Chapter Sixty-three: Fighting!

12.8K 333 24
                                    

Hinawakan niya naman ang kamay ko at para akong kinukuryente. Humawak ako pabalik.  Nagsimula kaming maglakad habang kumakain ng ice cream na binili niya. May mga pagkakataon na sinusubuan namin ang isa't-isa.

Hinatid naman niya ako sa boarding house pagkatapos ng paglalakad naming dalawa.

"Good night" ang paalam ko.

"Good night kiss ko?" ang demand niya. "Hindi ka pwedeng humindi. Boyfriend mo ako"

"Oo na!" ang tugon ko naman. Linapit niya ang mukha niya. Hahalik na sa na ako sa cheeks niya nang bigla siyang humarap sa akin kaya ayun. Lips to lips. Hinuli niya ang ulo ko at lalo pang diniin ang mukha ko sa mukha niya.

"MOOOORE!!!!!" ang naririnig ko. Ako ba yun? Bakit parang iba naman ang boses? Humiwalay ako sa kanya. Napangiti naman siya ng nakakaloko. Nakarinig naman ako ng mga parang tawanan. Napatingin naman ako... mga boardmates ko na kanina pa nakamasid sa amin. Kumaway naman si Luke sa kanila.

"Kayo na?" ang tanong ni Thia. Nagkibit-balikat lang naman si Luke sabay akbay sa akin. Napatingin naman sila sa akin.

"Pinagsigawan ko na kanina" si Luke. "Ikaw naman"

"Aaah... eeehh" ang pautal-utal kong nasasabi. Nakakahiya... awkward. "Oo, kami na"

"Lakasan mo naman" ang demand niya.

"Kami na. Boyfriend ko na nga si Mr. Kimchi!" ang mas malakas kong sinabi sabay hampas ko kay Luke. "Uwi na!"

"Sige" ang pagpayag naman niya bago sumakay ng kotse niya. "Good night pillow"

"Good night" ang pagbati ko pabalik. "Ingat ka"

Pumasok naman ako ng boarding house nang makaalis na si Luke. Lahat naman ng mata ay nakatingin sa akin. Hindi ko naman pinapansin. Dumeretso ako ng kuwarto at nagpalit. Medyo napagod ako ngayong araw. Nagtungo muna ako sa terrace para magpahangin.

Kinabukasan at Wednesday, sinundo nga ako ni Luke at hinatid sa Saint Anthony. Kasama ko ulit sila Kuya PeeJay sa booth. Natutuwa talaga ako sa mga nakaw na tingin ni Kuya Ethan sa kanya. Ngayon ko rin nalaman na siya ang Head Choreographer ng Souls Dance Troupe. Nakaka-amaze.

"Xean!!!!" ang pagtawag ng isang tinig. Dalian naman akong napalingon. Sila Princess.

"Hi" ang bati ko.

"Tignan mo 'to" si Princess sabay abot sa akin ng isang papel. Flyer galing sa College of Business and Accountancy.

ALL GIRLS NIGHT RACE. Thursday Night.

Binasa ko pa ang iba pang detalye. Cash prize and the like pero natigilan ako sa nakita ko. Romantic Date with Luke Sanchez.

"Gosh! Sasali ako" si Sophia. "Gusto ko yung romantic date"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Okay lang ba sa'yo?" ang tanong ni Uno.

"Wala naman akong magagawa" ang tugon ko. Ayoko naman kasi talaga. Sino bang matutuwa sa katotohanang makikipag-date sa iba yung boyfriend mo? "Tsaka minsan lang naman mangyayari yun."

"Pero boyfriend mo siya" si Kuya Ethan. Lahat ay napatingin sa kanya.

"Hindi nga????" ang gulat na tanong ng mga kaibigan ko sabay hawak sa mga balikat ko at alog sa akin.

"Ano ba? Pagsasampalin ko kayo eh!" ang reaksyon ko. "Nahihilo na ako sa ginagawa niyo!"

Kaagad naman silang tumigil at hinintay pa ang mga sasabihin ko.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon