CHAPTER XLVIII (Part 1)

401 3 0
                                    

Maybe someday I'll see
Why love did this to me
'Cause I can't go along pretending
That love isn't here to stay
Catch me I'm Fallin' for you...” ~~CATCH ME I’M FALLING
(Toni Gonzaga) 

Kinabukasan, maaga akong gumising at nag handa. Paano naman kasi, si Kian hihintayin niya na lang daw ako sa kanto, papasok ng village namin. Medyo nakakahiya naman kung magpapahintay ako ng matagal, saka di ko naging ugali kahit kailan ang magpahintay. Ako ang laging naghihintay kasi. Para sa akin, MAS OKAY NANG AKO ANG MAGHINTAY, KAYSA ANG MAGPAHINTAY. Isa pa, very particular ako sa time.

“Nay, san ka po galing?” tanong ko sa nanay ko.

“May kinuha lang sa boutique, nakalimutan ko kasi kagabi dalhin.” Sagot naman niya sa tanong ko. “Ikaw? Bakit parang sinasadya mo pang magpatagal? Di mo ba alam, may nagihintay sayo?” tanong naman niya sa akin.

At dahil sa tanong niyang iyan, natigil ko ang pagsubo ng kinakain ko’t nagkatinginan kaming bigla ni LR.

Ramdam ko ang biglang paglamig ng palad ko, halos ng buong katawan ko. Sa agang ‘to, para akong binuhusan ng balde ng may yelong tubig. Well, dinaig ko pa ata ang sumabak sa Ice Bucket Challenge.

“Di mo ba nadinig tanong ko ‘nak?”  tanong niya pang ulit.

Paano naman din ako sasagot sa tanong niyo po nay? tsaka, hanggang ngayon ay nabigla pa din ako. Para ngang na stuck sa lalamunan ko yung kaninang nilunok kong sinangag eh.

Nang makita ko siyang humarap sa akin, at binitiwan ang hawak niya kanina lang ay automatic na umiling ako.

Waaahhh!!! Di ko din alam para saan yun, basta umiling lang ako.

“I saw him there. Sakto naman na napadaan ako. Nakita ko siya from the convenient store and rode on his car.” Nyak!!!! Sige pa din ang nanay ko. This time, napaubo na ako talaga.

“Alam na niya? paano?!” sa isip ko, habang uminom ako ng tubig. Kung di ko gagawin iyon, baka tuluyan ng bumara ang mga nilunok kong mga pagkin.

“Papuntahin mo siya dito.” Nanay ko na naman.

“Po?!” di ko na kinaya’t halos pasigaw pa ang pagtatanong ko ng dalawang letrang words na iyon.

Sa nagulat naman ako sa sinabi niya na,  PAPUNTAHIN KO DAW SI KIAN DITO?!!

“Nay. I’ll go ahead. Ate, nanjan na school service namin.” Si LR!, iniwan na ako!!!!bakit ngayon pa?! nagpaalam pa sa akin!

“Sige, ingat at itext mo na lang ako pag nasa school ka na ha.” Sabi ng nanay ko sa kapatid ko.

“Okay.” Sabay kiss niya sa pisngi ni nanay, at nagmamadali pang lumayas talaga!

Nilingon pa ako!

“Para saan ang paglingon mo?! Di mo naman ako babalikan eh!” sigaw ko sa isip ko. Di naman masyadong timing ang pagdating ng school service niya no?! sobra. Sobra lang!

Why Can't We Be? (TAGALOG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon