Chapter Thirty One: Peper♥

17.5K 401 10
                                    

Pagkatapos nga ng orientation ay papunta na kami sa pagtutuluyan namin. Team Leader nga pala namin si Dex, ang Presidente ng org nila Luke.

"Guess what" ang pagbasag ni Luke sa katahimikan kasabay ko siya habang naglalakad.

"What?" ang walang gana kong tanong.

"We can be roommates and share the same bed" ang tugon niya.

"No" ang kaagad kong tugon.

"Why not?"

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Don't dare me" si Luke.

"Okay" ang tugon ko. Masyado akong napagod sa byahe at sa kahaba-habang orientation at ngayon naman, sobrang lakaran.

"Okay na pumapayag ka na?" ang tanong niya.

"Uhuh" ang simple kong tugon. Naka-focus lang ako sa daan.

"Good" ang komento niya.

"Wala naman sigurong shortage sa kama kaya naman-"

"Actually, with our number. We have to share" ang singit ni Dex.

"Boring sana ang semestral break namin but dahil sa suggestion ni Luke na makisali sa inyo, nangyari to. And it's a  good thing na pumayag si Miss Perez" ang kwento niya.

"Ngayon ko lang nalaman na may interes si Luke sa ganitong mga activity" ang sabi ko sabay tingin sa katabi ko.

"It's something new" si Dex.

Pagkatapos ng medyo mahabang paglalakad ay nakarating din kami sa parang dormitory. Hindi kami nag-iimikan ni Luke. Salamat naman. Natahimik ako rito for the first time. Sumunod na lang ako sa kanya patungo sa tutuluyan ko. Nasa second floor ang kuwarto. Pumasok kami sa isa sa mga nakahilerang pintuan.

"Dito tayo magtatabi" si Luke habang linapag ang travelling bag ko sa kama. "Ilang beses na rin tayong nagtabi sa pagtulog kaya dapat nasanay ka na."

Naramdaman kong natigilan ang mga tao sa paligid namin. Batid kong dahil sa.sinabi ni Luke. All eyes are on me. Naramdaman kong nang-init ang mga tenga ko. Haaays... Awkward kasi mga blockmates ko ang iba.

"Magpapahinga na ako. Thank you" ang sabi ko kay Luke. Napahikab din naman siya.

"Tulog na tayo." ang yaya niya.

"Ako kaya ang bumyahe ng ilang oras pero kung makahikab ka diyan" ang komento ko.

"Inaantok ako" ang wala sa sarili niyang sinabi.

"Pwede bang ako muna ang gumamit ng kama?" ang tanong ko.

"But the bed is big enough for us" ang argumento niya.

"At malaki ka ring tao" ang argumento ko rin naman.

"We can just squeeze ourselves in like we usually do" ang wala sa sarili niya pa ring suhestyon sabay higa sa kama na pinag-aagawan namin. Tahimik na lang akong naupo sa gilid ng kama at nagtanggal ng sapatos. Napatingin ako kay Luke. Tulog na siya agad. Hay naku. Dahil nga pagod din ako ay nahiga na ako sa tabi niya. Nahiga ako patagilid, patalikod sa kanya. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga matang nakamasid sa aming dalawa. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi nagtagal ay nakatulog ako dahil sa pagod.

Pagkagising ko ay nasa tabi ko pa rin si Luke habang mahimbing pa ring natutulog. Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Nagtungo ako sa banyo at naligo bago nagpalit. Naglibot ako sa dormitoryo. Dahil mas maraming lalake ay dalawang palapag ang na-okupa. Samantalang sa pangatlong palapag ang mga kuwarto ng mga babae. Kaagad ko namang nakita si Apple at Terrence sa labas. Linapitan ko naman sila.

"Nakapagpahinga ka naman ng maayos?" ang tanong ni Apple.

"Oo. Mabuti na lang natulog yung si asungot at hindi ako masyadong kinulit." ang tugon ko. "Bakit hindi mo sinabi na kasama natin sila?"

"Nagtanong ka ba?" ang pilosopo niyang tanong pabalik.

"Hindi. Pero sana man lang sinabi mo, di ba?" ang tugon ko.

"Sorry" ang insincere niyang sinabi na parang nang-iinis pa.  "Hindi ba close kayo at lagi kayong magkasama? Dapat alam mo yan"

"Wala naman siyang nabanggit sa akin."

"At tsaka, biglaan ang nangyari. Mabuti nga eh. Hindi nagkaroon ng problema" ang dagdag ni Apple. Hindi na akp nakipag-argumento dahil wala naman akong magagawa. Napansin ko namang nakasimangot lang si Terrence habang nakikinig sa amin. Tinabihan ko naman siya.

"May problema ba?" ang tanong ko.

"Ah, wala ito" ang tugon niya. Napatango na lang ako. Matagal akong nakipagdaldalan kay Apple dun. Nang magsawa ay napagdesisyonan kong maglakad-lakad ng mag-isa. Hindi ko namalayan ay napapunta ako sa likod ng dormitoryo. Natigilan ako nang makita si Luke dun at ang mga kaibigan niya. Magkakatabi silang naka-upo at may kung anong parang stick na naka-insert sa kanilang bunganga.

"Ano kaya yun? Parang hindi naman sigarilyo" ang bulong ko sa aking sarili. Patay-malisya na lang akong lumakad palayo sa kanila. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may humarang sa akin.

"Tabi" ang utos ko ngunit hindi naman siya gumagalaw. Hinarap niya sa akin ang isang pulang karton. Napatitig lang naman ako dun at napakunot ng noo.

"Take one" ang utos ni Luke sabay kuha ng isang kung ano mang nasa loob at linagay sa bunganga. Kumuha na lang ako at sinuri ang nasa kamay ko.

"A-ano to?" ang tanong ko.

"Pepero" ang tugon niya. "Tikman mo"

Kinagat ko naman ang dulo ng parang stick na nabalutan ng kung ano. Cookie stick pala na nabalutan ng chocolate and uhmm, crushed peanuts.

"Kamusta?" ang nakangiti niyang tanong.

"Masarap" ang nakangiti kong tugon. Masarap naman talaga. Hindi ganun katamis ang tsokolateng nakabalot sa cookie stick kaya hindi nakakasuya kahit na kumain ng marami. Hinatak naman niya ako at pinaupo sa tabi niya. Binigyan niya ako ng isang box ng Pepero na dalian ko namang binuksan. Sa isang iglap, lumabas ang sweet tooth ko. Sa una ay kinakagat ko ang cookie stick hanggang sa maubos ngunit hindi nagtagal ay napagaya na lang ako sa magbabarkada. Hinayaan ko na lang sa bunganga ko ang matamis na treat at ninamnam ito. Lumutang lang ang pag-iisip ko. Dala siguro ng kapaligiran  na tahimik lang. Naramdaman ko ang akbay ng taong katabi ko. Napatingin ako sa langit. Clear sky. Hindi ko maaninag ang araw ngunit maliwanag naman. Nakakapagtaka. Bukod dun ay ang irony sa matapang na pag-uugali ni Luke sa amoy niyang pangbata na naaamoy ko sa tuwing malapit siya. Sisiga-siga sa paningin ng iba pero sa mga pagkakataong ganito, para siyang bata.

Nadatnan nga kami ni Apple sa ganung posisyon. Nakaakbay sa akin si Luke habang ineenjoy ang Pepero.

"Anong ginagawa niyo diyan?" si Apple. "Lahat ng kasama natin nasa function hall na"

"Ha?" ang reaksyon ko. Napatingin ako sa paligid. Kami na lang ni Luke ang naroon.

"Bawal magdate habang narito tayo" ang komento naman ni Apple.

"Hindi kami nagdadate!" ang pagtanggi ko. Nagpamewang naman si Apple.

"So, anong tawag mo sa pagmomoment niyong dalawa?" si Apple. Tumawa naman itong si Luke.

"Tara na, Pillow. Mukhang tapos na ang date natin" ang pagsakay naman nitong si Luke.

"Bahala ka nga!" ang reaksyon ko sabay alis sa kamay nita at tayo. Lumapit ako kay Apple at yinayang magpunta na ng function hall. Humabol naman si Luke sa amin.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon