Chapter Ninety-one: Goodbye

6.3K 222 6
                                    

"Aalis ka na raw" ang sabi niya. Napatango naman ako.

"Ingat ka roon" ang bilin niya. "Alam ba ni Luke?"

"Hindi eh" ang tugon ko. "Tsaka hindi niya na kailangan pang malaman"

"Siguro nga yun ang kailangan mong gawin... baka yun ang mas makakabuti para sa inyong dalawa"

Napangiti na lang ako at tumango... hindi rin naman nagtagal at nalaman na rin ng mga kaibigan ko sa Saint Anthony ang aking mga plano. Oras na rin siguro para magpaalam na ako kay Mr. Tak. Nagtugo ako sa kanyang opisina nang kinahapunan at nagpaalam sa kanya. Bigla niya naming sinariwa ang araw na niligtas ko siya at muli ay nagpasalamat sa akin at pinayuhan ako. Kinabukasan nun ay nagdala siya ng kung anu-anong maari ko raw gamitin kapag andun na ako. Si Luke? Hahabulin niya kaya ako o pipigilan kapag nalaman niya na aalis na ako. Hindi naman mangyayari yun dahil kahit mismong si Mr. Tak ay pinaka-usapan ko na wag na lang sabihin sa kanya ang tungkol sa aking pag-alis.

[ARAW NG PAGLISAN]

Napaupo na lang ako sa gilid ng kama pagkatapos maisilid sa aking malaeta ang huling gamit na aking dadalhin.. pinagmasdan ko na rin ang kabuuan ng aking naging kwarto. Makakaya ko ba? Kakayanin ko ng ba? Dalawang taon. Sapat na ba ang dalawang taon para makalimot? Bakit ganun? Ang unfair ng buhay?

Hindi lang nasusukat ang pagmamahal sa kung gaano ka kahigpit kumapit, kundi sa pagpapalaya kahit na masakit at mahirap.

Sacrifices...

Ito ang makakabuti s aming dalawa. Tumayo ako at hinila ang aking maleta palabas ng kuwartong aking dating pinagrentahan. Sa aking paglabas ay pinaramdam sa akin ng mga boardmate ko na malulungkot sila ngunit gayunpaman ay masaya na rin sila sa aking naging desisyon. Umaasa ako sa aking paglabas ng gate ay nakaparada ang sasakyan niya at pilit akong pipigilan ngunit sadyang suntok sa buwan na ang eksenang yun. Masaya na siguro siya. Alam kong magiging masaya rin siya. Mamimiss niya kaya ako kung sakaling malaman niya na wala na ako? O tulad ng ibang taong dumaan sa buhay niya ay para lang akong isang paru-parong dumapo lang at madaliang nakakalimutan. Sa aking paglabas ay wala ang inaasahan kong kotse. Walang laman ang kansangan kundi mga batang naglalaro ng piko sa malapit. Isang buntong-hininga... naghihintay na ako ng masasakyang taxi para ihatid ako sa airport. Natigilan naman ako nang may pumarada sa malapit, natatanaw ko na ibang-iba yun sa modelo ng kotse niya. Bumaba ang dalawang pamilyar na mukha mula sa magarang kotse.

"Friiiiiiiiiiend!!!!!!!!!!" ang tawag ni Elle na kasama si Seven sa akin. Pilit kong ngumiti. Lumapit naman silang dalawa sa akin.

"Diyosa, anong ginagawa niyo rito?" ang nagtataka kong tanong. "Weird ah! Magdadate kayo rito? Pwede ko kayong ipagluto pero alam niyo naman na kung saan ako patungo"

"Nalulungkot ako" ang komento ni Elle na nagpabigat sa aking damdamin. Ako rin naman eh. Iiwan ko lahat ng mga bagay na nagpapasaya sa akin.

"Bakit naman? Ang OA mo" ang pilit niyang pangangalaska sa akin. Pagkatapos kong lumipat nang mapapasukan ay nariyan pa rin siya.

"eh, kasi naman" biglaan kang nagdedesisyon" ang pagmamaktol niya.

"Wala naman akong choice eh. Gusto ko rin naman to; noon pa. kaya nga ako nag-apply ng scholarship sa UCLA para sa akin." ang paliwanag ko. Binalutan kami ng katahimikan. Napatingin ako sa kalangitan na puno ng mga bituin.

"Diyosa" ang pagtawag ko sa kanya.

"Yes?" ang tugon niya sabay tingin din sa kalangitan.

"Naalala mo pa ba nung schoolmates pa tayo. May one time na nagabihan tayo dahil sa isang literary competition. Tinuro mo sa akin yun" ang kwento ko sabay turo sa pinakamakinang na bituin sa kalangitan. "Ang North Star. Sabi mo, star mo yun. Hindi ko nga maintindihan dati eh. Pero sa bawat tinatanong ko ang iba. Yan ang pinipili nila"

"Oo, kasi nga yan ang pinakamakinang" ang sabi ni Elle. "ikaw nga, walang mapili kasi ayaw mo na yung North Star kasi inangkin ko na.

"Actually, meron na ngayon" ang pagtatama ko

"Ha??? Saan??? Dali, turo mo!" ang pilit ni Ell.

"Ayun." sabag turo ko. "Nakikita mo yang tatlong bituin na magkakatabi. Sila ang paborito ko. Ang tawag diyan Orion's Belt na part ng constellation na Orion."

"Bakit yan napili mo?" ang tanong niya. Tahimik lang nakikinig si Seven sa amin.

"Dahil simula nang dumating si Luke sa buhay ko. Napansin ko na ang tatlong yan" ang paliwa-nag ko. Hindi ko namalayan ang luhang kumawala sa mata ko.

"Hala,Xean" si Ell.

"Okay lang ako" ang sabi ko sabay punas sa luha ko. "Alam mo, kahit na magkakatabi at magkakapareho sila sa ating paningin. Magkakalayo sila sa galaxy. Iba-iba ng size at kinang."

"Aaah, amazing"

"Pag nagmahal ka. You loose your identity. Every fear I have, I found in him. Pero dahil mahal ko siya, hindi buong tapang kong hinarap ang mga yun. Love is the perfect equalizer. It fills what is not enough and strip offs what is more. Love is fair but not life."

"I'm sorry, Xean" si Elle. Napatango na lang ako.

"I need to go"

"Ihahatid ka na namin sa airport" ang alok ni Elle.

"Uhmm-"

"We won't take no for an answer" ang singit ni Seven.

"Sige na nga" ang pagpayag ko. Tinulungan ako ni Seven sa mga bitbit ko bago ako sumakay ng kotse niya. Nagsimula ang biyahe namin papuntang airport. Sana sa pagbalik ko, may pag-asa pa.

"Luke, mahal na mahal kita" ang bulong ko sa aking sarili. Hinayaan ko na ang mga luha na pu-matak mula sa aking mga mata.



I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon