Chapter Seventy-one: Gardens

9.9K 328 26
                                    

[Xean's POV]

Ang sakit na ng mga paa ko. 

Nakakapagod pero na-enjoy ko naman ang araw na to. Nakatanggap kami ng memo na extended ng one day ang booths dahil sa success ng event ngayong araw. Akala ko tapos na. Sana naman kayanin ko pa bukas.

"Salamat Xean!!" ang pasasalamat ni Princess sa akin nang isara na namin ang booth.

"Para saan?" ang tanong ko naman.

"You worked very hard" ang paliwanag naman niya. "Kami na bahala bukas sa booth"

"P-pero..."

"Alam kong sobra kang napagod ngayong araw" si Princess. "Kaya na namin"

"Ah, eh... salamat"

"Oh, tara na sa Mini-concert!" ang yaya niya. "O baka naman, may kasama kang iba"

"Parang ayoko pumunta" ang sabi ko naman. Pagod na rin kasi ako.

"Oh, bakit naman? Sayang naman kung hindi ka pupunta." ang komento niya. "Isa pa man din yun yung highlight ng event"

"Uhm..."

"Promise, hindi ka magsisisi." ang pangungumbinsi pa rin ni Princess sa akin. Hindi rin siya mapilit eh.

"Sige na nga" ang pagpayag ko naman. Nagsimula naman kaming maglakad patungo sa gymnasium. 

"Huli ka!" ang sabi ng isang boses sabay may humawak sa mga braso ko at piring sa mga mata ko. Utang na loob!!!! Ka-kikidnap ko lang kagabi, ha!

"Ano ba?" ang protesta ko.

"Sorry, trabaho lang" ang paliwanag ng boses. Tinutulak nila ako patungo sa kung saan man. Hindi ako natutuwa. Naririnig ko ang ingay mula sa mga tao sa paligid ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay tumahimik ang paligid at bigla naman kaming huminto.

"Hello?" ang sabi ko pero wala namang sumasagot. "Peste"

Tinanggal ko ang piring sa mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko sa healing garden ng  School of Agriculture. Napatingin ako sa polo shirt ko. May nakadikit na papel. Kaagad ko namang inalis yun. Lukukutin ko na sana nang may makita akong nakasulat. Tinignan ko naman agad yun.

"Proceed to Rose Garden or you'll die" ang nakasulat.

"Talaga lang, ha?" ang retorikal kong tanong. Napatingin naman ako sa kabilang side ng papel.

"PS. May multo diyan sa Healing Garden. Susundun ka niya pauwi kapag hindi ka sumunod."

Napatingin ako sa paligid. Kaagad naman akong kinalibutan. Eh sa kabilang dulo pa ng University yung Rose Garden eh! At tdaka, bakit nila ako iiwan dito sa Healing Garden.kung alam na nga nilang may multo???? Mapapapatay ko kung sino man nangloloko sa akin. Peste siya!!!

Nagsimula na lang akong maglakad.

"Walang sumusunod sayo" ang bulong ko sa aking sarili. "Wala"

Nakalabas na nga ako ng School of Agriculture and I swear, hinding-hindi na ako babalik dun! Ang tahimik ng lugar. Lahat siguro ay nagtipon na sa school grounds para sa mini-concert. Dun ako pupunta at hindi sa Rose Garden na yun!

"Xean!" ang parang may nagtatawag sa akin. Pero hindi ko yun pinansin. Guni-guni ko lang yun. "Xean!"

"Wala...." ang bulong ko ulit sa aking sarili.

"Leche, Xean!!!! Xean Olivar!" ang mas malakas na pagtawag sa akin ng parehong boses kaya naman napatingin na ako.

"Ch-charles!" ang pagbanggit ko sa pangalan niya. "Ui, Charles!"

Lumapit naman siya sa akin kasabay nun ang pagsunod ng kasama niyang mukhang mayaman. Gwapo pero si Luke lang ang pinaka-gwapong nilalang sa mundong ginagalawan ko. I'm not really into western looking guys.

"Mabuti naman nakapunta ka" ang sabi ko.

"Wala rin naman kasi akong gagawin" ang sabi niya. "Thank you kasi inimbitahan mo kami"

"Wala yun" ang nakangiti kong tugon. "Sorry kung di kita na-tour. Sobra kasi akong busy."

"Ah, oo nga. Di bale may nag-ikot naman sa amin"

"Sino?" ang tanong ko naman.

"Ah, kaibigan nitong si Andrew. Nga pala, si Andrew. Boyfriend ko" ang pagpapakilala niya sa kasama niya.

"Hi" ang bati ko. Tumugon naman siya ng ngiti.

"Si Luke nga pala yung nag-ikot sa amin" ang pagpapatuloy niya. Nagulat naman ako sa narinig.

"L-luke? Luke Sanchez?" ang tanong ko. Napatingin naman si Charles kay Andrew.

"Yuhps, Luke Sanchez" ang pagkumpirma ni Andrew. "Half-Korean. Chinito. Looks like a Kpop artist"

Napangiti naman ako habang tumatango.

"Pareho kayo ng reaksyon" si Charles. "Anong meron sa inyong dalawa?"

"Ha? Ah... eh..." ang reaksyon ko sabay ngiti at kamot ng ulo. Pakiramdam ko rumagasa na naman ang dugo sa mukha ko. "Boyfriend ko siya"

"You don't have to be so embarassed about it" ang komento ni Andrew.

"Nga pala, anong ginagawa niyo rito?" ang tanong ko.

"Ah, eh... nagpapahangin lang" ang tugon ni Charles. "Papunta na nga kami dun sa mini-concert."

"Ganun ba? Dun din ang punta ko" ang sabi ko naman.

"Sumabay ka na sa amin" ang suhestyon naman ni Andrew.

"Sige. Andun na rin yung mga kaibigan ko."

Nagsimula na nga kami maglakad.

"Huli ka" ang narinig ko mula sa likod namin sabay piring na naman sa mga mata ko. UTANG NA LOOB!!!!!!!! NA NAMAN???????

"A-anong nangyayari?" ang gulat na tanong ni Charles

"Lakad!" ang utos ng boses. Hindi na lang ako pumalag at sumunod na lang sa kagustuhan nila. Bigla na naman kaming huminto.

"Ano ba?" ang pagbasag ko sa katahimikan. Nakakainis na. Tinanggal ko na naman ang piring at sa pangalawang pagkakataon ay natagpuan ko na naman ang sarili ko sa Healing Garden.

The chills, men!!! The chills!!!

May nakadikit na namang papel sa dibdib ko?

"Daig ko pa ang Bulletin board sa kapapaskip nila ng kung anu-anonsa katawan ko" ang komento ko.sabay kuha nun at binasa ang nakasulat.

"ANG SABI SA ROSE GARDEN KA MAGPUNTA, TANGA KA BA?"

Wow ah! Lakas makapanglait!!

Binasa ko naman ang nasa likod.

"Pasaway...Bilisan mo"

"OO NA!!!!!! PAPUNTA NA!!!!!!!" ang padabog kong tugon sa sulat sabay lakad. Ang sakit masabihan ng tanga..

Binilisan ko na ang lakad ko. Naiinis na talaga ako. Ang daming kidnap at piring eme na nalalaman!! May mga sulat-sulat pa! Nasa gate na ako ng garden. Daham-dahan naman akong pumasok. Sa malayo ay nasisilayan ko ang maliwanag na parte ng hardin, sa Rose Garden. Hindi rin nakatakas sa aking mga mata ang daanan. May LED lights ma waring nagsisilbing gabay patungo sa rose garden. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Anong meron sa lugar na to? Lalabas na sana ulit ako nang narinig kong nagsara ang gate. Napaikot ako at nakumpirma ko nga na wala na akong ibang pagpipilian kundi ang magpunta sa pinakamaliwanag na lugar sa hardin ng mga bulaklak.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon