Chapter Four: Farewell

22.4K 513 17
                                    

Xean's POV

           Ilang araw na ang lumipas. Hindi ko pa ring lubos matanggap sa aking sarili na wala na ang Pag-asa Foundation. Hindi pa rin kakayanin ng tuition kahit na magfull time ako ng summer job. Wala na akong maisip na ibang paraan, ang lumipat sa ibang pamantasan o ang tumigil na.

            Napabuntong-hininga na lang ako. Kasalukuyan akong naglalakad galing sa isang job interview sa isang fast food chain. Pauwi na ako ng boarding house. Galing naman kay Mama ang pambayad ko ng renta. Batid kong nagpapakahirap si Mama bilang isang Domestic Helper sa Middle East. Kaya naman kailangan kong ayusin ang sarili ko.Hindi ko pwedeng iasa ang lahat sa kanya.

             Malapit na ako sa boarding house nang tawagin ako ng isa sa mga boardmate ko na nakatambay ngayon sa tindahan. Kaagad naman akong lumapit.

            "Akala ko ba uuwi kayo sa probinsya niyo?" ang pag-uusisa ko sabay kuha ng chips mula sa foil bag na inalok sa akin.

              "Tsaka na. Wala naman akong gagawin dun. Boring," ang tugon ng isa. Napakunot naman ako ng noo.

                 "Eh, kung umuwi na kaya kayo sa inyo para makatulong naman kayo sa mga magulang niyo," ang komento ko naman. Napatingin naman sila sa isa't-isa.

                  "Naku, lumalabas na naman pagka-manong mo Xean. Relax ka lang... Pwede bang enjoy-in muna namin ang bakasyon? I-kain mo lang yan nito" ang sabi bago bigay ng isaw sa akin. Kinain ko naman yun at 'di na pinansin ang sinabi sa akin.

                  "Alam niyo bahala nga kayo sa buhay niyo," ang sabi ko bago aktong aalis.

                 "Teka, may bisita ka pala. Kanina ka pa hinihintay sa boarding," ang balita ng isa.

                  "Ha? Sino?" ang nagtataka kong tanong. Si Ell kaya? Siya lang naman close friend ko, eh. Pero hindi ko naman makita ang magarang sasakyan ni Ell na nakaparada sa paligid.

                 "Ano na nga ulit ang pangalan?" ang tanong ng pinakamatangkad sa kanilang tatlo. Nagkibit-balikat naman ang iba. "Basta mukhang hapon."

                 "Hindi. Chinese yun!" ang pagtatama ng isa.

                "Mga sira! Koreano yun, eh!" ang pagtatama naman ng pangatlo. Lakas ng tama ng tatlong ,to.

               "Oo na. Pupuntahan ko na," ang sabi ko bago tuluyang umalis. Pumanhik naman ako ng hagdan at sa bungad pa lang ng pinto ay nasaksihan ko na ang dalawang bisita. Kausap sila ng mabait naming landlady. Dahan-dahan naman akong pumasok kaya natigilan sila at napatingin sa akin.

                "Xean, mabuti at narito ka na. May naghahanap sa'yo," ang bungad ng landlady ko.

               "Nabanggit nga po ng mga boardmates ko," ang pagkumpirma ko.

              "Halika para makapag-usap na kayo." Naupo naman ako sa sofa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isa sa mga lalake, 'yung lalakeng tinulungan ko sa harap ng restaurant.

          "Xean, sila nga pala sila Mr. Tak Ho Sung at ang kanyang assistant na si Mr. Lee Young Chan."

         "My English name is Daniel," ang pagpapakilala ng assistant niya. "I believe you're Xean."

         "Yes, that's me," ang pagkumpirma ko. 

         "You save my boss' life, and he wants to personally thank you."

           Napatingin naman ako kay Mr. Tak. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. May binulong si Daniel sa kanya. Sabay naman silang napatayo.

           "Thank you very much for saving me," ang pasasalamat niya sabay bow nilang dalawa ni Daniel. Napakamot naman ako ng ulo.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon