Nagtungo naman kami sa bus station. Kaagad bumili si mama ng ticket. Bago kami sumakay sa bus ay bumili muna kami ng makakain sa daan. Madali kasi akong gutumin at pangontrang car sickness.
"Hanggang ngayon, hindi mo pa rin nakakalakihan ang pagkain mo habang nagbyabyahe." ang komento niya.
"Eh, ganun talaga eh" ang tugon ko naman. Natulog si Mama sa biyahe kaya naman wala akong magawa kundi ang kumain habang katext si Luke. Nakinig na rin ako ng ilang kanta na pinasa ni Luke sa phone ko at "It's a must" na pakinggan ko ang mga yun. Ilang oras din ang itatagal ng byahe namin.
"Sino yang katext mo?" ang tanong ng echosera kong nanay nang hinugot niya ang earbud mula sa tenga ko.
"Schoolmate" ang simple kong tugon. Gusto ko talagang sabihing boyfriend ko. TT... pero natatakot talaga ako sa magigimg reaksyon ni Mama kapag nalaman niya. Hondi na siya nagtanong pa at bumalik na lang sa pagtulog.
"I miss you already" ang text ni Luke.
"I miss you too" ang reply ko naman.
"Turn on your FM radio" ang bilin niya. "79.1"
"Bakit?" ang tanong ko naman.
"Faster" ang tanging naging sagot niya kasunod ang isa pang text message. "Nakikinig ka na?"
"Hay naku" ang reaksyon ko naman sa aking sarili. In-off ko ang MP3 player at nagtungo sa FM radio. Hinanap ko ang station. May love song na tumutugtog.
"Naka-on na" ang text ko.
"Just listen" ang reply niya. Nakinig naman ako.
"Hey yeah!" ang bati ng boses on board. Good evening everyone. TIME CHECK: it's ten past nine. Once again, this is DJ Elixir, your doctor and I'm gonna heal you through the songs that I'm gonna play tonight. Thank you for keepinh me company. This is the third and last hour of the program: Heart to Heart."
"Last wave of requests and dedications..Let's start with guy named Blanket." Para naman akong nakuryente sa kinauupuan ko nang marinig yan. "Pillow, I miss you already. Awww, how sweet. Anyways, the next song is for you"
Tumugtog ang kantqng Beautiful na cover ng Bantam Boys na original ni Mariah. Nakinig naman ako. Nakakatuwa yung song. Ang saya lang kahit na ang naiintidihan ko lang ay ang linyang "You're Beautiful" at "you be with me". He found a way to like the song. Napapangiti na lang ako sa kinauupuan ko.
"You're beautiful" ang biglang text ni Luke. Kinikilig ako..... ehmergawd.
"Uhm, thank you" ang reply ko.
"I love you" si Luke.
"I love you too" ang tugon ko.
"Kiss ko?" ang tanong niya.
"Mwah!" ang reply ko. Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na rin kami sa probinsya namin.
"Dederetso ba tayo sa punenarya?" ang tanong ko.
"Hindi muna, kagagaling natin ng byahe" ang tugon naman ni Mama. "Magpahinga na muna tayo sa bahay"
"Sige ma" ang tugon ko. Kaagad naman kaming sumakay ng pampasaherong van pauwi galing sa terminal ng bus. Kaagad naman akong dumeretso ng maliit kong kuwarto.nang makarating kami sa bahay. Pagkatapos makapagbihis at makahilamos ay nahiga agad ako. Nagpaalam agad ako kay Luke na magpapahinga na ako dahil napagod ako sa byahe.
Kinabukasan...
Medyo late na akong nagising. Tinignan ko ang phone ko. Si Luke, bumabati ng good morning na siyempre kaagad kong rineplayan.
"I love you so much" ang muli niyang text.
"I love you too" ang tugon ko. Desidido na ako....habang andito si Mama.... sasabihin ko na sa kanya ang totoo... yung tungkol sa akin... tungkol sa amin ni Luke ko. Lumabas ako.ng kuwarto at hinanap si Mama. Nasa kusina siya.
Napapalunok na lang ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang katotohanan. Pinapanood ko siya habang nag-chochop ng kung anu-ano para sa lulutuin niya.
"Ma" ang pagtawag ko sa kanya.
"Oh?" ang tanong naman niya.
"M-may boyfriend ako" ang nauutal kong pag-amin. Napapapikit naman ako. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakakarinig ako ng mga pagsinghot. Hala, umiiyak si Mama!!! Napamulat ako ng mga mata.
"Sorry Ma, hindi ko naman sinasadya. Hindi ko rin naman ginusto eh" ang paliwanag ko. "Ma, wag ka na umiyak"
"Hay naku! Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo." ang suway niya. "Naluluha ako dahil sa mga sibuyas"
"Aaay" ang reaksyon ko naman. Akala ko naman nang dahil sa sinabi ko.
"Pero totoo ba?" ang bigla niyang tanong sabay tingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. "Na may boyfriend ka?"
Napatango naman ako.
"Aba anak!" ang gulat niyang reaksyon. Halos mapatalon naman ako sa kinalalagyan ko. "Aamin ka na may boyfriend ka. Pero hindi mo pa naaamin na bading ka. Pwedeng yun na muna? At tsaka hindi ako papayag. Nag-aaral ka pa. Matatanggap ko kung ano ka kasi anak kita, kasi mahal kita. Pero ang pagjojowa, hindi pa pwede!"
"Ma naman! Kami na eh" ang pagmamaktol ko naman.
"Hiwalayan mo. Simple"
"Ayoko!! Magpapakamatay ako!!"
"Anak, maikli lang ang buhay. Mamamatay at mamamatay ka rin. Wag mong unahan..masyado kang excited" ang pilosopo niyang komento. Nakaka-iinis talaga itong nanay ko. Hindi mo maka-usap ng maayos. Kakairita...
"At tsaka isa pa, ang estudyanteng puro puso ang inuuna... grade ay babagsak sa "nganga" ang dagdag niya pa. Napapakunot na lang ako ng noo. Ang sakit niya sa bangs.
"Ma, ayoko" ang matigas kong pagtanggi. "Tsaka it's just a matter of balance"
"Pwede ba wag mo akong mabalance-balance diyan! Baka gusto mong masampal ng kabilaan para malaman mo kung gaano kasakit ang ma-imbalance kapag nakipag-relasyon ka!" ang mataray na tugon ni Mama.
"Hugot pa more!" ang pilosopo ko namang tugon. "Hindi katulad ni Papa ang boyfriend ko"
"Nasasabi mo lang yan kasi bago pa lang kayo" ang sabi ni Mama. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
"Nagmana lang ako sayo!" ang tugon kong parang bata.
"Nagpaligaw ka ba naman?" ang tanong ni Mama. Napatameme ako at napa-isip. "Tignan mo! Maharot kang bata ka!"
Grabe makapanglait ang nanay ko, daig pa ang mga Stepmother sa fairytales.
"Sige, hihiwalayan ko siya" ang sabi ko. "Nang hindi na ako makapag-aral!"
"Aba, magmamataas ka talaga ka!" si mama na umiinit na rin ang ulo sa argumento naming dalawa. Hindi kaya ako magpapatalo. I spent many years alone, gusto kong makasama si Luke ko. Ngayon ko lang naman susuwayin si Mama eh. Na-distract naman ako nang biglang tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa hawak ko. Si Luke, nagtext. Nanlaki ang mga mata ko at napatakbo ako sa kuwarto nang mabasa ang yun.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...