Chapter Eighty-five: #LoveWins

7.7K 273 15
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nag-ayos para makabyahe pabalik ng lungsod. Sa bus terminal...

"Mag-iingat kayong dalawa" ang pasimulang bilin ni Mama. "Huwag kayong magpapabaya sa pag-aaral"

"Opo" ang sabay naming tugon ni Luke.

"Oh, sha. sumakay na kayo baka mawalan pa kayo ng upuan" ang bilin ni Mama sabay abot ng plastic bag na lulan ng pasalubong namin ni Luke sa mga malapit na tao sa amin. Sumakay na nga kami sa bus at puwesto sa medyo gitna. Kumaway kami ni Luke kay mama nang umandar na ang bus. Tahimik lang naman kami ni Luke. Nakaakbay lang siya sa akin habang nakamasid sa labas samantalang linabas ko naman ang isang libro at nagsimulang magbasa. Hindi naman nagtagal ay ramdam ko na ang ulo niya sa ulo ko. At sa mga sandaling yun ay alam kong nakatulog na siya. Sinandal ko na rin ang ulo ko sa kanya. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga ilang matang pasulyap-sulyap sa amin. Sa mundo ko... kami lang ang importante. Aka nga ni Taylor Swift... And the haters gonna hate, hate, hate,hate, hateBaby, I'm just gonna shake, shake, shake, shake, shake. I shake it off.

"Ang sweet naman" ang komento ng kundoktor nang mapadaan at mapansin kami. Natigilan naman ako at napatingin. Nakangiti siya sa akin.

"Boyfriend mo?" ang tanong niya.

"Opo" ang tugon ko.

"Alam mo ba legal na sa US ang Same Sex marriage?" ang tanong niya.

"Ayy, totoo?" ang gulat kong tanong.

"Oo. 50 states" ang tugon niya sabay kindat at tingin kay Luke. Natawa naman ako.

"Hindi ako ang magdedesisyon kung kailan" ang paliwanag ko.

"Legal na nga. Ibig sabihin... binaboy na ang pagiging sagrado ng pagpapakasal." ang komento ng isang pasahero.

Ayy, may pinaglalaban.

"Oo nga. At tsaka, yung normal ngang mag-asawa di kayang maghandle ng ganun, ano pa kaya sila?" ang pagsang-ayon pa ng katabi niya.

"Excuse me" ang singit ng isa. "Bago pa lang na legalized ang same sex marriage ay nayurakan na ang pagiging sagrado ng kasal. Domestic Violence, pangangabit, arranged marriage para lang sa yaman. Saan ang hindi mali sa mga yun? Wag na natin isama ang ibang tao na gustong sumaya."

Napapangiti naman ako kasi nga may point naman.

"This is my opinion, anything you say don't concern me" ang sabi pa ni ate.

"Yes, that is your opinion. You're entitled to it but no one cares about it" ang balik naman ni isa pang ate. "So keep it to yourself and stop defending it like it's a laid fact."

Napatahimik naman siya. Napathumbs-up naman ako at ang konduktor sa kanya. Napangiti naman siya at tumango.

"Intense" ang komento ng konduktor bago umalis. Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa. Bigla na lang hinawakan ni Luke ang kamay ko.

"I'll bring you there" ang bulong niya. "I'll marry you soon. Pinapangako ko sa'yo yan"

Eeehmergawd... unofficial wedding proposal ba ito?

"Sigurado ka na ba diyan?" ang paseryoso kong tanong.

"Bakit naman hindi?" ang tanong niya pabalik. "True love kita. Dapat lang yun."

#winner
#lovewins

Nakaka-emo 'tong lalakeng 'to. Kinikilig na ako.

"Gusto mo rin naman siguro yun?" ang tanong niya pabalik.

"Cho-choosy pa ba ako?" ang komento ko. Mas lalo niyang hinigpitan ang kamay ko.

"Can't wait" ang sabi niya.

"Ako rin" ang tugon ko. Muli siyang umidlip samantalang ako naman ay pinagpatuloy ang pagbabasa nang lumutang ang paningin ko palabas.

Maraming naglalakas loob na sabihin na natagpuan nila ang true love nila pero nawawalan sila agad ng lakas lumaban. Walang relasyon na madali... na perpekto. May mas.. oo... pero hindi yun dapat binibilang.

Alam kong hindi magiging perpekto ang relasyon namin ni Luke. Pero ang importante, nagtutulungan kami na mapabuti ang isa't-isa.

Sa kaiisip ng kung anu-ano ay nakatulog na rin ako.

"Pillow... pillow" ang paggising sa akin ni blanket. Napatingin naman ako sa kanya. "Stop Over. Let's eat dinner"

"Sige" ang pagpayag ko sabay tayo. Bumaba kami ng bus.

"Dun tayo!" ang yaya niya nang makita ang isang Korean food house. Kaagad naman kaming nagtungo run. Clueless ako sa mga pagkaing Koring.... KORING: Korean.

"Anong gusto mong kainin?" ang tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa menu.

"Hindi ko alam" ang tugon ko.

"Ako na lang ang pipili" ang sabi niya. Napatango naman ako.
Umorder naman siya. Kaagad namang sinerve ang mga pagkain. Natakot ako sa nakita.

"Noodles?" ang patanong kong sabi. .

"Jjamppong" ang tugon niya. "Favorite ko yan. Kaya dapat matikman mo"

"Eh, parang lumalangoy sa sili ang mga sangkap eh" ang komento ko.

"Kaya mo yan" ang sabi niya sabay kuha ng chopsticks at nagsimula siyang kumain. Kinuha ko naman ang sa akin. At sa unang tikim pa lang ay kaagad nang init ang dila ka.

"Peste ka. Ang anghang nito" ang mangiyak-ngiyak kong sinabi sabay tawa naman niya.

"Give it another try" ang sabi niya. Wala naman akong nagawa kundi ang kainin. Di naman nagtagal ay nakasanayan ko na. Masarap naman kasi talaga.

"Masarap di ba?" ang tanong niya. "Sabi ko naman sayo'eh"

"Oo na" ang tugon ko kahit na pinagpapawisan na ako sa anghang.

"Kapag naubos mo yan. Bibilhan kita ng ice cream" ang alok niya.

"Kahit na anong flavor?" ang tanong ko.

"Oo naman basta nga maubos mo yan" ang sabi niya.

"O, sige" ang pagpayag ko. Binuhat ko ang mangkok at hinigop ang sabaw nang maubos ay kinain ko naman ang noodles at iba pang mga sangkap.

"Ubos na" ang sabi ko. Napatingin naman siya sa akin"

"Ang bilis,ah!" ang tukso niya.

"Ice cream ko" ang parang bata kong sinabi.

"Later" ang tugon niya. "Daan tayo sa katabing convinience store bago tayo sumakay ng bus"

"Sige" ang maligalig kong pagpayag.

Nang matapos nga kaming kumain ay dumaan kami sa convinience store.

"Anong flavor?" ang tanong niya.

"Uhmmm" ang tugon ko sabay tingin sa mga ice cream. "Cookies and Cream na lang"

"O, sige" ang pagpayag niya. Kumuha siya ng dalawa pero ibang flavor ang isa at binayaran. Kaagad naman kaming sumakay nang bus nang bumisina na ang driver.

"Here" si Luke sabay abot ng ice cream sa akin.

"Thank you" ang pasasalamat ko.

"You deserve it" ang tugon niya. Sabay kaming kumain ng ice cream kahit na malakas ang aircon sa bus.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon