Chapter Sixty: Mr. Sushi

11.4K 332 21
                                    

Pagkatapos ko makapagtanghalian ay bumalik ako ng Saint Anthony habang kinakain yung Sundae na binigay ni Kuya. Natigilan ako nang makita si Luke sa tapat ng koleyo nila habang may bitbit na malaking karton. Natigilan din naman siya nang mapatingin sa direksyon ko. Ngumiti siya sabay kindat sa akin. Napataas naman ako ng kilay sabay flying kiss niya pa. Paulit-ulit niyang ginawa yun. Gustong-gusto ko na siyang sapakin pero kailangan kong magpigil.

Xean... inhale... exhale...

Inhale.... exhale...

"Excuse me" ang pang-didistract ng isang boses sabay may nanulak sa akin. "Nakaharang ka"

Napatingin naman ako. Si Bloom. Haaaaays, nakaka-irita na talaga tong babaeng to.

"Nga pala" si Bloom. "May Haunted Night Race sa Thursday"

"So?"

"Well, kasi ang price lang naman kasi eh... siya" sabay tingin sa isang direksyon. Sumunod naman ako ng tingin. Si Luke na nakamasid sa amin. "A date with him"

 May jowa na nga... este may mga jowa na, nagawa pang pumayag makipag-date sa iba. Napakabad boy talaga!!!!!

"Okay lang sa'yo?" ang tanong ko..

"Of course, ako rin naman kasi ang mananalo" ang tugon niya sabay tawa. "Eh, ikaw???"

"Anong ako?" ang tanong ko sa kanya.

"Okay lang sa'yo?" ang tanong niya pabalik. "Wala ka namang magagawa eh kundi sumali sa night race... Ooops, Girls' Night Race. Eh, hindi ka naman kasi girl.. that leaves you no other option"

Nararamdaman ko ang pagpintig ng mga tenga ko sa sobrang inis sa babaeng to. Napapikit na lang ako.

Inhale... exhale.... inhale... exhale....

Minulat ko ang aking mga mata, hindi na si Bloom ang nasa harap ko, kundi si Luke na.

"Hey, baby" ang bati niya habang nakangiti ng nakakamatay. Napatingin naman ako sa paligid ko sabay tingin sa kanya.

"Kailangan ko nang umalis" ang paalam ko.

"Agad-agad?" ang tanong niya sabay pa-cute.

"Head ako ng Purchase Committee, kailangan kong mamili ng gagamitin ng college namin para sa Thursday at Friday." ang paliwanag ko.

"Sama na lang ako, tulungan na kita" ang alok niya.

"Hindi na" ang pagtanggi ko ngayon. "Marami naman akong kasama, kaya na namin yun. At tsaka, mas kailangan ka ng mga classmate mo, baka hindi sila makapagtrabaho ng maayos."

"Alam mo, daig mo pa ang Baguio ngayon" ang sabi niya. Hindi ko na tinanong kung bakit bagkus ay siya na mismo ang nagtuloy. "Ang lamig mo sa akin"

"Hinihintay na ako" ang komento ko sabay lakad palayo. Nang medyo makalayo na ay pinagpatuloy ko ang pagkain ng Sundae na parang kanina ko pa kinakain. Pagkabalik ko ng college ay binigay sa akin ang listahan ng bibilhin kaya naman nagtungo ba kami sa Mall.

"Dito na ako sa book store kasama ng mga babae. Kayo naman sa DIY shop" ang utos ko sa mga lalake. Ayoko magbuhat ng kung anu-ano kaya naman sila ang pinapunta ko. Bitbit ko ang shopping basket habang nakatingin sa listahan. Bigla na lang nawala ang mga kasama kong babae at pinagkaguluhan ang mga wattoad novel. Napailing na lang ako sa aking nakita at pinagpatuloy ang pamimili.

"Susme, wala ba talagang tutulong sa akin?" ang bulong ko sa aking sarili. Ramdam ko na ang bigat ng mga pinamili ko. Limang malalaking bag. Bigla na lang nawala sa loob ng Book store ang mga kasama ko.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon