Chapter Forty-eight: Otaku Hats

16.4K 391 38
                                    

"Relax, Xean, Relax" ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. Sabay kaming naglalakad ni Luke papasok ng perya.

"Uhm, bakit dito tayo pumunta?" ang tanong ko.

"Bakit? Ayaw mo ba?" ang tanong naman niya pabalik.

"Hindi sa ganun. Curious lang ako" ang paliwanag ko.

"Kung gusto mo, sa ibang lugar na lang tayo pumunta" ang suhestyon niya.

"Hindi na" ang pagpigil ko.

"Hindi pa naman ako nakakapunta sa ganito" ang mahina kong pag-amin.

"Talaga???" ang tanong naman niya naman na may bahid ng pagkamangha. Tumango naman ako.

"Minsan lang ako nakapunta, kasama mga parents ko nung bata pa ako pero hanggang tingin lang ako" ang mabagal kong kwento na para bang batang nagsusumbong sa kanya. Napangiti naman siya ngunit umiwas naman ako ng tingin. Biglang inilagay ni Luke ang kamay niya sa ulo ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Halika na, pillow" ang nakangiti niyang yaya sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Gusto ko maranasan mo ang mga ganitong first experience kasama ang blanket mo"

"Sige" ang nahihiya kong pagpayag. Marahan naman niyang ginulo ang buhok ko.

"Tara na" ang muli niyang yaya. Napangiti naman ako at tumango bago tuluyang pumasok sa perya. "Lahat ng gusto mong sakyan at puntahan; sasakyan at pupuntahan natin"

Bigla naman akong na-excite sa sinabi niya. Then, suddenly he took me by my wrist. Natigilan naman kami nang madaanan ang stall ng cotton candy.

"Miss, dalawa" si Luke.

"Ano pong kulay?" ang tanong naman ng tindera.

"Blue sa akin" ang sabi ko.

"Isang blue at isang pink" ang tugon naman ni Luke. Pink? Gusto niya ng pink?

Kaagad namang inabot ng tindera ang mga cotton candy na siyang binayaran naman ni Luke.

"Let's go" si Luke. Sinabayan ko siya maglakad.

"O ito" si Luke sabay abot ng pink na cotton candy sa akin.

"Hui, blue yung gusto ko" ang reklamo ko. "Ayoko nitong pink!"

"Pareho lang naman ng lasa" ang komento naman niya.

"Hindi kaya!" ang giit ko naman. "Bubblegum flavor yang blue; strawberry naman itong pink. Ayoko ng strawberry!"

"Ha?" ang reaksyon naman niya sabay kuha sa cotton candy ko.

"Akin yan!" ang sabi ko.

"Akala ko ba ayaw mo nito" ang retorikal niyang tanong. Kumagat siya sa cotton candy ko pagkatapos ay kagat din sa kanya. "Pareho lang naman ng lasa."

"Kadiri ka!" ang komento ko nang inabot niya sa akin ang pink na cotton candy. "Kinagatan mo"

"Masanay ka na sa laway ko" ang bilin naman niya. "Palagi mong matitikman ang laway ko pag naging tayo"

"Huh? Paano?" ang tanong ko.

"I"ll be kissing you everyday" ang paliwanag  naman niya.

"Gusto ko pa rin yang blue" ang nakasimangot kong tugon.

"Bakit ba big deal sayo itong blue cotton candy?" ang tanong niya.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon