Sa pagtatapos ng klase ay pasimple akong lumabas ng lec room. Nawala na ang pantal sa kamay ko pero andun pa rin ang namumulang marka na ginawa ni Luke. Sa aking paglalakad ay may humawak sa aking balikat. Natigilan naman ako at napalingon.
"Saan ka pupunta?" ang tanong niya.
"Uuwi na. Bakit ba?" ang pagsusungit ko sa kanya.
"Hindi ka pa pwedeng umuwi" ang sabi naman niya.
"At bakit hindi?" ang tanong ko sabay hawi sa kamay niya.
"Sasamahan mo ako magmula ngayon," ang sabi niya.
"Ano ka? Sineswerte?" ang retorikal kong tanong.
"Hindi ko pa nakakalimutan ang pagbangga at pagbagsak mo sa akin. Lalo na ang pagkagat mo sa kamay ko," ang seryoso niyang paliwanang.
"Aksidente yun. Hindi ko rin ginusto."
"Ang dami mo pang sinasabi, eh. Tara na nga." Hinablot niya ang kamay ko sabay hila. Sinubukan ko namang pumalag pero grabe ang paghatak niya sa akin kaya hindi na ako nagpumiglas pa.
"Sandali nga!" ang sigaw ko na nagpatigil sa kanya. "Pwede bang bitawan mo nga ako! Ang dami nang nakatingin sa atin."
"So, what do you suggest that I should do?" ang tanong niya.
"Bitawan mo ako," ang tugon ko.
"And if I don't?" ang tanong niya.
"S-sapak-kin kita!" ang lakas-lakasan ko ng loob. Tulad nga ng inaasahan ay hindi niya sineryoso ang pagbabanta ko at tinawanan ako.
"Sasapakin mo ako? Hindi mo naman ako maaabot!" ang pang-aasar niya. Hamak kasing mas matangkad siya sa akin. 5"10' siguro ang height niya. 5 something lang kasi ako.
"Kukuha ako ng tutungtungan ko para maabot kita!" ang bawi ko.
"Tatakbo naman ako."
"Itatali naman kita sa upuan," ang sunod kong bawi sa pangangalaska niya sa akin. Natigilan siya at napangiti naman ng nakakaloko.
"I like that," ang komento niya sabay kindat sa akin. Napakunot na naman ako ng noo sa pang-aasar niya sa akin. Seryoso, he's really getting into my nerves. Muli na naman niya akong hinatak papunta sa kung saan man. Tumigil kami sa mga nakaparadang kotse sa harap ng administration building. Binuksan niya ang compartment ng isa at linabas ang isang sports bag. Bigla na lang niyang hinablot ang back pack ko at tinapon sa loob ng compartment bago isara.
"Carry this," ang utos niya sabay abot sa akin ng bag niya.
"Ayoko. Uuwi na ako!" ang pagtanggi ko sabay bato sa dibdib niya ng bag. Sumama ang timpla ng mukha niya at masamang tumitig sa akin.
"No one says no to me," ang seryoso niyang sinabi. "Now, I want you to pick up my fuckin' bag and come with me! You're so gonna hate it when I'm angry."
Nakakatakot siya. Dahan-dahan kong dinampot ang bag sa harapan niya at sinabit sa katawan ko.
"Tara na?" ang hindi ko siguradong pagyaya sa kanya. Nagsimula siyang maglakad, sumunod na lang ako. Obvious na masama ang timpla. Gusto ko sanang tanunungin kung saan kami pupunta pero natatakot ako. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa gymnasium. Kinuha niya sa akin ang bag at inutusang tumabi sa mga kabarkada niyang naka-upo sa bleachers. Umupo na lang ako malapit sa kanila. Lumabas si Luke na naka-basketball outfit. Lumapit siya sa akin at binigay ang bag. Gusot pa rin ang mukha niya.
"Didn't I tell you to sit with my friends?" ang tanong niya.
"Uhmm... Papunta na po," ang tugon ko. Napatingin ako sa kanila.
"Guys!" ang pagtawag ni Luke sa kanilang atensyon. Natigilan naman sila at napatingin sa akin. They gestured me to come near. Pumunta nga ako at tahimik na tumabi sa tabi ng kung sino man. Nagkwekwentuhan lang sila. Nagsimula ang basketball practice ni Luke. Pinanood ko lang siya. Wala naman kasi akong ibang magagawa. Magaling siya. Nakaka-amaze.
"Hindi naman kaya siya matunaw niyan?" ang tanong ng katabi ko. Napatingin naman ako. Si Marcus.
"Ganyan ba talaga yang kaibigan mo?" ang tanong ko.
"What you see is what you get," ang tugon naman niya. "Anong meron sa inyong dalawa?"
"Wala!" ang kaagad kong tugon.
"Talaga?" ang tanong niya na may halong pagdududa. Napatango naman ako. "He gives you a lot of attention"
"Well, pakisabi sa kanya. Hindi ko kailangan ng atensyon," ang komento ko.
"Masuwerte ka nga, eh," ang singit ni Axel. "Ang daming nagkakadarapa kay Luke. Marami kang karibal."
"Karibal?" ang pag-uulit ko. "Correction, wala akong gusto sa kanya. He's the opposite of exactly what I want"
"Opposite poles attract," ang komento naman ni Anjo. Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na umimik. Napatingin naman ako sa isang banda at kaagad nakita si Terrence. Tumayo ako at linapitan siya. Nagsimula kaming magkwentuhan. Nang makarinig kami ng hiyawan mula sa mga nanonood. Napatingin kami sa court.
"Luke! Focus!" ang sermon ng coach sa kanya. "Kung saan-saan ka tumitingin, eh!"
"Sorry, coach!" ang paghingi ng paumanhin ni Luke sabay sulyap sa amin. Nanlamig ako sa talim ng tingin niya.
"Uhm... Terrence... Babalik na ako sa bleachers," ang paalam ko. "Kita na lang tayo bukas."
"Sige," ang tugon niya. Bumalik nga ako sa bleachers at naupo sa dati kong inuupuan.
"Tsk. Tsk. Tsk." ang narinig ko mula sa mga katabi ko.
"Patay ka," ang sabi ng isa pero di ko na pinagtuunan ng pansin kung sino. Gusto ko na talagang umuwi.
Pagkatapos ng basketball practice ni Luke ay kinuha niya ang bag niya at nagtungo sa kung saan man.
"Hintayin mo na lang ako sa labas," ang bilin niya. Napatango na lang ako at nagtungo sa bungad ng gymnasium.
"Excuse me," ang pangdidistract sa akin ng isang tinig. Napalingon ako at nakita ang tatlong babae.
"Yes?" ang tanong ko.
"Friend mo si Luke, di ba?" ang tanong ng isa.
"Uhh... Never," ang tugon ko.
"Baka naman. Pwede mo kaming ilakad sa kanya?" ang paki-usap ng isa.
"Especially me," ang singit ng isa na nasa gitna."Anyway, ako nga pala si Bloom. Sila si Bubbly at Cupcake."
Bloom? Bubbly? Cupcake? Parang familiar sa akin ang mga pangalan na yan.
"Hindi kami friends," ang muli kong pagtatama.
"Oh, come on. Sige na!" ang pangungulit nila.
"Oh, baka naman kasi may gusto ka rin sa kanya kaya ayaw mo!" ang akusa ng isa.
"Wala akong gusto sa masungit na yun!" ang nanggagaliiti kong pagtatama.
"Malakas ang radar namin. Isa kang threat!" ang paliwanag ni Bubbly.
"So?" ang pambabasag ko.
"Not to be rude. But pwede ba? Tantanan niyo ako Powerpuff girls! Go save Townsville or whatever!" ang sabi ko bago lumayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...