Chapter Sixty-Seven: The Race

10.5K 307 29
                                    

"Ready ka na?" ang tanong sa akin ni Princess. Napabuntong-hininga naman ako at napatango. Dumating na ang oras. Halos sabay kaming lumabas ng School of Literature and Humanities ng karibal ko sa College; si Miss Singkil and the gang. Nauna lang sila. Pagkalabas namin ng SLH ay lubos ang kaba ko nang makita ang iba pang estudyante ng Saint Anthony at mga bisita.

"Relax, you're shaky" ang komento ng katabi kong si Sir Daniel. "Just enjoy and smile to them. A princess is always seen as a friendly person."

Napatango naman ako at napabuntong-hininga. Tumingin ako sa mga tao at nginitian sila lalo na ang mga batang nanonood.

"Jang Guem!!" ang sigaw ng mga bata. "Jang Guem!!"

Natigilan na lang ako nang makita si Bloom. Nagkatinginan kami. Napanganga siya nang makita ako at bakas ang pagkamangha at pagtataka sa kanyang mukha. Nginitian ko na lang siya at pasimpleng nag-nod. Nahiya ako sa costume niyang mala-Princess Jasmine. Kita ang pusod at bewang! Pak na pak!!! Miss India pala siya. Havey din ang props nila na may gold sa theme. Nakaka-ilang... parang kami lang kasi ang walang street dancers para sa grupo namin. Pero at least, sobra ang effort ng mga Senior at kabatchmate ko. Inaayos na ang parada. Kompleto na kami nang...

"Likod pa!" Likod pa!" Ang sigaw ng isa sa mga student organizers. Napapalikod naman kami.

"Susme ang casting nila. Halos dalawang daan na sila" ang komento ng isa sa kasama niya.

"Oo nga. Parang buong Korea nagpunta rito" ang pagsang-ayon ng isa. Nagtaka naman ako sa narinig ko. Umalis naman ako sa posisyon ko at sumilip sa mga nagaganap sa harap. May mga Korean pa akong nakita na pumwepwesto sa harap. Kaagad lumapit si Princess sa akin.

"Anong nangyayari??" ang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam" ang tugon niya pero masasabi kong natutuwa siya. "Galing sila sa isang International Language Academy dito. May tumawag daw sa kanila para sumali rito. Mga performers din sila."

"Uhmm, sino kaya nagsabi sa kanila?" ang nagtataka kong tanong.

"Mahalaga pa ba yun?" ang tanong ni Princess. "Ang importante, kabog na kabog mo sila to the highest level friendship!!"

Napapangiti naman ako sa pinapakita niyang  enthusiasm. Siya pa mas excited sa akin. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang parada. Dahan-dahan. Na-eenjoy ko naman ang paglalakad. Nagtipon-tipon kami sa malaking gymnasium ng Saint Anthony. Nakahiwalay kaming mga kasali sa night race at nakapwesto sa "special seats". Hindi pa naman Mr. and Ms. SAU, di ba? Bakit ganito na lang ang treatment sa amin?? Daig pa namin ang mga Contestant ng Miss Universe. Hindi ba karera ang sinalihan ko??? Bahala na.

Pasimula na ang opening program at nagsasalita na ang EmCee nang may umakyat ng stage at kinuha ang mic galing sa kanya. Si Anjo.

"Patay na ibon oh!" ang turo niya. Halos lahat naman ay napatingin sa taas.

"Saan?" ang tanong ni Cupcake as Miss Japan. Napakibit-balikat na lang ako. Medyo shunga lang. Patay na ibon... sa langit??? Shunga lang? Ano yun naka-float? Lumipad pa. Eh, patay na. Pagkatapos nun ay mabilisang bumaba si Anjo mula sa stage. At nagsimula na nga ang Opening pero kailangan na naming umalis para makapaghanda para sa night race. 

"Hubarin mo na yang hanbok" ang utos ni Princess. "Marami pa tayong gagawin sa'yo"

"Bakit?" ang tanong ko naman. "Hindi pa ba okay, itong itsura ko?"

"Hindi. Gusto mong tumakbo nang nakaganyan?" ang tanong niya pabalik. Humindi naman ako.

"Ano bang isusuot?" ang tanong ko.

"PE Uniform" ang tugon niya. Color coded ang PE uniform namin. Ibig sabihin, every college ay may designated na kulay at sa amin ay Pink.

"PE uniform lang pala eh!" ang confident kong komento. Pero natigilan din ako nang mapagtanto ang isang bagay. Babae ako ngayon... "Hala! Yung shirt na nga, short pang PE shorts?"

"Oo" ang tugon niya mula.

"Ayoko!!" ang pagtanggi ko. "Hapit kaya!!!!"

"Hindi naman problema yan eh" si Princess. "May solusyon na kami para diyan"

"A-ano?" ang kinakabahan kong tanong.

"Ito" ang tugon niya sabay pakita ng packing tape. "Simulan  na natin. Sige na"

Tatakbo na sana ako.l nang hulihin ako ng ilan pa sa aming batch mates....

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Napaka-awkward. Hindi ako komportable sa ginawa nila sa akin at sa suot ko. Pakiramdam ko ay narape ako. Buti na lang shirt ang pang-itaas namin. Make-up doon. Make-dito. Wala na akong pakialam sa mga pinag-gagagawa nila sa akin.

Wala na...

"Wala na akong natitirang dignidad pa" ang pag-eemote ko kay Sophia.

"OA" ang komento niya sabay pitik sa noo ko.

"Okay na" ang sabi nang nag-ayos sa buhok ko. Tumayo naman ako at awkward na naglakad patungo sa kabilang dulo ng room.

"Ang sexy mo pala" ang komento ng isang boses. Natigilan naman ako. Biglang may yumakap sa akin patalikod. "Hey baby"

"Bakit ka narito?" ang tanong ko.

"Just checking my girlfriend" ang tugon ni Luke.

"Xean!! Este Sheena!!" ang pagtawag ni Uno. Magsisimula na yung first part ng race.

"O-okay!" ang tugon ko. Lumayo naman ako kay Luke. "Narinig mo naman yun."

Tumango naman siya. Nagsimula akong maglakad pero hindi siya sumabay sa akin. Napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang mahuli siyang nakatitig sa likuran ko.

"Gifted ka pala" ang komento niya habang nakatitig pa rin sa likuran ko at kinakamot ang baba. I felt embarassed kahit na compliment ang binigay niya. Hindi ako sanay na may tumititig sa akin lalo na sa pwet ko. 

"Dito ka nga!!!" ang utos ko.

"Asus" si Luke. "Okay na ako rito"

"Ewan ko sayo" ang tugon ko, pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad.

"Break a leg. I love you" ang huling bilin ni Luke nang maghiwalay kami. Pumwesto ako sa starting line.

"Ladies, for the first part of the race, tatakbo kayo hanggang sa harap ng School of Business and Accountancy." ang pagsisimula ng isa sa mga Prof ng college na yun sa kailangan naming gawin. Hindi na ako nakinig, gusto ko lang ay matapos na to at manalo. Hindi ko namalayan ang pagputok ng baril na siyang senyales ng pagsisimula ng karera. Nauna na ang ibang kasali bukod sa akin. Nagsimula na rin akong tumakbo. Isa-isa ko silang nalampasan. Wala akong patawad. Natatanaw ko na si Bloom na siyang nangunguna sa karera pero hindi naman ako papayag. Hindi nga nagtagal ay naabutan ko na siya. Malapit na rin ang Finish line. Sa huli ay ako ang nanalo sa unang parte. Sa mga sumunod pa ay nauuna ako o pumapangalawa lang kay Bloom.

"Sa last leg ng race, papasok kayo sa designated colleges niyo at kailangan niyong maghanap ng anim na puzzle pieces. Ang siyang mauuna ay of course, ang mananalo." ang sunod na paliwanag sa amin. Piniringan naman kami at hinatid sa designated colleges namin. Pagkatapos ng ilang sandali pa ay tinanggal na ang piring sa mga mata ko.

School of Veterinary Medicine.

Kinalibutan ako. Maraming display ng kalansay ng mga hayop sa building nila. Haaaist!!!!

Nagsimula na nga ang panghuling gagawin. Kaagad akong tumakbo sa loob. Inisa-isa ko ang lecture rooms. Sa isang kuwarto ko nakita ang isang puzzle piece sa gitna ng dalawang nakaboteng ahas. Mangiyak-ngiyak kong kinuha yun at kaagad lumabas.

Room 16C

Natigilan ako nang may makitang ibang tao sa loob.

Si Bloom!!!!!

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon