Chapter Sixty-five: Mr. Kimchi, The Pranksters and The Korean Princess

11.7K 337 28
                                    

Xean's POV

Buong magdamag nga nila pinaliwanag sa akin ang nangyari kung paano nasali ang imaginary girl na si Sheena Mae Olivares. "So, Ito yung gagawin sa night race"

Inabot naman niya sa akin ang papel at binasa ang laman. Opening program. Parade of Nations. NIGHT RACE.

"Parade of Nations?" ang tanong ko.

"Oo, every contestant ng race eh may country na rinerepresent" ang paliwanag ni Princess.

"So, ang rinerepresent ni Sheena Mae ay?" ang tanong ko.

"Since si Luke ay si Mr. Kimchi... well, ikaw naman si Miss Danmunji" si Uno. "In short, Miss Korea"

"Aaaaaaah" ang reaksyon ko.

"So, baka K-pop theme, no?" si Princess. "You can be a Korean pop idol"

"Wait! I beg to disagree! Why don't we go with a little traditional Korean theme" ang suhestyon naman ni Sophia.

"Since feel ko magtratraditional din yung iba sa night race eh. Tapatan na natin sila. Di ba?" ang pagpapatuloy ni Sophia. "Yung Jewel in the palace ang peg. So, lahat ng nasa batch natin naka-Hanbok"

"Good idea!" ang sabay na sabi ni Uno at Princess.

"May utak ka din pala Sophia!" si Princess. "Akala ko, nasama na sa hangin pag naghahair blower ka"

"Hard!" si Sophia. Pagkatapos ng mini-meeting namin eh ay deretso ako ng uwi. Bago matulog ay tinext ko si Mr. Kimchi na matutulog na ako at na of course, mahal ko siya.

Kinabukasan.... nagising ako nang may nagpo-poke ng ilong ko.

"Hi!" ang malakas na bati sa akin ni Marcus. Kaagad naman akong napababa ng kama.

"Susme!" ang gulat kong reaksyon.

"Morning!" ang maligalig namang bati sa akin ni Anjo habang nag-oowling sa study table ko.

"Anong ginagawa niyo rito?" ang nagtataka kong tanong.

"Pinapasundo ka ni Luke" ang tugon naman ni Anjo na ngayon naman ay nakaLotus feet position na at parang nagmemeditate"

"Eh, asan ba kasi si Luke?" ang tanong ko.

"Busy" ang sabay nilang tugon.

"Mag-ayos ka na para maka-alis na tayo" ang bilin ni Marcus.

"Sige" ang tugon ko naman. Kaagad ko naman silang pinalabas ng kuwarto. Pagkatapos makaligo ay dalian naman akong nagpalit. Pinuntahan ko naman sila sa receiving area. Tutok silang nanonood ng cartoons sa TV.

"Uhm, tara na" ang yaya ko. Kaagad naman silang sumunod at sumakay na nga kami sa kotse nila. Tahimik lang naman ako sa bhahe samantalang nagkwekwentuhan yung dalawa. Napansin ko naman na iba ang daanan na tinahak namin.

"Hui, saan tayo papunta?" ang tanong ko habang nakamasid pa sa labas sabay tingin sa dalawa.

"To infinity and beyond!" ang tugon naman ng dalawa. Haay naku naman! Pag ako nainis baka itapon ko tong dalawa to infinity and beyond. Hindi na lang ako umimik bagkus ay nanahimik na lang ako. Bigla namang tumunog ang phone ni Marcus. Sinagot naman niya ito.

"Sorry, nawawala phone ko wag mo akong tawagan. Bye" ang sagot niya sabay end call. "Si Luke. Hinahanap na tayo"

Phone ko naman ang tumunog. Sasagutin ko na sana nang hablutin yun ni Marcus st siya amg sumagot. Linoud-speaker niya pa.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon