Hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako sa kinalalagyan namin. Maghahating-gabi na rin kasi ng mga oras na yun. Nang magising naman ako ng madaling-araw na ay may kumot na nakapatong sa aming dalawa. Si mama ang unang naisip ko.
"Blanket" ang paggising ko kay Luke.
"Yes, pillow?" ang tugon niya ng magising.
"Lipat tayo sa loob" ang yaya ko. Ang ginaw dito."O, sige" ang pagpayag naman niya. Pumasok naman kami sa mismong chapel at magkatabing natulog sa sofa sa kusina.
"Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawang to" ang komento ni mama nang pumasok siya sa kusina. Kaagad din naman siyang lumabas.
Dalawang araw din ang lamay ng lola ko. Hindi kami nagpapansinan ng mga kamag-anak kong nagmama-yaman. Gusto ko nang bumalik sa Saint Anthony. Paniguradong marami na naman akong hahabuling lessons. Bukas na ang libing ni lola. Paniguradong maraming tao mamayang gabi.
"Pillow ko" si Blanket sabay yakap sa akin.
"Susme" si Mama. "Ang daming langgam. Nakakairita"
I heard Luke's giggle. Napangiti naman ako. Bumibitter si Mama. Humarap ako kay Luke nang lumabas si Mama.
Nakatingin siya sa akin. Tumitig din naman ako sa kanya at napangiti. Bigla naman siyang ngumunguso sabay kindat sa akin. Ilalapit na sana niya ang mukha niya sa akin ngunit inunahan ko ang kanyang mga labi ng daliri ko. Napakunot naman ang noo niya. Bigla na labg niyang kinagat ang daliri ko.
"Aray!" ang reaksyon ko ngunit sinugod ng kanyang mukha ang leeg ko.
"Luke! Ano ba?!" ang natatawa kong reaksyon. Kinikiliti niya rin kasi ang tagiliran ko. At dahil dun ay nahulog kaming dalawa sa sahig.
"Ikaw talaga" ang sabi ko.
"I love you pillow" si blanket.
"I love you too blanket" ang tugon ko naman. Madalian niya akong hinalikan sa labi. Pumasok naman si Mama sa kusina.
"Susme, di pa nakontento sa sofa. Sa sahig na pumunta" si Mama.
"Ma, naririnig ka kaya namin" ang komento ko.
"Alam ko" ang tugon niya. "Sahig yan mga anak, hindi damuhan. Dun kayo sa bukid magganyan. Kahit sa putikan. At tsaka, hindi ito ang tamang lugar para bumuo kayo.""Ma naman!" ang reaksyon ko nag marinig yun.
"Oh, bakit?" si Mama. "Nagsasabi at nagpapaalala lang"
"Wala kaya kaming ginagawa!!!" ang depensa ko.
"Oh, siya. Kung tapos na kayo diyan. Mag-almusal na kayo. Dadagsain tayo ng tao mamaya-maya." ang bilin ni Mama. Bumangon naman kami. Dumeretso si Luke sa banyo habang ako naman ay nagluto ng almusal.
Hindi naman nagtagal ay pinagsaluhan namin ang almusal na hinanda ko. Hindi nga nagkamali si Mama, dumagsa nga ang tao sa chapel kaya naman naging busy kami sa kaaasikaso sa kanila. Nagkatitigan lang kami ng mga pinsan ko nang dumating sila.
"Eh, kung tumuking kaya kayo diyan" ang komento ko. "Lamay to ng lola NATIN"
Umiwas naman sila ng tingin. Napaikot na lang ang mga mata ko. Umiinit na naman ang ulo ko sa mga anak ng kampon na to. Sarap pagsasampalin, left and right.
"Baby, relax ka lang" ang bulong ng pamilyar na boses sa likod ko. "Your face are all crumpled and your ears are red. Hinga ka lang ng malalim. Temper... temper... mahal"
Napabuntong-hininga na lang ako at tinalikuran ang mga kampon ng kadiliman. Nagsimula akong magbilang sa isip ko para kaagad manlamig ang ulo ko.
"Okay ka na?" ang tanong niya. "Kailangan mo pa ba ng kisspirin?"
"Ibibigay mo ba?" ang tanong ko naman.
"Oo naman" ang magiliw niyang tugon sa akin. "Oh, ano? Gusto mo ba?"
"Mamaya na lang" ang nakangiti kong tugon. Kahit kailan talaga... napaka-effective talaga ng pagpapa-cute ng mokong na ito. Dahil nga kasi siguro mahal ko siya at isa siya sa pinakamahalagang tao ngayon sa buhay ko. "Okay na ako"
Umalis naman ako at pumasok ng kusina para kumuha pa ng mga makakain at irefill ang kape sa coffee station. Napuno ang chapel ng kwentuhan at kantahan. Ng mga sari-saring taong kilala at mga kilala. Mga mukhang hindi ako pamilyar.
Mga kaibigan.. mga kaaway... sa iisang lugar. Nakakatakot kung iisipin. Napapaisip ako. Ganito ba talaga pag namatay ang isang tao? Nagiging instant mabait? Kilalang-kilala ko ang lola ko. O kilala ko nga ba siya? Lahat ba talaga ng tao rito ay naging malapit sa kanya?yung mga kamag-anak kong ngayon lang naman nagpakita. Lumabas naman ako ng kusina. Naupo ako nang matapos. kaagad namang tumabi sa akin si Luke.
"Okay ka pa?" ang tanong ko sa kanya.
"Oo naman!" ang magiliw naman niyang tugon. "Eh, ikaw ba?"
"Medyo pagod" ang pag-amin ko. "Blanket, pasensya na sa abala, ha!"
"No problem"
"Salamat na rin"
"You're welcome" ang tugon niya. "Nakakatuwa nga kasi nameet ko na ang pamilya mo."
"Kaya nga eh" ang pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Bigla namang naupo si Mama sa pagitan naming dalawa.
"Hay naku. Deb-deb" si mama.
"Debdeb" ang pag-uulit ni luke sabay tawa.
"Bakit jeong-jeong?" ang ganti ko sa kanya. Napasimangot naman siya.
"Jeong-jeong?" si Mama.
"Palayaw ko po" ang paliwanag ni Luke sabay kamot ng ulo. Natawa talaga ako sa inasal niya.
"Ayan kasi" ang komento ko. "Ma, ano nga pala yung sasabihin mo?"
"Naiinis ako sa mga kamag-anak natin. Hindi man lang tumulong. Akala mo kung mga prinsipe at prinsesa"
"Pabayaan mo na lang mama" si Luke.
Naks! Mama!!! Hahahahaha.
"Oo nga, anak" si Mama.
Anak daw oh!!! Hahahahahaha.
Nakakatuwa silang dalawa.
"Ang ganda ng ngiti mo diyan ah!" ang komento ni Mama nang makita ang mukha ko.
"Ha? Wala lang! Bakit? Masama ba?" ang bawi ko naman.
"Mabait itong boyfriend mo" si Mama.
"Pag tulog" ang komento ko sabay tawa.
"Pillow naman eh!" si Luke."Joke lang" ang pambabawi ko sa aking sinabi. "Sensitive?"
"Ikaw naman kasi. Ang bait-bait ko kaya. Kaya mo nga ako nagustuhan eh"
"Wala lang kasi akong choice"
"Nagmamaganda" ang asar ni Luke.
"Che!" ang reaksyon ko kaya naman tawa ng tawa si mama. Natawa rin naman si Luke.
Natigilan kami ni Mama nang may pamilyar na taong pumasok at dumeretso sa harap ng kabaong ng lola ko. Nakaramdam ako ng takot. Napahawak ako sa braso ni Mama. Gusto kong umalis. Gusto kong magtago. Ayoko siyang makita.
"Sino siya?" ang tanong ni Luke.
"Si Papa" ang tugon ko sabay tingin sa tao sa harap.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...