Huminto ako nang makalayo sa Station na yun at nagtungo na lang sa pinakahuling station para hintayin kung alin sa dalawang team ang mananalo sa race. Halos sabay naman ang dalawang kupunan sa station eight ngunit nanguna ang aming team sa Station nine. At kami nga ang unang nanalo sa unang teambuilding activity. Parang mga tangang palaka ang mga kateammates ko sa katatalon. Hay naku... Sila na ang masaya. Natigilan naman ako nang makita si Luke na papalapit sa kinalalagyan ko. Gusto kong umiwas. Hanggang ngayon ay hindi ako makaget-over sa nangyari kanina. Ewan ko pero pakiramdam ko ay nagsisimula na namang mamula ang mga pisngi ko.
We kissed. T_______T
We kissed. -________-
We kissed. +________+
"Epic ang eksena niyo kanina!" ang tukso ng blockmate kong nakakita.
"So, how's the kiss?" ang tanong pa ng isa. Kaya nga ayaw kong nadidikit kay Luke. Palagi na lang akong nadadamay sa atensyon na siya lang naman ang nakakakuha at dapat makakuha.
"It's not even a real kiss" ang walang gana kong tugon. "Aksidente po yun. Pwede bang kalimutan na natin at wag niyo nang ipaalala sa akin"
"Ang swerte mo talaga" ang singit naman ng isa. Oo na, kasi hindi niyo magawang lapitan si Luke. Samantalang ako, kahit na anong iwas ko ay siyang paglalapit pa namin sa isa't-isa.
"Sa'yo na swerteng yan" ang komento ko.
"Di ba nga may term of endearment pa siya sa'yo" ang pagpapatuloy pa nila. "Ano ulit yun?"
"Hindi ba parang mallow yun?" ang bulungan pa nila. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin pa ang mga kuro-kuro nila.
"Pillow ata yun eh... Xean, pillow yun di ba?"
"Hindi! Wala siyang tawag sa akin" ang naiinis kong tugon.
"Meron eh" ang diin nila.
"Wala" ang pagpupumilit ko.
"Meron!!!" ang sabay-sabay nilang tugon.
"Wala!!" ang muli kong pagtanggi. Napapasigaw na ako sa inis. Bakit ba ang big deal na lang sa mga to ang buhay ng iba?
"Pillow!!!“ si Luke.
"Bakit?" ang malakas kong tanong pabalik. Kaagad naman akong natigilan. Peste. T_____T
"Awwwwwwwwwwww" ang reaksyon ng lahat. Wala na....kahiya-hiya na ako. Napa-ikot na lang ako ng mga mata.
"Wala pala,ha!" ang muli nilang tukso sabay kurot sa ilang parte ng katawan ko.
"Noli Me Tangere!" ang sabi ko sabay paglayo ng mga kamay nila. "Shoo! Shoo! Social Hermit Remember?“
"You're not anti-social. Just shy" ang pagtatama ng isa. "Adjusting. Kasi nga katratransfer mo pa lang sa Saint Anthony. Hindi naman kami nangangagat. You can be friends with all of us"
Ngayon ko lang narealize na mababait pala ang mga blockmates ko. Hindi kasi halata... mukha kasi silang mga adik, mga murderer, mga hold-upper,mga rapist.. pero siyempre joke lang ang mga yun. Mukha kasi silang matataray, mga suplado, cannot be reached, mga matapobre ang peg. Nakaka-intimidate din kasi yung conio accent ng iba; yung "Hey, bheshy...shaan teyo kekain?" Tapos sasagot ng "Sha shoshalin reshtorant" o kaya naman "It's super init,no? It's like make my skin sunog". Isa lang naman kasi akong malaking RPG... Rated Patay Gutom.
"Pillow!" ang muling pagtawag ni Luke. Napalingon naman ako. Nagmarka ang dulo ng plastic bottle sa noo niya.
"ANO?" ang naiirita kong tanong. Kaagad namang naggain distance ang mga tao sa paligid ko. Lumapit sa akin si Luke.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...