Xean's Pov
Na-late na nga ako sa aking first class. Salamat dun sa asungot na 'yun. Mabuti na lang puro introduction tungkol sa university, sa course at kung ano-ano pa ang napakinggan ko. Pagsapit ng second subject ay naupo ako sa pinakalikod, malapit sa bintana. Mas nakakapag-isip kasi ako kapag nasisilayan ko ang langit at mga ulap. Mukhang hindi ko naman kailangan masyadong mag-adjust. Habang hinihintay ang susunod na Prof ay linabas ko ang aking lumang kuwaderno. Nagsimula akong magsulat ng kung ano-ano.
"Excuse me," ang pagdidistract sa akin ng isang boses. Kaagad naman akong napatingin. Umupo siya sa tabi ko. "Mae nga pala."
"Xean," ang tugon ko sabay balik sa ginagawa kong pagsusulat ng kung anu-ano.
"Hindi kita napapansin dito sa School of Literature and History. Transferee?"
"Oo," ang simple ko namang tugon sa tanong niya.
"Aww, I'm sure. Nag-aadjust ka pa," ang sunod niyang sinabi.
"Uhm, hindi ko na kailangang mag-adjust."
"Can we be friends?" ang bigla niyang natanong.
"Uhhhh, okay" ang pagpayag ko. Medyo healthy itong si Mae at pala-kwento kaya naman naiingayan ako.
"Mae!" ang pagtawag ng isang singkit na boses. Napatingin naman kaming dalawa.
"Good morning, Afel!" ang bati ni Mae sa kanya. Ang cute ng boses at ang cute din ng height. Chinita at maputi. Napaka-light ng aura niya. May kasama siyang isa pang babae na mukhang tahimik, distinct naman sa kanilang tatlo ang pagiging payat nito.
"Si Afel; kapwa ko taga-School of Hospitality. At si MJ, sa School of Business naman siya," ang pagpapakilala ni Mae sa kanila. "And siya pala si Xean. School of-?"
"Literature and History," ang tugon ko. Minor subject pala ang second subject ko kaya may mga kasama akong ibang course ang kinukuha. Kaagad naman akong binati ng dalawang bagong dating; tumugon naman ako sa pamamagitan ng pagngiti at pagtango. Nagsimula silang magkwentuhan habang tahimik kong pinagpatuloy ang pagsusulat.
"Mga bhes, narinig niyo na ba yung nangyari kay Gray?" si Mae.
"Oo, kawawa naman siya," si Afel. "Inabangan daw sa labas ng Saint Anthony."
"Nakita ko siya kanina. Puro pasa sa mukha," ang dagdag naman ni MJ. "Sino kaya may gawa?"
"Tinatanong pa ba yan? Malamang si Luke Sanchez na naman at ang grupo niya," ang reaksyon ulit ni Mae. Nahinto ako sa pagsusulat at napatingin sa kanila.
"Sino ba yang si Luke Sanchez na 'yan? Halos lahat ng estudyante na kilala ko rito, siya at siya na lang ang pinag-uusapan?" ang tanong ko.
"Well, kung anong naririnig mo. Ganun nga siya," ang pagkumpirma nila. "Siya 'yung tipo ng taong hindi binabangga"
"Ah, I see," ang walang interes kong tugon.
"Kaya lang, ang gwapo niyatapos ganun," si MJ.
"So, may discrimination pala pati sa itsura. Kailangan mo munang maging pangit para may karapatan kang magpaka-goons," ang komento ko. "At kung maganda o gwapo ka, dapat mala-anghel ka ring gumalaw. Ganun ba yun?"
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...