Chapter Eight: You're Just Mine

21.6K 521 29
                                    

Sa mga sunod na araw ay naging ganun ang set-up ko sa Saint Anthony. Medyo loner ako nung una sa block ko pero meron si Terrence na naging ka-close ko. Palagi kasi kaming magka-partner sa seatwork sa mga major subjects. Palagi siyang nakikigulo sa kagagahan nila Mae, MJ at Afel sa tuwing magkakaklase kaming lima.

"Alam mo ba na magka-close si Luke Sanchez at Xean?" ang tanong ni Mae kay Terrence.

"Oh? Totoo ba yun?" ang tanong naman ni Terrence sa akin.

"Huy, hindi no!" ang pagtanggi ko. "Palagi niya nga akong binubully. Inaagawan niya ako ng meryenda at sa tuwing World Literature... hay naku! Iniisahan niya ako!"

"Eh, bakit ka ba napunta sa block nila?" ang sunod na tanong ni Terrence.

"Hindi ko rin alam, eh. Transferee nga kasi ako, di ba? Napuno na yung slot for world literature sa block natin. I think maraming nag-advance ng subject na yun kaya sa ibang block ako napunta. Hindi ko kasi naabutan yung pre-registration. Biglaan din naman kasi ako lumipat ng mapapasukan," ang paliwanag ko. Natigilan naman kami nang pumasok na si Prof.

"Today, we shall proceed with the reporting," ang anunsyo ni Prof. Kaagad naman akong kinabahan. "Mr. Olivar."

"Yes, Prof," ang tugon ko sa aking kinauupuan. Tumayo ako at binitbit ang mga gagamitin kong visual aids.

"Good morning everyone," ang bati ko sa kanila bago sinimulan ang pagre-report ko. Habang nagre-report ay dinistract ako ni Prof.

"I just received a message from the Department Head. I need to go to the office now," ang sabi niya. Nagsimulang magsaya ang mga ka-block ko, ako nga rin ay lihim na nagsaya.

"Hey, Block J5! That does not mean that I'm not coming back. Mr. Olivar, proceed with your report. I'll be back," ang bilin ni Prof sa akin bago lumabas ng lecture room at hindi na nagawang isara ang pinto. Napatingin naman ako sa dismayado kong mga ka-block at muli na lang pinagpatuloy ang pagre-report. Natigilan ako nang may mahagip ang aking tingin sa bandang pinto. Napatingin ulit ako.

Iniwas ko ang aking tingin ngunit kahit na anong pigil ko ay napapatingin talaga ako. Ewan ko ba. Eh, kasi titigan ka ba naman. Nakaka-irita. Nangiti siya nang mapatingin ako sa kanya. Pagkatapos ay kinindatan ako. Napakunot naman ang noo ko nang ginawa niya 'yun. Lakas mam-bad trip. Muli niyang pinagpatuloy ang pagkindat sa akin sa tuwing napapatingin ako sa kanya na sinasabayan niya pa ng pagkagat labi paminsan-minsan. Ano bang nakain nito? Lakas ng tama, eh!

"Excuse me," ang paalam ko sa mga ka-block ko bago nagtungo sa bandang pinto. Lumabas ako at humarap kay Luke.

"Hi," ang cool niyang pagbati sa akin.

"Hi? Ano bang ginagawa mo diyan?" ang naiinis kong tanong.

"Diyan next na Lec room namin," ang tugon niya.

"Pwede bang umalis ka muna diyan? Nakaka-distract ka, eh!" ang komento ko na nagpangiti sa kanya ng nakakaloko.

"So, you're into me. Aren't you?"

"Of course not!" ang kaagad kong tugon ko.

"Relax, pillow. You're so sexy when you're irritated."

"Nasa campus tayo, wala sa park."

"So, I'll see you later at the park," ang huli niyang sinabi bago naglakad papalayo. Sinundan ko siya ng masaman tingin. Kahit kailan talaga, nakakapang-init ng ulo. Dalian na lang akong pumasok ng lec room para ipagpatuloy ang pagrereport.

FREE TIME.

Kahit na alam kong maaagawan na naman ako ng meryenda ay nagtungo pa rin ako sa cafeteria kasama sila MJ, Mae at Afel. Bumili na lang ako ng kung ano mang tinapay. Bago pa ako makabalik sa table ay hinarang na ako ni Luke.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon