(FLASH BACK...)
Si Kian nakapanghimulsa at nakangiting umalis sa main building ng kanilang campus, mukhang kontentong kontento siya kung anuman ang gusto niyang alamin; Ang gusto niyang masagot na tanong.
Papalakad na siya sa building ng kanilang department nang mapansin siya ng kaniyang mga kabarkada sa bintana.
“Yan na siya, papunta na dito.” alarmang sabi ni Andy sa mga kaibigan
“Tiyak matutuwa yun” sabi naman ni Jelard.
“Teka bakit parang sure na tayo na type nga ni Kian si Sai?” si Glenn
“Sa tagal na naming magkasama ng lokong yun, pati likaw ng bituka nun alam na alam ko na.”
si Jelard. Oo totoong matagal na silang nagkakasama ni Kian, mula bata pa sila nila Alexis.
“Nga naman maski kaya pinsan niya ganun din sinasabi, na type niya si Sai” sabad naman ni Dan
“Bakit Glenn, wag mo sabihing type mo din si Sai?” lokong tanong ni Andy sa kanya
“Hindi!” agad naman na sagot niya
“Yun naman pala hindi daw”
Isang matabang lalaki ang mabilis na lumapit sa gawi nila Andy, sa kakamadali akala mo may emergency at ito muntikan pa siyang masubsob. Naku po!
“Mga kolokoy andyan na” sabay upo ni Ivan
“O walang maingay ha, asarin muna natin hanggang sa siya mismo umamin” bilin naman ni Ryan.
“Sigurado ba naman kayong aamin siya?” si Glenn na nagdadoubt.
“Rumor mongering?” sabi ng kakapasok lamang na lalaki at nakamanghimulsa. Si Kian.
“Wala may surprise kami sayo.”Oopps. sorry mga dude!” napatakip sa malaki niyang bunganga itong madaldal na si Ivan. Samantalang isang malakas lakas ding batok ang inabot niya sa mga kabarkada niya.
“Tadong ‘to! Daig pang babae sa kadaldalan.” “Sarap sungalngalin bunganga nitong litsong baboy na to eh” sunod-sunod na komento ng kanyang mga kabarkada. Ayan Ivan lesson learned, HWAG KASI PAPANSIN, KUNG WALA KANG MAGANDANG SASABIHIN ITIKOM ANG BIBIG.
“So, what is the secret dudes?” ulit na tanong ni Kian sa mga ito. “Pasecret secret” pailing iling pa siya.
“May nalaman lang naman kasi kami” sabi naman agad ni Ryan
“Then?” parang hindi interesado si Kian kung anuman ang nalaman nila at halata yun sa tono ng kaniyang pananalita.
“Tignan lang kung di ka ganahan pag nalaman mo” si Jelard at tumabi pa sa kanya.
“I dont have know it, I know it will not give me interest”
“Ah talaga?” si Ryan halos maghalikan na sila sa pagkakadikit ng mukha niya dito. “Pano kung sabihin namin na alam na naming buong pangalan niya?” dagdag pa nito
“Tsk, I told you I am not interested to know.”
“Talaga?”
Ang kulet talaga nitong Ryan na ‘to sinabi na nga niyang di siya interesado pang malaman!.
“Fine, sabi mo” sabay upo nila sa harapan ni Kian at pinakatitigan nila ito. Pinag aaralan ang expression ng mukha nito. Pero ano bang inaasahan nila sa mukha ng lalaking ito? Eh parang sa kanya dedicated ang kanta ni Lady Gaga na Poker face at siya din ang literal na ibig sabihin ng POKER FACE.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)
General FictionLucky are those who already found the love of their lives, those people living and spending times with their dearest. However, there are some lovers who found each other but never been together for whatever reasons. There maybe times you regret tho...