Chapter Fifty-three: Apples, Kisses and Gummy Bears

15.2K 396 30
                                    

Binuksan naman niya ang ref at may kinuha.

"Ano naman yan?" ang tanong ko.

"Ikaw" ang malayo niya namang tugon.

"Ha?"

"Buhay ko"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Buko!" ang tugon niya muli. "Duuh,  Jireh Lim."

"Aaaaaaaah" ang reaksyon ko nang makuha ang sinasabi niya.

"Kaya nga ikaw lang ang buko" si Luke.

"Oo na" ang nakangiti kong tugon.

"Baby Brent, pupunta si Dada sa supermarket. Wanna come?"

"Yes!!!" ang excited namang tugon ng bata.

"Sama ka rin,ha?" si Luke sa akin.

"Sige" ang pagpayag ko rin naman. Pagkatapos makapag-agahan at nang makapag-ayos ang magdada ay nagtungo na nga kami sa Supermarket. Panay naman ang bilin ni Luke kay Brent na wag siyang lalayo. Masunurin naman si Brent.

Napapangiti na lang ako nang may mga ilang items na linalagay si Brent sa cart sabay ibabalik naman ni Luke at magpapaliwanag kung bakit hindi nila pwedeng kunin. Madalas ay nagtatalo ang dalawa lalo na sa cereals na kukunin nila. Sa huli ay nakapagasunduan ng dalawa na kunin na lang pareho.

"Hmmm, saan ba banda itong mga condiments?" ang tanong ni Luke sa ere habang nakatingin sa listahang iniwan sa kanya.

"Section  9" ang tugon ko. Bigla naman siyang napatingin sa akin.

"Medyo malayo pa. Ito na lang ang mga kailangan" si Luke. "Dadaan na lang muna ako dun. Pakibantayan muna itong si little boy"

"Sige" ang tugon ko.

"Little boy, behave ha?" si Luke kay Brent. "Kay Tito Mallows ka lang"

"Yes, Dada" si Brent. Umalis na nga si Luke bitbit ang isang basket.

"Tito Mallows!" ang pagtawag ni Brent. Kaagad naman akong napatingin. "Can I get some fruits? Please"

"Uhhmmm" ang pag-iisip ko.

"Pretty please" si Brent. Malapit lang naman ang fruit section.

"Okay. Make it fast" ang pagpayag ko. Kaagad naman siyang pumunta sa tapat ng mga prutas, binantayan ko naman siya gamit ang aking mga mata mula sa aking kinalalagyan. Nang biglang tumunog ang phone ko. Si Luke.

"Hello" ang bati ko nang tanggapin ang tawag.

"Hindi ko alam kung anong kukunin"

"Kunin mo yung mga pamilyar sayo" ang bilin ko.

"Ah, sige" ang sabi niya bago tinapos ang tawag.

"LET ME GO!!!!" ang sigaw ng isang maliit na boses. "MEAANIEEE!!! DADA!!! TITO MALLOWS!"

Kaagad naman akong napatingin. Hawak-hawak ng idang staff si Brent. Dalian naman akong lumapit.

"Hoy!" ang sigaw ko. "Bitiwan mo siya!"

Kinuha ko naman si Brent mula sa staff. Napayakap na lang sa akin si Brent.

"Ano bang problema mong unggoy ka?" ang tanong ko. "Pati bata pinapatulan mo."

"Eh, paano ba naman kasi Sir. Tignan niyo ginawa ng bata sa mga mansanas. Kinagataan ang iba"

"Baby Brent, bakit mo naman ginawa yun?" ang marahan kong tanong.

"The old lady said I can taste them" ang paliwanag naman niya.

"Baby Brent, sa palengke lang pwedeng gawin yun" ang paliwanag ko. "Sa supermarket, hindi pwede"

"Sorry Tito Mallows" ang paghingi niya ng pasensiya.

"It's okay. Don't worry" ang tugon ko. Muli kong binaling ang atensyon ko kay Kuya Staff. Pinatawag ko ang Manager. "I-plastic mo lahat ng mga kinagatan niya. Babayaran namin. At sa susunod, pagsabihan mo itong staff mo. Alam mo.ba na pwede namin kayong ireklamo sa ginawa ng staff mo?"

"Pasensya na po" ang paghingi nila ng paumanhin. Napaikot na lang ako ng mga mata at iniwan namin sila. Sakto namang dumating si Luke at nakita ang mga mansanas.

"Oh, bakit parang puro kagat itong kinuha niyo?" ang nagtataka niyang tanong.

"Ah, may nagutom lang kasi" ang tugon ko sabay kindat kay Brent. "Ang tagal mo"

"Sorry. Tara na" ang yaya niya. Pumila naman kami sa cashier.

"Me!!! Me!!! Me!!!" si Brent na gustong tumulong sa pag-scan ng mga bar code. Hinayaan naman siya ng cashier na tumulong. Ang cute-cute talaga nitong batang ito. Nang matapos ay muli kaming bumalik sa bahay nila at medyo nakipag-bond pa ako sa kanilang dalawa. Pagsapit ng hapon...

"Ui, kailangan ko nang bumalik ng boarding house" ang sabi ko kay Luke.

"Sige, hatid na kita" ang alok naman ni Luke. Napatango na lang ako at nagpaalam na kay Baby Brent na kasalukuyang nakatutok ang atensyon sa TV.

"Tito Mallows" ang pagtawag niya sa akin. "Here"

Sabay abot niya ng pack ng gummy bears na binili namin kanina lang sa supermarket.

"Hey, where's mine?" ang parang batang tanong ni Luke sa anak niya.

"None" ang pambabasag naman sa kanya ni Brent bago muling tumingin sa TV. Natawa naman ako. Inakbayan naman ako ni Luke.

"Akin na lang yan Pillow" si Luke.

"Che" ang reaksyon ko sabay siko sa kanya. Napalayo naman siya sa akin.  "Binigay na nga sa akin, kukunin mo pa."

"Favorite ko rin kasi yan eh" ang parang batang paliwanag niya.

"Tara na" ang yaya ko bago lumabas ng kuwarto. Natigilan na naman ako nang bigla na naman niya akong yinakap.

"Pillow" ang pagtawag niya sa akin. Napalunok naman ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "I-kikiss kita kapalit ng gummy bears"

"Ayoko"

"Eh, kung isang kiss bawat isang gummy bear?"

"Deal" ang pagpayag ko. Bigla naman niya akong hinarap sa kanya sabay pina-ulanan ng halik. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko sa ginawa niya.

"Gummy bears ko" si Luke. Binuksan ko ang pack ng gummy bear at kumuha bago binigay sa kanya.

"Hui! Bakit isa lang?" ang nagtataka niyang tanong.

"Utang na lang yung iba" ang tugon ko bago tumawa at tumakbo palayo sa kanya.

"Pillow naman eh!" ang pagmamaktol niya sabay habol sa akin.

"Minsan na nga lang ako mabigyan ng ganito, kukunin mo pa" ang pagmamaktol ko pabalik.

"Mas masarap naman mga kiss ko eh!" ang muli niyang argumento.

"Di kaya!" ang bawi ko. Bigla niya akong hinila ng maabutan ako. sabay kaming napahiga sa sahig. Nagkatitigan kaming dalawa. Natigilan naman kami ng may tumikhim sabay komento ng "maaga pa. Hintayin  niyo ang gabi"

Sabay kaming napatingin ni Luke. Bigla akong nahiya nang makiya ang mama niya. Tinulak ko palayo si Luke at kaagad tumayo.

"Pasensiya na po" ang paghingi ko ng paumanhin. Tumugon naman siya ng ngiti. "Mauna na po kami"

Hinila ko kaagad si Luke palabas ng bahay nila.

"Ihatid mo na ako" ang utos ko.

"Sige, Senyora"

"Facundo, pakidali!"

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon