siya sa akin, at mas sexy. Who cares. I respect AB in so many ways. Kahit pang-asar at mas maarte pa sa akin. Kahit pa nga mas babae siya sa akin.
“Oy! Sai! long time, no see!” sabi ni Cielo sa akin, habang siya ay nakangiti. Namiss ko sila. Kasi bihira na lang kami nagkakausap ng dalawang ito. kahit na, nasa iisang department lang kami. may kanya kanya kaming pinagkakaabalahan.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...