Chapter Eighty-four: Reminiscing

7.4K 277 8
                                    

Kinuha ko na lang ang kuwaderno ko at nagsimulang nagsulat. Hinayaan ko na lang siyang matulog. Matagal na rin kasi akong hindi nakakapagsulat. Masyado na kasing maraming nangyayari. I had lost track of time.

"Pillow" si Luke nang magising siya.

"Uhmm" ang reaksyon ko naman.

"Sorry, nakaidlip ako habang tinuturuan mo ako" ang sabi niya.

"Okay lang" ang tugon ko.

"Galit ka?" ang tanong niya.

"Hindi,ah" ang tugon ko.

"May sinusulat kasi ako. Minsan lang ako atakihin ng ganitong mood" ang paliwanag ko naman.

"Aah, sige"... ang tugon niya. Kinalikot na lang niya ang phone niya habang pinagpatuloy ko naman ang pagsusulat.

"Matagal pa ba yan" ang tanong niya.

"Magsipilyo ka na muna. Pagbalik mo tapos na" ang bilin ko. Tumayo naman siya at nagtungo ng banyo. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik siya.

"Now, are you done?" ang tanong niya.

"Quite" ang tugon ko. Nayahimik naman siya. Naramdaman kong pumwesto siya sa likod ko.

"Pillow ko" ang paglalambing niya sabay yakap sa akin patalikod at halik sa batok ko. "Ipahinga mo na yan. Maaga pa tayo bukas"

"Sandali na lang blanket" ang paki-usap ko naman. Napabuntong-hininga naman siya at sinandal ang kanyang baba sa balikat ko. Kaagad naman nitmyang hinablot ang kuwaderno ko mula sa mesa.

"Blanket naman eh" ang reklamo ko.

"Kanina pa ako nagpapapansin sayo" ang blanko niyang sinabi.

"At kanina pa kita pinapansin" ang argumento ko. "Akin na nga yan!"

Sinubukan kong bawiin sa kanya yun ngunit mabilis niyang pinapapagpapa-palit ang notebook sa mga kamay niya.

Disadvantage of a basketball player boyfriend... noted.

Pero di ako susuko. Pinilit ko pa ring kunin yun sa kanya. Parang nag-wrewrestling na kami sa aming ginagawa. Hanggang sa pareho kaming matumba at nakapatong ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Bigla niya akong yinakap.

"May naalala ako bigla" ang pagbasag niy sa katihimikan.

"Ano naman yun?" ang tanong ko.

"Yung unang araw na nagkita natin ang isa't-isa" ang tugon niya.

"Yun yung first day ko sa Saint Anthony" ang sabi ko naman. "Nagmamadali akong pumunta sa isang building kasi drinop-off ako ni Sir Daniel sa gymnasium"

"Ako naman, tahimik na naglalakad... nang may tangang bumangga sa akin" ang pagpapatuloy niya. Natawa naman ako. "Ganito yung posisyon natin. Nung mga sandaling yun. Alam kong nagwagwapuhan ka na sa akin."

"Paano mo naman nasabi yan, aber?" ang reaksyon ko.

"Kasi tinitigan mo ako ng matagal" ang tugon niya. "Wag kang magdeny! Umamin ka"

"Oo" ang nahihiya kong pag-amin. "Pero muntikan mo na kaya akong suntukin"

"Kinagat mo kaya ako" ang bawi niya.

"Tinawag mo nga akong dogface eh"

"Eh, war freak kaya ang tawag mo sa akin"

"Palagi mo akong kinukuhanan ng pagkain"

"Na kusa mo nang binibigay kasi nagkakagusto ka na sa akin"

"Hoy! Wala lang akong choice!" ang argumento. "Sabi mo pa nga pet mo ako"

"Then, I started calling you pillow"

"Na-weird nung una" ang paliwanag ko. "Pero nakasanayan ko na rin naman"

"We started fighting like cats and dogs" si Luke. "But eventually, I started to like you. Pero manhid ka at tatanga-tanga kasi di mo mabasa ang mga galaw ko"

"Hindi ako tanga" ang di ko pagsang-ayon. "Ayaw ko lang mag-assume na may gusto ka sa akin."

"And then may nangyaring di kaaya-aya" ang pagpapatuloy niya. "I did something na kinagalit mo. So, you wanted me to go away"

"Pero hinahanap-hanap pa rin kita" ang paliwanag ko.

"And so do I"

"Maliit lang pala an mundo" ang sabi ko. "Hindi ko alam na ikaw ang anak ng tumutulong sa akin"

"Ikaw lang naman kasi ang hindi alam yan" ang komento niya.

"Sorry naman, di ba?" ang tugon ko.

"Pero dahil naman dun. Nagkaaayos tayo. Nagkaaminan. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung moment na tinawag mo akong blanket."

"Tumatawa ka pa nga noon kasi kinikilig ka" ang komento ko na nagpatawa sa aming dalawa.

"And I never expected I'll deeply fall in love with you" ang sabi niya. "Pillow, I love you so much"

"I love you too, blanket.... to the sun and back."

Hinalikan niya ako. Nagpaubaya naman ako. Humiwalay siya sa akin.

"Tama na nga itong pag-eemo natin" ang sabi niya. "Ikaw kasi eh. Hindi mo ako pinapansin kanina."

Nakapatong lang ang ulo ko sa dibdib niya kaya naman ramdam ko ang tibok ng puso niya.

"Basta.. ikaw at ako. Against all odds"

"Oo naman!" ang pagsang-ayon niya.

"Matulog na tayo" ang yaya ko sabay tayo.

"Sige, pillow" si Luke sabay tayo rin at akbay sa akin. Nagtungo na nga kami sa kwarto at natulog na.

Kinabukasan...

Nagbalik kami ng maaga sa chapel. Alas-otso kasi ang misa para sa patay. Naka-puti kaming lahat. Solemn lang ang kaganapan. Muking bumuhos ang mga luha nang ihatid na namin ang lola ko sa huling hatungan. Nasa tabi ko lang si Luke at nakaakbay sa akin. Matalim naman ang tingin sa amin ng aking ama ngubit hindi ito ang tamang oras para pansinin siya. I received too much rejections, one more of those won't affect me more. Pagkatapos nun ay parang bulang nawala ang mga kampon ng kadiliman at ang papa ko. Dumeretso kami nila mama sa bahay.

"Ma, anong balak mong gawin?" ang tanong ko. Umuwi lang naman siya dahil sa nangyari. "Babalik ka na ba ulit dun?"

"Excited lang?" ang reaksyon ni Mama. "Hindi ba pwedeng magbakasyon muna ako kahit isang buwan lang?"

"Sabi ko nga" ang reaksyon ko. Nagkatinginan naman kami ni Luke.

"Kayong dalawa bumalik na kayo bukas. Marami na kayong hahabulin, panigurado ako"

"Maiiwan ka rito?" ang tanong ko.

"Oo" ang tugon niya. "Luke, alam ba ng mga magulang mo na nagpunta ka rito?"

"Opo" ang magiliw niyang tugon. Napatingin ako sa kanya. "Promise"

"Mabuti naman kung ganun" si Mama. "Ikaw na muna ang bahala sa anak ko habang malayo kami sa isa't-isa."

"Opo" si Luke. "Maaasahan niyo po ako"

"Pagpasensyahan mo na kung daig pa ang babae kung minsan" ang sunod na sinabi ni mama. "May pagka-moody"

"Oo nga po eh. Parang araw-araw dinadatnan" si Luke.

"Grabe kayo, ah!" ang reaksyon ko.

"Kaya nga takbuhan mo ng napkin kung naubusan" si Mama sabay tawa nilang dalawa. Bakit parang ako lang ang hindi natutuwa?

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon