Nakaka-isang tapak pa lang ako patungo dun ay biglang namatay ang mga ilaw.
"Aay!" ang reaksyon ko dahil sa gulat. Napalakad na lang ako paharap biglang umilaw ang isang parte ng daanan kung nasaan ako. Napahinto ako at nagtaka. Tumapaka ako pabalik. Namatay ang ilaw sa parteng yun.
Hmmmm.
Tumapak muli ako paharap. Umilaw ang daan.
Tumapak ako pabalik. Namatay ang ilaw.
"Ooooh" ang na-aamaze kong reaksyon.
Tumapak muli paharap. Umilaw muli ang daan.
Tumapak muli pabalik.
Namatay ang ilaw.
Paharap. Pabalik. Paharap. Pabalik.
Paharap. Pabalik.
Paharap.. Sumabog ang bumbilya at umusok.
"Hala!" ang nasabi ko.. "Hindi ko kasalanan yun!"
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Ganun nga umiilaw ang parteng nadadaanan ko. Hindi pa man ako nakakalayo ay natigilan ako ng may makita sa sa harap ng Carnation Garden. Kasabay nito ang pagtugtog ng isang awitin.
[NOW PLAYING: Thinking Out Loud by Ed Sheeran]
♪♪When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?♪♪
:Nung nakilala kita pakiramdam ko pasan ko ang daigdig... ikaw kasi ang mundo ko:
Napangiti na lang ako sa nabasa ko. Lumakad ako muli paharap at natigilan naman sa tapat ng Daisy Garden.
♪♪And, darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways♪♪
:Minsan nakakalimutan kong tao tayo.... naiisip ko kasi na bagay tayo:
Napailing naman ako sa sunod kong nabasa habang nakangiti pa rin. Inaatake na ako ng kilig... Sa akin ba talaga to nakalaan? Si Luke ba may gawa nito? Pero parang imposible. May date yun eh! Huminto naman ako muli nang matapat naman sa Sunflower Garden.
♪♪Maybe just the touch of a hand
Well, me—I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am♪♪
:Maliit ba mga kamay mo? Nagtataka lang kasi ako kung paano mo nahawakan ang buong mundo ko:
"Eh ne be?" ang tanong ng lumalandi kong isipan. Muli kong pinagpatuloy ang paglalakad nang matapat naman ako ngayon sa gate ng Orchid Garden.
♪♪ So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are♪♪
:Masasabi mo bang tanga ako kung ikaw lang ang nasa isip ko?:
Pamilyar tong mga pick-up lines na to ah! Hay naku! Pero imposible namang si Luke may pakana nito. Baka naman maling tao ang nakidnap at kinikidnap nila ng paulit-ulit ngayong gabi. Nasa tapat naman na ako ngayon ng Stargazer Garden.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...