CHAPTER XIII

618 6 2
                                    

(FLASH BACK...)

 

“May natatanaw ako, hindi ko sasabihin kung ano yun, kasi alam ko wala naman dun ang hanap ni Kian” akala mo ay makatang pagsabi ni Ryan nang kanyang matanaw ang gawi nila Dexter habang kinakalabit si Andy at ngumuso kay Kian. Matipid na ngiti lang naman ang naging sagot nito sa kanya.

Si Kian tahimik lang, kanina pa. Hindi niya napapansin at hindi niya din malamang nadidinig na kanina pa siyang pinagtutulungan ng kanyang mga kabarkada.

“Sai syndrome na ‘to” palokong sabi ni Ivan at nagtawanan naman ang ilan sa kanilang barkada.

“Oo nga, san si Sai? Di kaya nasa clinic na naman ang babaeng yun?” sa isip ni Kian, ayan tama hindi nga niya napapansin na kanina pa siya pinagmamasdan ng kaniyang mga barkada.

“Patay tayo nito. Ano ba iniisip mo nang malalim?” pailing na sabi naman ng kanyang pinsan. Teka Kian, Kanina ka pang tinatanong Kian bakit di ka sumasagot? Ano ba daw iniisip mo? At kung sakali man, as if naman na sagutin din niya ang tanong niyo sakali man na nadidinig niya ito.

“Hoy!” isang malakas na sigaw sa tenga ang nagpabalik sa kanyang sarili. At dahil sa pagkakagulat ay nabatukan niya ang sumigaw na yun sa kanya, Si Glenn.

“What's the problem?” madiing tanong niya sa kabarkada.

“Mga ‘tol, problema daw natin?” painsultong tanong din ni Jelard. “Sino kaya dyan yung kanina pa tahimik, tulala.” Sabay iling

“I am just thinking” palusot naman niya

“Wow, humihina na ba ang utak ng Mr. Genius ng department natin, at di na niya kaya ang multi tasking sa utak niya?” Si Jomar

“Mali, ayaw na niyang mag-isip ng iba kundi si Sai na lang.” si Alexis akala mo ay nagtutula

“Muttonheaded people.”

“Eh ikaw, utak mo Sai lang laman simula kanina pa. Nagseselos na nga ako.” Pabirong sabi ni Jelard at kunwaring nagdadabog

“CRAZY.” Maikling sagot at depensa na lang niya. Kasi naman ay totoo, kanina pang si Sai laman ng utak mong yan, di pa aminin na lang.

“Tara tanong natin kung bakit wala si Sai at nang hindi mahirapan si Kian baby sa kakaisip” malokong sabi ni Ryan habang papalapit sila sa gawi nila Dexter.

Habang papalapit naman ang barkadang ito kina Dexter, may dalawang babae na akala mo ay nakakita ng multo, o pwede ding naging bato na at pwedeng pwede nang maging istatwa sa harapan ng building na iyon.

“Hoy, huminga kayong dalawa Yuri ha” bilin ni Dexter sa dalawa. Ang dalawa naman walang tugon, tahimik lang at di gumagalaw.

“Dex, musta na?” malayo pa lang ay nagtatanong na itong si Ryan. Si Ryan yan at di si Dexter. Si Ryan eskandaloso si Dexter hindi, kaya naman kanya itong hinitay na makalapit sa kanila bago sumagot “Ayos lang. Parang kanina lang tayo nagkita”

“Ayaw mo nun? namiss kita agad.” Sabay kindat ng eskandalosong si Ryan. Matagal nang magkakilalaang dalawa. Magkapit bahay at kung di sana huminto si Dexter ng pag-aaral at nagtransfer from other school malamang na pag grumaduate sila ay kabatch niya ang mga ito.

Si Ryan, kunwaring nagbibilang at “Dex, parang kulang ang mga angels niyo?san si Ms. Intensity? Sai ba pangalan nun?” teka lang Ryan bakit kailangang diinan mo yung pagbanggit ng pangalang Sai?

“Oo Sai pangalan nun. Nasa canteen ata” sagot din naman niya dito

“Ah, nasa canteen ata daw si Sai” muli may pagdiin siya sa pagbanggit ng pangalan nito at sa pagkakataong ‘to may paglingon na siya kay Kian. Si Kian napakunot lang ng noo “Ano ba nasa isip ng baliw na to?” tanging naging tanong niya sa isip.

Mukha yatang ang barkada ni Kian ay inuunahan na siya sa kung anuman ang kanyang nararamdaman ah!, aba at mabuti pa sila sigurado sila na gusto ni Kian si Sai, samantalang si Kian di pa niya alam, di siya sigurado. Inaaral palang niya sa sarili niya, nagugulahan pa lang.

Isa pa, hindi pa nga sigurado ay jumping into conclusions na ang mga loko lokong barkada nito. Kawawang Kian naman ‘to, napagtutulungan din. Tsk.

“Si Sai? Nasa canteen?” Tanong ulit  ng makulit na Ryan na ‘to kay Dexter habang nakatingin kay Kian at kumindat pa ang loko loko. Bagay na mas kinairita ni Kian. “What? Why you keep on looking at me whenever you mention Sai’s name?” mahahalatang inis si Kian sa tono ng kanyang pananalita.

“Bakit? ‘nu ginawa ko?” maang maangan na tanong ni Ryan dito.

“Oo nga pre, wala namang ginagawa si Ryan” si Alexis. Mukhang pinagkakanuno mo ang iyong pinsan ha!.

“Wag kayong ganyan mainit ulo niyan ni Kian” babala naman ni Jelard

“Pag yan, naku” di na tinuloy ni Ivan ang sasabihin

“Wag niyo nga inaaway baby Kian ko” nagbabakla baklaang sabi ni Andy dito.

Tanging buntong hininga na lang ang nagawa ni Kian sa mga pinag gagagawa ng kaniyang barkada. Sanay na siya sa mga pang aasar ng mga ito, paano ay ganun din naman siya siguro ay oras lang niya talaga ngayon. Pero bibihirang pagkakataon ‘to, dahil madalas pag siya na ang nagsalita nakikinig ang mga ito sa kanya.

“Teka Dex, curious lang ako Sai ba talaga pangalan ni Ms. Intensity?” ito na naman ‘tong si Ryan sa mga tanong niya. Di ka ba marunong umintindi?

“Nickname niya lang yun” sagot naman ni Dexter dito.

“Apelyido please”  

“Gonzales”

“Ah, Sai Gonzales, nice name” sabay tingin ulit sa gawi ni Kian. Si Kian kunwaring walang nadidinig, palingon lingon kung saan saan.

Pero sa totoo lang masaya siyang malaman na kahit pano ang family name nito, at “So, it means that, her real name is greater than her nickname, Sai” sa isip niya.

Pero teka bakit nakatingin ang barkada mo na naman sayo? Sigurado ka bang di masyadong malakas pagkakasabi mo? Sigurado ka bang sa isip mo nasabi yan? At teka nga Kian, ano nga ulit sabi mo? Ibig sabihin mas maganda ang real name niya? Kian, oo hindi ka nga interesado. HINDI.

“Dex, may tatanong ako sayo mamaya ha. Text kita” Pahabol na sabi ni Ryan dito bago sila umalis.

“Bakit itetext pa, pwede naman na sigurong itanong na” sabi naman nito

“Secret kasi yun”

“I see. Sige”

Pagtalikod nila ay agad na inusisa nila Jelard kung ano ang secret na itetext nya kay Dexter. “Good idea pre, malamang na may matutuwa niyan” sabay lingon ni Alexis sa pinsan na kanina pang tahimik.

Kunwari’y may nakasalpak na earphone sa tenga pero ang totoo wala naman siyang pinakikinggan. Alibi lang niya.

“Ano na naman kaya mga balak ng mga ‘to? Si Ryan talaga lagi pasimuno ng kalokohan” sabi niya sa isip na nailing.

Kian relax, tama si Alexis kung anumang secret ang tinutukoy ni Ryan ay ikatutuwa mo din. Pero teka kung ako sayo pala ay hwag kang masyado matuwa kasi may binabalak ang mga kabarkada mo.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon