Pagkababa namin ag kaagad naman siyang umakbay sa akin.
"Hui" si Luke. "Bakit biglang hindi mo ako kinaka-usap?"
"Ha? Parang hindi naman" ang tugon ko.
"Ayoko nang natatahimik ka" ang sabi niya.
"Oh, bakit naman?" ang tanong ko.
"Pakiramdam ko kasi galit ka" ang maikli niyang paliwanag.
"Natahimik lang, galit na agad? Hindi ba pwedeng nagmumuni-muni lang muna?" ang pilosopo kong argumento.
"Basta. Hindi pwede yan" ang komento niya. Malala talaga to. Radio announcer yata ang hanap nito eh.
"Uhm" si Luke.
"Uhm" ang paggagaya ko naman.
"Uhm" si Luke ulit.
"Uhm" ang muli ko na namang panggagaya.
"Uhm"
"Uhm"
"Uhm"
"Uhm"
"Uhm"
"Uhm"
"Uhm"
"Uhm"
"Uhm"
"Tama na nga! Pagod na ako!" ang pagsuko ko na nakapagpatawa sa kanya.
"Pillow" ang pagtawag niya.
"Oh?" ang reaksyon ko naman.
"Oh?" ang panggagaya niya.
"Oh?"
"Oh?"
"Oh?"
"Oh?"
"Oh?"
"Oh?"
"Oh?"
"Oh?"
"Ayoko na nga! Nakakapagod kaya!" ang pagsuko ko muli.
"Kailangan mo akong i-libre" ang sabi niya.
"Bakit naman?" ang tanong ko.
"Kasi sinamahan kita" ang tugon naman niya.
"Pinilit mo nga lang sumama eh!"
"Siyempre, baka may magka-interes pa sa'yo. Akin ka lang!"
"Eh, di sa'yo lang" ang nakangiti kong tugon.
"Pakiss nga!" ang hirit niya.
"Asa ka!" ang tugon ko naman. Nasa fourth floor ng mall na kami kung nasaan ang mga store at kiosk ng sari-saring gadgets.
"Doon tayo!" ang yaya niya ngunit natigilan ako nang makita ang Brand.
"Wag diyan!" ang pagtanggi ko naman.
"Bakit naman?" ang nagtatakang tanong niya.
"Ang mahal kaya diyan!" ang paliwanag ko.
"Magkano ba kasi ang budget mo?" ang tanong niya.
"4k lang" ang tugon ko.
"Pwede na yan! Makakahanap tayo ng magandang phone para sayo"
"Sige, sabi mo eh" ang huli kong sinabi.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...