"Lahat naman ng tao, takot na maiwanan" si Zeke. "Pero ang mapapayo ko na lang sa inyong tatlo. Fall in love with the most unexpected person at the most unexpected moment of your life."
Hindi ko naintindihan ang payo ni Zeke sa amin. Mukhang sadyang hindi ako maka-relate.
"Pero okay na rin na naghiwalay kaming dalawa" ang biglang nasabi ni Zeke. "Daig ko pa ang LGBT na may boyfriend na discreet eh"
"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong naman ni Thia.
"Boyfriend niya ako. Girlfriend ko siya. Pero kami lang ang may alam" ang tugon ni Zeke. "Hindi pa kasi siya ready"
"That's foolish" ang narinig kong komento ni Luke. Sa unang pagkakataon ay sumang-ayon ako sa kanya.
"Masakit kasi kahit na gustuhin kong ipagsigawan sa mundo na mahal ko siya pero hindi pwede eh" ang dagdag pa ni Zeke. "Hindi niya nga ako mapakilala sa mga malalapit niyang kaibigan."
"Kalimutan mo na siya" si Thia. "Unfair para sa'yo. You deserve better"
"Alam mo" ang singit ko. "Balang araw, may tao ring magpapatunay sa'yo na para ka lang sa kanya at hindi para sa iba. Naniniwala pa rin ako na may mga taong ganun. "
"Sana nga" ang reaksyon naman niya. "Minsan di ko na maintindihan kung ano ba ang salitang love"
"Zeke, hindi mo naman mabibigyan ng definition ang love eh. Hindi mo mabibigyan ng rason ang pagmamahal" ang komento ko.
"Giving a definition and finding a reason are two different things" ang komento naman ni Luke.
"Pareho lang yun" ang bawi ko.
"Meron sa akin" ang sabi niya.
"Ano?" ang tanong ko.
"Love is like a circle. No starts; no endings" ang paliwanag niya. "How about yours? You have to have one "
"Eh, di number eight" ang kaagad kong tugon.
"Bakit?" ang tanong naman niya.
"For infinity" ang tugon ko. Isang ngiti naman ang gumuhit sa kanyang mga labi.
"Naks... Eight at zero!" si Zeke. "Meant to be.."
"Hmmmf!" ang naging reakasyon ko bago iniwas ang tingin ko.
"Choosy ka pa,ha!" si Thia. "Luke Sanchez, yan oh!"
"Alam ko" ang simpleng tugon ko. "Teka nga... Kayong dalawa kanina pa kayo! Imposible yang mga iniisip niyo kaya tantanan niyo ako."
Tumayo na lang ako at nagpaalam na papasok na at matutulog. Pero bago ako makalayo ay...
"Xean, ano bang hinahanap mo sa taong gusto mong makasama?" ang biglang tanong ni Zeke. Napahinto nga ako ngunit hindi na ako humarap.
"Wala. Hindi ko pa naiisip yan" ang tugon ko. "Siguro... a person who would never give up on me. Yung tipong once in my life, maramdaman ko naman na I'm a top priority to someone's life and not just an option. Maramdaman na I'm appreciated and everything I do for love is at least recognized. Yung masabihan na I'm more than anything that person ever asked for. Maramdaman ko na ipaglaban ako... Yung maramdaman ko minsan na ako ang sentro ng mundong ginagalawan niya. At higit sa lahat, someone who hates to see me cry or in pain kasi alam niya eksakto kung anong pakiramdam ng nasasaktan. Yung mahalin ako kasi ganito ako... Kasi ganito lang ako. "
Natahimik naman sila sa mga sinabi ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot kaya nga ayaw ko ng mga ganitong klaseng usapan.
"Sige, papasok na ako" ang paalam ko.
"Wait" ang pagpigil naman ni Luke
"Bakit?"
"If there's one thing I wish I can give you. It would be my eyes. So you will know how I see you" ang sabi niya. Nag give up na ako sa sarili ko for being emotionally weak. I hate myself for that. It sucks to know that there's no person can understand you. Ang hirap kasi you can't expect anyone to help you fix yourself. Self help kasi eh. And how would I even help myself if from the start, I already have given up myself.
Malala na ang internal drama ko. Umatake na naman ang insecurity issues ko. Hays....
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Sana nga malaman ko kung anong tingin mo sa akin. Pero sa totoo lang, ayaw ko nang isipin ang mga ganung bagay. Let tomorrow worry on its own. Today has it own worries" ang naging tugon ko bago ako pumasok. Baka dala lang ng antok ang mga nararamdaman ko. Kaagad naman akong nahiga ng kama ngunit hindi pa rin nawala ang mga naiisip ko at sadyang ang naramdaman kong biglang lungkot ay hindi pa rin nagmaliw.
"Xe-an" ang pagtawag ng isang boses. "Okay ka lang?"
"Oo naman, Thia. Bakit mo natanong?"
"Ang senti ng sagot mo kanina. Baka kasi umiiyak ka na diyan" ang paliwanag niya. Natawa naman ako.
"Okay pa ako. Tulog lang ang katapat nito." ang tugon.
"Ganun ba? Sige. Makikipagkwentuhan muna ulit ako sa kanila" ang paalam niya
"Uhm. Thia" ang tawag ko sa kanya.
"Bakit?"
"Shan.."
"Ha?" ang tanong niya.
"Shan ang tamang pagbigkas ng pangalan ko. Hindi "Se-an"" ang paliwanag ko.
"Aaah.. Malapit na kasi sa pangalang Xian. Copy!" ang sabi niya. "Good night, Xean"
Napangiti ako nang marinig ang tamang pagbigkas niya sa pangalan ko. Pinikit ko ang mga mata ko para makatulog na at hindi nga nagtagal ay nakatulog na ako.
Ang sikip... Ramdam ko na ang dulo ng kamang katabi ng pader. Hindi ako makagalaw... ang sikip na talaga. Hindi ko maalala na naglagay ako ng unan sa tabi ko. At isa pa, nag-iisa ang unan ko at gamit-gamit ko ngayon. Kinalibutan ako nang may gumalaw sa tabi ko at biglang may yumakap sa akin. Nakatagilid ako kaya umikot ako at nakita ang pagmumukha ni Luke. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"Good morning" ang bati niya with matching bagong-gising na tono.
(╥╯﹏╰╥)ง
Dahil nga sa katabi ko na ang pader kaya hindi ako makalayo sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" ang natataranta kong tanong sabay tulak sa kanya palayo.
BLAAAAAG!!!!
⊙_⊙
Napalakas ang pagtulak ko sa kanya kaya naman nahulog siya mula sa kama.
LAGOT NA NAMAN AKO.
Napaupo naman siya.
"Dito na ako pinatulog ni Zeke. He said I can sleep beside you." ang paliwana niya. "Dinagdagan mo na naman atraso mo sa akin, Pillow."
Sabi ko na nga ba....
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...