CHAPTER XXXII

407 6 0
                                    

FLASH BACK…

“Bruhilda ka huh, sana lang di mo nakakalimutan na sabi mo kahapon before mo imeet si fafa Kian ay may sasabihin ka sa amin Yuri ming ming!” si Eam, ito’t kanyang pinapapaalala ang kanilang naging usapan kahapon.

“Oo Eam, I remember it. Don’t worry im going to tell it to you guys” assurance naman ni Sai  sa dalawa niyang kaibigan na nakaabang sa kanyang sasabihin.

Kung si Eam ay excited na madinig ang sasabihin ni Sai, si Yuri iyon! Mainit ang ulo “Hay ano bang klaseng canteen to? Paulit ulit ang pagkain nila, di pa sila nagsara! Lahat kung di paulit ulit, wala. Lahat wala!” dabog niya “Dapat magsara na lang sila! Nakakasawa na, lalo kung di naman masarap sa paningin ang mga paninda, sarap itapos!” at mukhang sinadya niya talagang lakasan ang mga sinasabi nyang iyon. Bakit naman kaya nitong huli ay napapaadalas na ang pagtataray niitong si Yuri?

“Nakakasira ng araw kung ganyang klase ba naman ang makikita mo!” singhal pa niya at sinabayan pa niya ito ng irap. Habang ang dalawa niyang kasama ay nagtataka sa biglang pagbabago ng mood ni Yuri.

“Bipolar?” tanong ni Sai sa isip, nagtataka kasi siya sa mga inaasta ni Yuri. Kanina lamang ay ok naman ang mood nito, ngayon at ito kung anu ano na ang mga pinagsasabi.

“Ano ka ba ming! Cool ka nga lang. tignan mo you caught ang attention ng madlang human dito sa loob ng canteen!” si Eam, sabay lingon kunwari sa kanyang paligid.  “Ohh!!!si Jelard yun right?” sabay kaway dito. Nang biglang may naisip siya, “Naku ming, don't tell me—“ di naituloy ni Eam ang sasabihin, dahil siya na mismo ang nagtakip ng kanyang madaldal na bibig habang nanlalaki ang mga mata. “OMG!!! Don't tell me--” at kunwari pang di makapaniwala sa kanyang naiisip.

“Hay naku Eam, kung, may balak kang makipag batian jan sa hinayupak na lalaking iyan, pwede lumapit ka na lang sa kanya? Wag mo siya papuntahin pa dito” mataray at walang kagatol gatol sa boses na iyon ni Yuri nang kanya itong sabihin. “Ikaw din Sai” dagdag pa niya.

“Huh?” gulat na sabi ni Sai sa kanya, paano naman kasi nanahimik itong imiinom ng kape kahit magtatanghali na. “As if naman nakikipag batian ako ng kagaya niyan ni Eam” sabay ngus sa gawi ni Eam at tanging iiyon na lang ang naging depensa ni Sai sa sarili. Gulat din siya, eh ni di niya nga napansin si Jelard, tanging si Eam lang ang bumati, ito’t pati siya’y nadamay sa kasungitan ni Yuri.

“I just thought since alam mo na, na baka gusto mo ding bumati sa kanyang ever dearest bestfriend” at talagang mukhang mainit ang ulo ni haponesang Yuri. “Oh! Ikaw ano pa ginagawa mo? Lumapit ka na dun, dahil pag yan nagpunta sa table natin kakalimutan ko na friend pala kita” banta niya kay Eam.

“Wow! Agad? Nang dahil lang dun?!” sunod sunod naman na over reaction ni Eam sa kaibigan.

“Oh? Bakit aangal ka?” taas kilay na tanong ni Yuri.

“Wala! Ito na nga eh, ako na pupunta dun” sagot naman ni Eam na parang nang iinis pa. “Hay naku Sai, bigyan mo nga yang impaktang babaitang yan ng anti histamine!” maktol pa nito, bago nagmartsa papunta kay Jelard.

“Huh?!” na naman ang tanging nasabi ni Sai, wala eh busy siya sa kape niya.

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon