"Ayaw mo?" ang seryosong tanong ni Princess. "Hahayaan mo na lang yung Bloom na yun? O kung sino man na makaisa sayo?"
"A-ayoko" ang mahina kong sinabi.
"Aba, yun naman pala eh!" ang eksklamasyon niya. "Wag ka nang mag-inarte diyan. Tsaka alam mo ba kung anong hirap ang pinagdaanan namin para lang maipasok ka?"
Napatingin ako sa kanila at sa itsura nila.
"Eh, ano ba kasing nangyari sa inyo?" ang tanong ko.
"Mamaya na yan" ang bilin niya. "Tapusin mo na muna yung mga kailangan mong gawin. Kami naman... mag-reretouch. Mag-uusap tayo mamaya"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis silang tatlo papasok ng College namin. Bigla akong kinalibutan sa balak nila para bukas. Yes, I'm queer... pero hindi naman ibig sabihin na gusto ko o komportable akong magsuot ng pambabae. Nakakakaba. Pinagpatuloy ko na lang ang naudlot kong gawain.
"Kaya mo yan" ang biglang sinabi ni Kuya PeeJay. Napatingin naman ako sa kanya.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong gawin yun" ang komento ko naman.
"Ganun naman talaga kapag may mahal ka. May mga bagay na ginagawa ka para sa isang tao... to keep them, to let them stay" ang paliwanag naman niya. "You have good friends"
"Kuya?" ang naguguluhan kong tanong.
"They help you kaya naman wag mong sayangin ang effort nila" ang payo pa niya.
"Eh, hindi ko alam kung kaya ko" ang tugon ko naman.
"Kaya mo yan" ang nakangiti niyang pagbibigay suporta. "Enjoyin mo na lang, wag mo masyadong isipin. Take risks. Don't play safe, hindi ka matututo. You'll never grow"
Napangiti naman ako sa kanya at napatango. May punto naman kasi si Kuya PeeJay. Ang lalim niya pa lang tao, lahat ng sinasabi niya parang may hugot. Na-curious tuloy ako sa pagkatao niya.
"Uhm, Kuya PeeJay" ang pagtawag ko sa kanya. Dalawa na lang kami ang natira sa booth since ang iba ay tumulong sa iba pang booths na kailangan nang matapos.
"Yes?"
"Pwede bang maging magkaibigan tayo?" ang tanong ko. Natawa naman siya.
"Oo naman" ang tugon niya. "Nakakatuwa ka. From now on, ako na ang Kuya mo"
Wow! Wala kasi ako mas matandang kapatid, in short ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Kaya naman natuwa ako sa sinabi niya.
"Xean!" ang pangdidistract ng isang boses. Napatingin naman ako.
"Ui, Marcus! Riley!" ang pag-acknowledge ko sa mga kaibigan ng boyfriend ko.
"Mukhang inspired ah!" ang komento niya. "May dahilan ba? Si Luke ba yan?"
"Ha?" ang reaksyon ko. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ni Luke.
"Asus, alam na namin" ang sabi naman ni Riley na naka-akbay kay Marcus. Hmmmmmm, i sense something.
"Asan nga pala yung boyfriend ko?" ang tanong ko sabay tupi ng mga kamay ko.
"Busy, alam mo naman-"
"If I know, busy kasi nagpapagwapo lang yun" ang komento ko.
"Wag kang mag-alala, mahal ka nun" ang huli niyang sinabi bago sila nagpaalam na umalis.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...