(FLASH BACK...)
"What? 4 na???!!!" inis na tanong ni Sai at di makapaniwala sa oras na kanyang nakita ng chineck ang kanyang relo sabay hinga ng malalim, hindi nga lang siguro sampong malalalim na hininga ang kanyang pinakawalan, at kanina pa siyang ganito, di mapakali. Di pa nakakatulog kahit saglit, dilat na dilat pa din siya kahit kanina pa niya pinipilit makuha ang kanyang antok "Ha! papasok na naman ako mamaya ng parang zombie" sabay hagis ng unan sa kisame at kanya din itong sinalo. Sikad dito, sikad doon, ikot dito, ikot dun, tayo, upo, hihiga at tatayo ulit. Ay naku kulang na lang tumambling siya sa kama niya makatulog lang "Bakit ba ang hirap mong gawin ha antok? Ikaw tulog di mob a ako namimiss?" nalolokang tanong ni Sai sa sarili sabay bagsak ng kanyang katawan sa kama. Kinuha niya ang kanyang cell phone pinatay ang alarm at isinet ang timer nito "Sige paunahan nga tayong matapos ng bilang." sabi niya sa kanyang cell phone. Tumayo siya "one, two, three, four,.............five, five, five, five...FIVE! Naunahan ko pa to!"
Sabay dive sa higaan "hay naku"
Umaandar na naman ang lihim na pagkabaliw niya.
"Tuloooog! tulog na Sai, tulog"
Sa loob ng classroom, nakayuko lang siya sa kanyang table na wari mo'y pagod na pagod na kahit pa nga kanina pa may professor ay di niya ito pinakikinggan. "Hayyyyy!" isang malakas na buntong hininga ang ginawa niya, dahilan para mapahinto sa lesson ang kanilang professor "Ms. Gonzales!" tawag nito dito. Si Sai para namang loka lokang biglang umayos ng upo at nginitian ang professor. Ang dalawa niyang katabi na sina Eam at Yuri kanina pa siya inuobserbahan, kanina pa sila nagkakatinginan at nagtataka. Pero dahil kaibigan nila ito at alam nila ang pagiging nocturnal nito "Sinusumpong po kasi astigmatism niya eh" si Yuri, pinagtatakpan ang kaibigan. Si Sai biglang napatingin kay Yuri at gulat na gulat ito sa sinabi nito at di niya napigilan "Hindi nam.....ahhhhhh aray!!!" halos sigaw na sabi ni Sai paano'y biglang hinila ni Eam ang kanyang buhok "Ano ba?!" madiin at nagtatakang tanong nito kay Eam.
"Whats wrong Ms. Gonzales?" tanong ulit ng professor niya paano'y muli na naman siyang nadistruct kay Sai, pero sa pagkakataong 'to may mga sala ang mga kaibigan niya "Kung di maganda ang pakiramdam mo lumabas ka, pumunta ka nang clinic hindi yung mandidistruct ka ng klase. Naiisturbo mga classmates mo kanina ka pa" naiinis na sabi ng kanyang professor "out! go to our university clinic. Kung kailan ka pa naging scholar ng bayan.." at di na niya tinuloy ang sasabihin.
"Prof. Alicar, samahan po na lang namin siya" volunteer ni Eam
"Opo, bantayan namin siya pano denial queen po 'to eh, kahit po masakit sasabihin niyang hindi" dagdag naman ni Yuri. Si Sai nagtataka, napapakunot ng noo "Anong meron?" takang tanong niya sa dalawa. Si Eam tinapakan bigla ang paa niya at parang naninindak ang mukha nito. Sa pagkakataong yun lang din nagets ni Sai ang drama ng dalawa, at nagpagamit naman siya. Kinuha nila Eam at Yuri ang mga gamit ni Sai at kunwari pang inaalalayan ito. Si Eam "Kita tayo maya" bulong niya kay Sheena sabay kindat, at tumango nalang ito.
Paglabas ng classroom "Ano ba Sai para kang shonganga kanina pa ah" sabi ni Yuri
"Oo nga, nakailang katol ka ba kagabi? high na high ka, yun nga lang negative result"
"Mukhang nasobrahan ka sa singhot" dagdag ulit ni Yuri
"Sampong katol lang naman, at di ko lang siya sininghot kinain ko pa kamo. Kaya ito adik na adik ako ngayon" at lalo pang nilaglag ni Sai ang balikat habang naglalakad.
"Pero in fairness nakalayas tayo sa boring na professor na 'yun" sabi ni Yuri at nag appear naman ang dalawang bruhilda.
"Oo, at infairness din sa inyo kanina nyo pa ako sinasaktan. Pansin ko lang ha! Tignan nyo ako naman mananakit sa inyo mamaya"
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...