Habang nag-aalmusal ay yun ang nasa isipan ko.
"He likes you" ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko. Bayolente akong napakamot ng ulo, yung tipong ginulo ang buhok out of frustration. Imposible naman yun. Tsaka yun pa! Si Luke Sanchez ang pinag-uusapan dito.
"Just gonna stand there and watch me burn
But that's alright because I like the way it hurts
Just gonna stand there and hear me cry
But that's alright because I love the way you lie" si Thia habang kumakanta papasok ng kusina. "I love the way you LIKE"
"LIKE?" ang reaksyon ko naman agad. Natigilan naman si Thia at napatitig sa akin na parang alien ang nasa harapan niya.
"Lie! Hindi like!" ang pag-klaklaro ni Thia bago nagtimpla ng kape. May narinig naman akong mga yapak at nagsasalita. Mga boardmates kong mag-aalmusal na rin.
"Such as the words "as" and "like"" ang sabi ng isa.
"Like?!" ang gulat ko na namang reaksyon. Natigilan naman ang dalawang nag-uusap at napatingin sa akin pagkatapos ay kay Thia na bumalik sa akin.
"Oo. Pinapaliwanag ko kasi yung difference ng simile at metaphor." ang paliwanag ng English Major na boardmate ko sa Math Major na kausap niya. Napatango naman ako. Nag-Ninoy Aquino na lang ako sa mesa. Malala na ako. Bakit ganito na lang ang reaksyon ko sa sinabi ng tukmol na yun? Nakakairita =_______= Wala naman talagang gusto yun sa akin eh.
"Hui, gusto mo?"
""Gusto? Walang gusto yun sa akin!!" ang malakas kong nasabi. Natigilan naman ang mga tao sa kusina at napatingin sa akin sabay tawa ng malakas.
"Asus, walang gusto yun kasi mahal ka nun!" ang komento ng isa.
O______O
"Ano bang nangyayari sa'yo Xean?" ang nagtatakang tanong ni Thia. "Tinatanong ko kung gusto mo nitong cheese bread. Tapos ang sagot mo, walang gusto sayo kung sino man. Teka, sino ba? Si Mr. Kimchi?"
"Aaaaayiiiie" ang tukso ng boardmates ko. "Mr. Kimchi.."
"Si Luke Sanchez ba yung pinag-uusapan natin?" ang tanong ng isa.
"Yung poging schoolmate niyo na madalas magpunya rito para lang bisitahin si Xean?" ang pag-uusisa naman ng dati kong schoolmate.
"Yun nga" ang sabay-sabay nilang pagkumpirma sabay "AAAAAYIIIIIIIE"
"H-hindi" ang tugon ko. Feel ko pulang-pula na ako dahil sa kahihiyan. Napatayo na lang ako.
"Kailangan ko.nang pumunta ng Saint Anthony" ang mabilisan kong paalam bago pumasok ng kuwarto. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako doon at napapikit.
"Ano ba, Xean. Walang gusto sayo si Mr. Kimchi. Linoloko ka lang ni Marcus" ang bulong ko sa aking sarili.
"Talaga? Sinabi sayo nung Marcus na may gusto sa'yo si Luke?" ang curious na tanong ng isang tinig. Kaagad naman akong napamulat ng mga mata at nakita si Zeke sa kama niya at nakangiting natitig sa akin.
"Wala akong sinabi" ang pag-deny ko.
"Malay mo naman nagsasabi ng totoo, di ba?" ang komento ni Zeke.
"Hindi. Birds with the same feather; flock together" ang depensa ko. "ERASE NA! ERASE! ERASE!!"
"Hay. Malala ka na talaga" si Zeke sabay talukbong. Hindi ko na lang siya pinansin. Nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman yun mula sa table at tinignan ang screen. Si Sir Daniel.
"Hello" ang bati ko kaagad nang sagutin ang tawag.
"Hi. Mr. Tak wants to see you after you enroll" ang balita niya.
"Yes, Sir. I'll drop by his office later" ang tugon ko.
"Okay" si Sir Daniel. "Bye"
"Bye. Thank you" ang pasasalamat ko bago natapos ang aming pag-uusap. Naghanda na lang ako para sa enrollment.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
[SAINT ANTHONY]
Ang dami nang estudyante sa campus. Ayun usual scene na nagkwekwentuhan, naghaharutan, naglalandian at kung ano pa man. Naglalakad ako sa pasilyo habang nakatitig sa park sa harap nang...
BLAAAAAAAAAG!!!!!
Napagtanto ko naman na nakikita ko na ang kalagitan at kaagad naunawaan ang sitwasyon. Napapikit na lang ako at hinintay ang masakit na pagbagsak. Nagulat na lang ako nang maramdaman ang isang kamay na pumulupot sa aking baywang at hinila ako papatayo. Sa sobrang lakas ng paghila napadausdos ako sa dibdib nito at kaagad kaming bumagsak sa sahig kasabay ng malakas na hiyaw mula sa mga nakasaksi. Nakapatong na ako sa taong yun. Nakapikit pa rin ako. Nararamdaman ko ang hininga ng taong yun.
"Are you alright?", ang pabulong niyang tanong sa akin. Binuksan ko ang aking mga mata. Tinignan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Maputi, chinito, manipis na labi, matangos na ilong, mahahabang pilik-mata. In short, gwapo. Natigilan ako sa pagsisiyasat nang muli siyang magsalita. "May masakit ba sa'yo?"
Teka, di ba nangyari na to dati????!!!!!
DE JA VU!! Kaagad naman akong tumayo. Baka may gawin na sa akin tong taong to.
"Next time dapat sa daan ang tingin mo" ang marahan niyang komento sabay tayo at pagpag sa sarili.
"Kung nakatingin ka rin sa daan dapat naiwasan mo ako at hindi tayo nagkabanggaan" ang tugon ko.
"Split second lang ako napatingin sa ibang direksyon. Tsaka nagmamadali lang kami" ang paliwanag niya.
"Ah, okay. Sige, mauna na ako" ang paalam ko bago naglakad palayo.
"Wait" ang pagpapahinto niya sa akin. Napahinto nga ako at napatingin.
"Have we met before?" ang tanong niya. Napakunot naman ako ng noo. Anong tinatanong niya? Magkakilala kaya kami naging classmate niya ako sa isang minor subject. Binully niya ako. Bakit siya biglang may amnesia? Napatingin ako kay Marcus, nakangiti lang naman siya at napakibit-balikat.
"No" ang tugon ko sabay talikod ulit. Lalakad na sana ako nang...
"Pillow!" ang biglang pagtawag ni Luke sa akin. Hindi na ako tumingin pa. "I'm doing what I had promise. Lalayo na ako sa'yo. But hell.... I miss you!!"
0/////0 Natigilan ako sa sinabi niya. Napabuntong-hininga ako. I miss you too Mr. Kimchi. Tumingin ako sa kanya. Kung sana pareho kami ng nararamdaman eh. Pero hindi at hindi naman mangyayari yun. At isa pa, hindi ko alam kung paniniwalaan ko si Marcus.
Naglakad na lang ako palayo at wala nang sinabi sa kanya. Mas mabuti na ang ganito. Wala sa sarili akong naglakad patungo sa College of Literature and Humanities. Kaagad ko namang nakita si Apple.
"Wala bang umaga na makikita kong nakangiti ka naman" ang komento niya nang sinalubong ako.
"May krisis sa pagngiti" ang tugon ko. "Reccesion ngayon ng positibong emosyon sa katawan at sistema ko."
"Hay naku. Tara na nga"
"Mabuti pa nga. Kailangan ko pang magtungo sa Office ni Mr. Tak"
Sinimulan nga namin ang pag-eenroll.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
JugendliteraturLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...