Halos ilang buwan na din simula ng maging kami ni Kian. Ilang buwan na din nang huli kong makita ang halmoni niyang medyo masungit, pero medyo mabait naman.
Simula din nang maging kami ni Kian ay nadagdagan pa ang aking gwardia civil. Bukod kasi sa nanay ko, isa din palang grabe makagwardia ang boyfriend ko! pero ayos lang, I actually appreciate and like the things and efforts his doing for me. yung biglang dalaw niya sa akin, kung saan ako nagpapractice teaching, tutulungan niya akong gumawa ng mga kailangan kong visual aids, pagreresearch, taga hatid pero minsan di na niya ako nasusundo.
Ayos lang, kasi may mga projects na din siya. Paano naman kasi, 2 months before palang ng graduation ay nag-aaply na pala siya. Naopen din naman niya sa akin noon pa, na may mga nag ooffer sa kanya ng trabaho, isa na dun ang company sa Japan kung saan nagtatrabaho ang kuya Caleb niya. Pati ng company ng kung saan nagtatrabaho ang daddy ng pinsan niyang si Jason, mas okay daw kasi sana, kung magkasama sila ulit. At ang dating company where his dad worked ay nag offer din. Meron ding mga companies na gusto siya ihire dahil recommended siya ng kanilang mga professors. But he preferred to find and work in other company. Kung saan siya mismo ang naghanap, na hindi siya tinaggap dahil may kilala siya, or kakilala siya. Ika nga niya “I hate the idea being hired only because of COMPADRENO SYSTEM.”
Natanggap din naman agad siya bilang JUNIOR PROJECT COORDINATOR, kahit di pa niya nahahawakan ang diploma niya ay may trabaho na siya. Kaya, one week after his graduation, nagsimula na siya. At isa pa ay naghahanda na siya para sa pagkuha niya ng Board Exam para maging LICENSED ARCHITECT. Mabuti at pasalamat pa din ako na may oras pa siya sa akin, at kung di man kami nakakapagkita minsan, thru messages ang calls na lang kami. Siya mismo, he make sure na nakakapag-usap at nakukumusta namin ang isa’t is, gaano man kami kabusy pareho.
Malinaw naman ang lahat ng gusto namin, minsan pareho na kaming nag-iisip ng maganda para sa aming dalawa. Isa na nga sa plan namin ay: sabay kaming kukuha ng Masteral degree ng mga natapos namin sa parehong school din. Pati pagkuha ng dodoctorate! Honestly, wala naman na akong balak magtake ng doctorate degree, naconvinced niya lang ako.
Kaso, san niya balak magtake ng kanyang PhD in architecture? Malayo sa akin, sa Korea pa. Gusto ko ngang sumama eh! kaso nahiya naman ako. hahaha! Saka malay ba naman natin di ba? baka di ko na kailanganing magsabi sa kanya, dahil siya na mismo ang magsasabi na sumama ako. woah! Wish ko! sana ay matupad.
Kaya lang, simula din nang maging kami, nalaman ko kung paano siya magselos, lalo na kapag biglaan siyang nabibisita sa school kung saan ako nagpapractice teaching at nakikita niya akong nakikipag-usap sa kapwa ko mga intern na boys. Grabe makatanong at makatingin! Naiintindihan ko naman ang mga points niya, at simula din ng tanungin ko siya, “Wala ka bang tiwala sa akin, pag mag-isa ako?” ay medyo nabawasan ang mga masasama niyang tingin sa mga lalaking nakakausap ko, at di na din siya nagtatanong. How I made him stopped in asking questions? I made sure kasi na kahit di naman niya ako bantayan, tiwala lang dapat siya. Sabi ko nga sa kanya, “Mabilis lang ang mata ko sa mga gwapo, pero madali din akong maturn off pag may bigla akong nakitang kakaiba. Saka, faithful ako sa kanya, lalo na ang mga bruha at impakta kong mga kaibigan! Idagdag na din natin na sumbungera sila minsan. Walang lusot pagdating sa kanya!
Speaking of bruha at impaktang kaibigan, medyo nagdududa ako kay Yuri at sa bestfriend nina Kian na si Jelard. Alam ko nakita ko siyang sumakay sa kotse ni Jelard. I asked Kian about it, kasi hindi ako maaring magkamali ngayong araw! nakacontact lenses ako! kaya malinaw ang paningin ko, kahit pa malayo iyon. “I didn't see anything, baka namali ka lang. Baka ibang Japanese girl ang nakita mo and resembling to your bestfriend.” yun lang ang sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...