Chapter Fifty-eight: Close

13.6K 333 8
                                    

Buong magdamag lang siyang makayakap sa akin. Mga matatamis na ngiti ang ganti niya sa tuwing sinusubuan ko siya ng popcorn. 

"Pasalamat kang kumag ka, andito ang tatlong palakang yun" ang tumatakbo ang isip ko. "Dahil kung hindi, kahit isang pirasong pop corn hinding-hindi ko gagawing subuan ka."

"Pillow, ikaw naman ang yumakap sa akin" ang paki-usap ni Luke. "Aakbay ako sayo"

"Uhm, sige" ang pagpayag ko sa kagustuhan niya. Inakbayan niya ako, ipinatong ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.

Amoy baby talaga tong lalakeng to. Gosh, sarap i-cuddle. Pagkatapos ng palabas ay kaagad namang kaming lumabas, balik kami sa normal ni Luke. Ayun na naman yung angas aura niya na tila ba hindi natitinag at matitinag. Naka-akbay lang siya sa akin.

"Saan tayo next?" ang tanong ng isa sa mga kasama namin. Napagdesisiyunan naman nila, sila lang.... kasi hindi kami nakisali ni Luke. Nag-ikot pang kami ni Luke sa mga kiosk at tumingin ng kung anu-ano. Pagbalik namin ay sumusunod na lang kami sa barkada ni Luke at sa mga kaibigan ko. Sa game center ang punta namin. Sa loob ng arcade ay medyo naghiwa-hiwalay kaming lahat, kasama ko ang mga kaibigan ko nag-ikot muna samantalang kasama namin ni Luke ang barkada niya at naglalaro ng Just Dance 2014.

Nasa tapat kami ng isang game nang magkakasunod na tumunig ang mga phone namin. Nagtataka ko naman tinignan ang sa akin. Message mula kay Apple. Kailangan naming magpunta ng college function hall namin kinabukasan.

"Anong meron?" ang tanong ko sa ere habang nakatitig pa rin sa phone ko.

"Ah, malamang college meeting lang yan" si Uno.

"Tungkol saan?" ang tanong ko naman.

"Tungkol sa foundation day sa Thursday and Friday" si Ronald. "Nakasanayan na namin yang mga taga Saint Anthony. Kaya sa susunod, alam mo na"

Napatango naman ako bilang reaksyon. Batid kong magiging busy agad kami sa unang linggo pa lang ng Sem. Na-curious tuloy ako sa mga pwedeng mangyari sa Thursday at Friday.

"Kakayanin ba ng tatlong araw lang?" ang tanong ko.

"Oo naman!" si Sophia "after ng meeting eh purchasing na agad ng mga gagamitin. And meron na tayong kanya-kanyang committee bago pa lang tayo makapagmeeting. Bukas presentation ng mga gagawin natin sa Thursday and Friday"

"Ah, I see. Ang hard working ng mga officers natin" ang pagbibigay ko ng compliment.

"Sinabi mo pa" ang pagsang-ayon naman nila. Kung anu-ano na ang linaro ko kaya naman nang maumay ako at mapagod ay napunta ako ng veranda. Palubog na pala ang araw, hindi ko man lang napansin. Naupo ako sa isang tabi at napatitig sa kalangitan. Napapikit naman ako. Nagpalit ng awitin na tumutugtog.

Bigla na lang may humawak sa kamay ko kaya napadilat ako.ng mga mata. Napatingin ako sa tabi ko. Bumungad naman sa akin ang ngiti sa kanyang labi. Ngumiti naman ako pabalik. I shifted my gaze to the sunset. Everything is perfect.

"Naalala mo yung araw na nagkabanggaan tayo?" ang pagbasag niya ng katahimikan.

"Yung araw na muntikan mo na akong suntukin?" ang tanong ko pabalik.

"Oo. Yun nga. Pero hindi natuloy kasi kinagat mo ako" ang pagkumpirma niya. "Yung pagkagat mo siguro dahilan kung bakit nagkagusto ako sa'yo"

"Ha? Bakit? Paano mo naman nasabi?" ang nagtataka kong tanong.

"May lahi ka yatang aso eh" ang komento niya.


"May rabis ka siguro" ang dagdag niya.

"Grabe ka" ang reaksyon ko.

"Kasi naman. Kung wala, bakit ulol na ulol ako sayo?" ang banat niya.

 I DIED.

"Mabuti naman nagkagusto ka sa akin kahit na opposite poles tayo" ang sabi ko.

"Opposite poles attract" ang tugon niya.

"Ibig sabihin mas malakas ang electric charge ko kesa sayo" ang komento ko.

"Ha? Hindi ah!"

"Eh, kasi mas nauna kang na-attract sa akin" ang paliwanag ko.

"Ha? Eh...-" si Luke. "Sa bagay"

Sabay tawa niya. Nangingiti naman ako.

"Pero na-attract ka rin sa akin kasi mabait ako"

"Mas mabait ako"

"Hindi ako naniniwala"

"Kaya ka nga nagkagusto sa akin eh" ang sumbat ko na nagpatawa sa kanya. "Kala mo ha!"

Mula sa pagkakahawak niya ng kamay ko ay inakbayan niya ako. Hinayaan ko naman ang ulo ko sa dibdib niya. Pinatong naman niya ang baba niya sa noo ko. Wala akong naramdaman na awkwardness kahit na may iilang tao sa paligid na may mga sariling mundo rin naman. Bigla akong natigilan nang may makit sa bench na medyo malayo sa amin. Ang Powerpuff Girls with their death glares. Napangiti na lang ako at pinikit ang mga mata ko.

It doesn't matter. Kahit na ilang beses pa nilang sirain ang araw ko, wala na akong pakialam. At the end of the day, ako lang at ako ang gusto ni Luke. Alam kong mas lalo akong pag-iinitan ng tatlo sa kanilang nakikita pero handa akong magpaka-Mojo Jojo para lang sa Mr. Kimchi ko. Nakakabaliw pala na may ganito. Ramdam ko ang pagragasa ng dugo ko sa aking katawan. It's all so warm. Magaan sa pakiramdam. It's like he's lifting me up. Nanatili kami sa ganitong posisyon habang sabay naming pinapanood ang paglubog ng araw. Ang saya-saya lang.

I'm starting to love. In fact, I started to love  Mr. Kimchi so deeply. At the end, sana ganun din mangyari sa kanya. I'm not going to fall in love. I'm just going to love... cause almost everything that falls get broken.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon