Pagkarating nga ng function hall ay kaagad kaming naupo sa mga natitirang upuan sa harapan. Ang awkward. Ayaw na ayaw ko pa man ding nagiging sentro ng atensyon. Yung feeling na anytime madadapa ka kasi parang nanghihina ang tuhod mo sa bigat na dala ng pagtitig at pagmasid ng mga tao sa paligid mo. Mas lalong nakakailang sapagkat kami ang huling pumasok sa bulwagan. Ano kayang gagawin namin ngayon? Tahimik lang ako naka-upo sa harap.
"Ui, close pala sila" ang narinig ko sa likod ko. Alam ko namang kami ni Luke ang pinag-uusapan nila..
"Hindi ko alam. Transferee yang si Xean eh" ang sagot ng isa.
"Tuwing minor subject namin, palagi silang magkasama at... at ayun, parang ayaw makipag-partner sa iba, kundi kay Luke lang" ang maling tsismis ng isa. Ako pa ngayon ang lumalapit kay Luke??? Eh, siya nga yung makapagterrorize ng tao sa paligid ko.
Napatayo ako at kinuha ang isang stick mula sa karton na ibinigay kani-kanina lang ni Luke. Buti na lang may natira pa. Humarap ako sa kanila at inangat ang stick sabay sigaw ng " Evanesco!"
Bigla nalang nawala ng parang bula ang dalawang tsismosa't tsismoso sa likod ko. Tumatawa lang naman akong naglakad patungo sa pintuan.
"Alohomora" ang pagsabi ko sa hangin bago bumukas ng malakas ang pinto. Pagkalabas ko ay sinambit ko naman ang "Colloportus" kaya naman nagsara ang pintuan. Narinig kong pilit nilang binubuksan ang pinto ngunit hindi nila magawa. Naupo na lang ako at tinakpan ang mga tenga ko at pumikit para hindi na makarinig pa ng kung ano.
May naramdaman namang akong kamay na pumatong sa balikat ko. Napabukas ako ng mga mata at nakita agad ang malaking mapa ng venue sa function hall. Hindi si Valdemort o si Ron Wesley ang katabi ko at umaakbay sa akin kundi si Luke.
"Are you okay?" ang tanong niya with his matching American accent.
"I'm bloody fine" ang tugon ko. Ngunit hindi ako si Harry Potter para magkaroon ng British accent lalo na't nabanggit ko lang ang salitang madugo sapagkat nais ko nang mapuksa ang mga tsismoso sa mundo. Tinopak na talaga ako. Pati Harry Potter, nadamay ko na sa imagination ko. Haays, Nakakairita yung pinag-uusapan ka sa likod mo, literally.
"Just don't mind them, okay" ang payo niya.
"Don't mind them? Palibhasa, hindi nila alam yung totoo" ang tugon ko. "Ako pa ngayon ang lumalapit sa'yo"
"Bakit? Ayaw mo bang mapalapit sa akin?"
Napatulala ako sa tinanong niya. Eeeeeh, siyempre... gusto!!!!! Gustong-gusto!!!
"No" ang flat kong tugon. "Bakit ko naman gugustuhin na mapalapit sa'yo?"
"Cause hot ako... gwapo..."
"Pinanganak ka ba na may kambal na bentelador?" ang tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya. "Baka naman ka quadruplet mo sila ceiling fan, electric fan at desk fan. Ang hangin mo eh!"
"Mahangin na kung mahangin marami naman akong fans" ang komento niya. "Eh, ikaw?"
"A-ano? Anong ako?" ang nagtataka kong tanong.
"Gusto mo bang maging number one and only one fan ko?" ang paseryoso niyang tanong ulit. Ang sexy niya talagang pakinggan pag nagseseryoso at parang nang-aakit pa. Pakiramdam ko na-drain ang lahat ng dugo ko mula sa buo kong katawan at nagtungo lahat sa mukha ko.
"Ayoko!" ang tugon ko. "Never in this lifetime and the next lives to come!"
Naramdaman kong unti-unti niyang linapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko na lang ang mainit niyang hininga sa tenga ko.
"Talaga, Sweetie?" ang tanong niya.
"Please lang, layo! Shoo! Shoo!" ang utos ko. Bigla ko na lang siyang siniko sa dibdib. Napalayo naman siya at napahawak sa kanyang dibdib habang nangingiwi pa sa sakit.
"Grabe ka magmahal pabalik, ang sakit!" ang komento niya.
"Tantanan mo nga ako sa mga kalokohan mo" ang masungit kong sinabi sabay tupi ng mga kamay.
"Asus... kinikilig na yan" ang sabi niya habang tumatawa.
"Hehehe" ang sarcastic kong pagtawa sabay make faces.
"Oo na. Ako lang naman ang lumalapit sa'yo habang ikaw napaka-distant mo" ang bigla niyang malakas na sinabi. Tinignan ko na lang siya patagilid. "Oh, ayan. Happy?"
"Cloud nine" ang pagkumpirma ko.
"Okay guys. Eyes over here" si Apple gamit ang megaphone. Lahat naman ay napatingin sa kanya sa wakas. Nagbigay lang siya ng instructions. Simple lang naman ang una naming ginawa ngayon. Magsulat ng dalawang importanteng salita sa dalawang magkaibang papel. Ilang minuto na akong nakatitig sa marker pero wala talaga akong maisip na maisusulat. Na-distract ako nang pinulot ni Luke ang marker sa harap niya. Napatingin naman ako sa kanya. Natigilan ako...
He looks so soft. Soft bigla yung features, basta parang ganun. Kakaiba.
Napatingin naman ako sa sinusulat niya.
"L-I-T-T-L-E" ang sinulat niya sa isang papel. Tahimik at pasimple ko lang inaabangan ang mga letrang lumilitaw sa papel niya. "B-O-Y"
Little at Boy? Bakit kaya yun ang mga napili niyang mga salita? Mas lalo akong na-curious nang ipagtabi niya ang dalawang papel; LITTLE BOY. Matagal niya itong tinitigan katulad ko. Natauhan naman ako ng maalala ang mga dapat kong isulat. Dahil wala naman akong maisulat kaya dalawang simpleng salita ang naisulat ko.
Supercalifragilisticexpialidocious...
At
Pseudoantidisestablishmentarianism...
Ayun, nakatitig lang ako sa papel na may imaginary words na sinulat ko.
"Everyone!" si Apple.
"Aaaah" ang frustrated kong reaksyon. Bakit ang hirap naman nitong unang pinagawa sa amin?
STARS.
SILENCE.
Ewan ko ba, yun na lang naisulat ko. Hamak din lang na gusto ko ng katahimikan palagi at ang pagmasdan ang mga tala sa kalangitan. Pinapaskil sa amin ang mga salita sa harap samantalang pumwesto naman si Dex sa harap ng mga ito. May hawak siyang tatlong uhmm, ano nga bang tawag sa ginagamit sa darts? Yung binabato na may matulis na dulo. Naalala ko nga nung bata ako, sinubukan ko yun. Three feet lang siguro ang layo ko sa dart board ng binato ko yun. Hindi sa bull's eye tumama yun. Kundi sa paa ko. Paano nangyari yun? Hindi ko rin ma-explain at di ko na maalala.
Ayun nga with matching piring pa. Dun daw kami kukuha ng pangalan ng team namin. Gaano man ka-awkward ang kalalabasan ay kailangan naming panindigan. Nagsimula na nga sa pagbato itong si Dex.
1. Little (ni Luke)
2. Stars (Yey!)
3. Frozen (ng kung sino man na nahilig sa animated film na yun)
LITTLE FROZEN STARS. What a name, di ba? Ang cute pakinggan.
"Ang looser ng dating" ang komento naman ni Luke.
"Welcome sa team ng mga loosers" ang pang-aasar ni Marcus at Anjo na nasa kabilang team. May pa-hi five, hi five pa ang dalawa.
ULTIMATE SHADOW SWORDS. Yan? Pangalan ng kabilang Team. Nakakatakot pakinggan, no? Teka, bakit may word na Swords??? Ang weird naman, siguro serial killer ang may favorite ng salitang yun.
"Yeah!!" At ayun nagboost up ang confidence nila dahil sa astiging pangalan ng grupo nila samantalang nananahimik lang kaming mga "Little Frozen Stars" na parang na-freeze na nga at kailangan pang i-defrost para makasabay sa pagka-hyper ng kabilang team.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...