Final Chapter: Is it a Yes?

9.2K 300 114
                                    

"So, talagang iiwan mo na ako?" ang tanong ko.

"Oo at desidido na akong gawin yun" ang tugon niya.

"Para kang engot" ang reaksyon ko naman. Napakunot naman siya ng noo. "Ipapakidnap mo ako para lang sabihin ang mga yan? Ang dami mo pang eme tapos hihiwalayan mo lang ako."

"Narinig ko ang mga sinabi mo kanina" ang sabi niya.

"Eh, ano naman ngayon?"

"I'm touched" ang sabi niya. Pero wala na akong pakialam... "It makes me want to end this more."

"Pssk" ang reaksyon ko. "Kalagan mo na ako. Ayoko nang magtagal pa rito"

Kinalagan niya nga ako. Tumayo naman ako at aktong maglalakad palayo pero natigilan ako nang magsalita siya.

"Bago ka tuluyang umalis... May mga bagay na kailangan ko pang sabihin"

"Pakidalian na lang"

"Aware naman ako na magulo akong tao" ang pagsisimula niya. "Pero ikaw lang yung taong hindi ako sinukuan. Madalas akong sumpungin ng attitude problem ko pero andyan ka pa rin; pilit akong iniintindi kahit na minsan nasasaktan ka na. Minamahal mo pa rin ako. Kahit na maraming mali sa akin, you have always made me special. Kahit na ang dami kong nagawang mali; pinaparamdam mo na ako na sa buhay mo; special ako."

"Bakit mo ba sinasabi ang mga yan?" ang tanong ko sa kanya, hindi ko maiwasan ang muling lumuha.

"Xean Olivar" ang patawag niya sa akin. Humarap naman ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero lumuha na rin siya.

"Like the sun to a blooming flower, hummingbird to the hibiscus, moth is to flame... we are to each other" ang mga sunod niyang sinabi. "Pillow to blanket"

"Blanket..."

"I still want to end this..." ang muli niyang sinabi; nasasaktan pa rin ako. "To start a new life with you"

Lumapit siya sa akin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Lumuhod siya sa harap ko at may kinapa sa loob ng bulsa ng coat niya. Linabas niya yun.

"Chewing gum?" ang nagtataka kong tanong nang iharap niya sa akin yun.

"Aah, oo. Kinakabahan ako kanina pa kaya napa-chewing gum ako" ang paliwanag niya.

"Magsipilyo ka pagkatapos mo" ang bilin ko.

"Oo naman, alam ko-- pero ano ba?! Hindi naman chewing gum ang gusto kong ibigay." si Luke. "Haaist. Jinjja"

Kinapa niya ang kabilang bulsa ng coat niya. Inilabas ang isang punang kahon at binuksan yun sa harap ko. Isang singsing.

"Will you marry me?" ang tanong niya. "Will you be my wife?"

"Technically, hindi naman ako babae to be called a wife" ang seryoso kong komento.

"Sa bagay..." ang pagsang-ayon niya. "Pillow, ano ba?! Ano na bang sagot mo?"

[30-45 minutes ago: Princess' POV]

Katatapos lang ng 1pm class namin at nakakapagtaka kasi hindi pumasok si Xean. Hindi yun lumiliban sa klase. Kahit nga may sakit yun eh. Push lang sa pagpasok lalo na pag Major subject.

"Bakit kaya wala si Xean kanina" ang tanong ko kila Uno at Sophia.

"Kaninang umaga pa ngang walang imik eh" ang sabi naman ni Sophia. Yung style niya dati na nakabusangot.

"Ano kayang nangyari sa kanya?" ang follow-up question naman ni Uno.

"Bisitahin na lang natin siya mamaya sa boarding house niya" ang suhestyon ko naman.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon