FLASH BACK...
The next day, after the slightly heartbreaking moment na feeling ni Sai dahil di man lang siya pinansin ni Kian, ay halos walang gana siyang gumising. This time ay makakasabay niyang aalis ang kaniyang kaibigan, yup! This two will be staying sa bahay nila Sai hanggat matapos ang sembreak nila and hanggang sa pagdating ng family ni Sai from their two weeks vacation.
“Yuri! Ano ba? why don’t you answer your phone? It keeps on ringing, ang sakit na sa tenga.” Saway ni Eam dito.
“It’s not mine sis.” Simpleng sagot ni Yuri habang pupungas pungas pa, mga bagong gising kasi.
“Eh kanino ba iyon?” tanong ulit ni Eam. at parehas nilang hinanap kung kanino ang cellphone na kanina pang tumutunog.
“Hoy! bruha ka? Ano kusa bang sasagot cellphone mo kung tititigan mo yan? Kusa bang may mag he-hello yan?!” si Eam.
“Sssshhhhh!” habang isinesenyas ni Sai ang kamay kay Eam.
“Sus! Aga agang kabaliwan yan Sai huh! Now I know ang ginagawa mo kapag tumatawag at nagtetext kami ni Yuri sa iyo” si Eam ulit. Talagang di mapigil ang pagiging daldalera nitong babaeng ‘to. Kaya naman sa halip na magsalita pa si Sai ay parang may taong naalala siya na ganyan tuwing umaga. Oo, ilang araw na din na walang nanenermon sa bahay na iyon, paano’y nasa bakasyon, pero ngayon? Naalala ni Sai ang kanyang ina sa ingay ng bibig ni Eam.
“Hay naku Sai, ganda ganda nga ng cellphone mo, patouch screen touch screen ka pa titigan mo lang naman pala? Nonsense” dagdag pa ulit ni Eam.
Si Sai “Ngatngatin kita jan eh, you’re so noisy!”
“Sorry, I don't taste good. hehehe” ngisi niya.
“Sige I’ll make you palafang na lang sa alagang pitbull ng aming neighbor. Do you like that idea?” may sumungaw na konteng ngisissa labi ni Sai habang kanyang sinasabi iyo, paano’y naalala niya si AB, yes! AB. Speech kasi yun ni AB, at naadapt niya. Nang bigla ulit tumunog ang kaniyang cellphone.
“Oh, at talagang di mo sasagutin Sai?” si Yuri naman ang nagtatanong.
“Hayaan niyo lang. Tara prepare na kayo baka malate kayo sa volunteer niyo” sabi ni Sai.
“What? Our volunteer?” sabi ng dalawa ni chorus.
“YES!” madiin naman ang sagot ni Sai.
“Hoy loka loka ka, volunteer natin yun. Ako, siya at ikaw. Natin. Volunteer tayo don” si Eam habang isa isa niyang tinuturo ang kanyang mga sinasabi.
“May pupuntahan ako ngayon eh.” Maiksing sagot ni Sai.
“Huh?” sabay ulit ng dalawa
“Okay, to be honest with you guys” sabay buntong hininga niya. “I don’t feel coming to that place today. I’m not in my good mood, kayo na lang muna. And please, don’t ask me why and what’s the reason.” Sabi ni Sai. “I promise tomorrow, sa Saturday class nila pupunta ako and tatapusin nating 3 ang 1 week na natitira sa remedial class na iyon” sabi niya pa ulit.
Ang dalawa, nagkatinginan na lang. kibit balikat, pero may parehas silang hinala sa mood niyang iyon.
Isang oras na ang nakakaraan after Yuri and Eam finished preparing theirselves, yes! Si Yuri ay mahigit half hour lang, but Eam almost an hour and di pa din siya kontento, pero dahil nga kanina pa siyang kinukulit nila Sai at Yuri ay kahit labag sa kanyang kalooban ang huli niyang naisuot ay “Sige na nga lang” ang naging tugon na lang niya.
“Girl, sure ka na ba na hindi ka talaga na hindi ka magvuvolunteer today?” si Yuri. At tango lang ang naging sagot sa kanya ni Sai.
“If you changed your mind, habol ka na lang. Sobrang lakas mo kaya kay Fafa Kian kaya okay lang malate ka” si Eam, may idudugtong pa sana siya sa sasabihin niya ng tinalikuran na lang siya ni Sai at sinukong marahan ni Yuri.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...