Kaninang umaga pa ako rito sa clinic at kahapon pa ako nasa Saint Anthony. Pakiramdam ko ay naka-confine ako sa isang ospital. Napapagod na ako sa maghapong kakahiga at kakatulog.
"Maam, pwede na ba akong lumabas ng clinic?" ang tanong ko.
"Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" ang tanong naman niya pabalik. "Sandali, kukunin ko lang ang temperatura mo"
Gamit nga ang thermometer ay kinuhanan niya ako ng temperatura.
"Normal na. Nahihilo ka pa ba?" ang tanong niya.
"Hindi na po" ang tugon ko naman.
"O,sige. Pwede ka nang umuwi para dun mo na lang ipagpatuloy ang pagpapagaling. Hindi mo na ba hihintayin si Luke?"
"Papasok po ako sa last subject ko. Classmate ko po siya sa ganung oras" ang paliwanag ko naman.
"Ganun ba? Sounds good"
Dumeretso nga ako sa lecture room para sa last subject. May nararamdaman pa rin akong kaunting pagkahilo ngunit kaya ko pa naman. Sa totoo lang, gusto ko nang umuwi ng boarding house pero na kay Luke o nasa kotse niya lahat ng gamit ko. Pagkarating ko naman ng lecture room ay wala pang tao. Pumwesto ako sa aking kinagawiang upuan. Napamasid na lang ako sa kalangitan sa labas ng bintana. Naalala ko lahat ng nangyari kahapon mula sa rooftop hanggang sa pagdala sa akin ni Luke sa clinic. Natigilan ako nang maalala na katabi ko siya at yakap-yakap niya ako nang magising ako. Inasikaso niya ako. Pero bakit??
Siya nga ba yung Luke Sanchez na kinakatakutan nila? Ngunit bakit hindi yun ang aking nakikita. Wala man lang akong maramdamang takot kapag nasa malapit siya. Sa tuwing magkasama nga kami ay pakiramda ko ay ligtas ako. Dala siguro nang pagliligtas niya sa akin dati at sa mga pagkakataon recently na nagpakita siya ng malasakit sa akin. He's a nice person and I don't find a reason why he's hated. Takot sila.. oo.. ako rin naman siguro. Pero nang makilala ko siya.. nang makakita ako ng kabutihan sa mga pagkilos niya ay napawi lahat ng agam-agam ko.
"What are you doing here?" ang nag-aalalang tanong ng isang tinig mula sa pintuan ng lecture room. Napalingon naman ako. Si Luke nga, kasama ang loyal niyang barkada. Lumapit siya sa akin samantalang ang mga kasama niya ay pumwesto sa kani-kanilang upuan at tulad pa rin ng dati ay may sari-sariling mundo. Tumabi sa akin si Luke.
"Okay ka na ba? Baka mabinat ka niyan" si Luke.
"Oo. Okay na ako" ang tugon ko sabay ngiti.
"I doubt" ang komento niya sabay bukas ng bag niya. At may linabas... relief patch ng Koolfever. "Humarap ka sa akin"
"Ha? Hindi na kailangan yan" ang pagtanggi ko.
"Harap na" ang utos niya. Napabuntong-hininga na lang ako at humarap sa kanya. Linagay niya nga yun sa noo ko. Ang awkward... nasa klase ako na may ganun sa noo ko. "Magpahinga ka na diyan. Ako na bahala kay Prof"
"Sige" ang pagpayag ko. Tutal, wala rin naman akong magagawa at kahit na anong gawin kong pagtanggi ay pipilitin lang ako ni Luke. Pinwesto ko na nga ang ulo ko sa arm rest. At dala siguro ng Koolfever sa noo ko ay madalian ulit akong nakatulog.
(Indistinct noises)
Naririnig ko na ang lecture ni Prof. Nagsimula na pala ang klase namin. Naupo ako ng deretso at inayos ang aking sarili. Napakamot ako ng mata sabay tingin kay Prof na nahinto nang napatingin sa direksyon ko. Tinignan niya ako na para bang isa akong kakaibang nilalang sa mundo.
"My goodness, Mr. Olivar. What happened to you?" ang tanong niya.
"Sorry Prof. I'm just not feeling well" ang paliwanag ko.
"I know that already" ang pagkumpirma niya. "LUKE SANCHEZ! Come infront!"
"But Prof.." ang protesta naman ni Luke. Nakangiti ang lahat samantalang humahagikgik at pinipilit na hindi tumawa naman ng mga barkada ni Luke. Ano bang nangyayari rito?
"Come forward!" ang madiin na utos ni Prof. Napakamot na lang ng ulo si Luke at sumunod din naman. Nagtungo nga siya sa harap.
"Mr. Olivar" ang pormal na pagtawag sa akin ni Prof. "You too. Come here"
Kahit na naguguluhan ay nagpunta ako sa harap. Tumatawa na ang lahat. Ano ba talagang nangyayari????
"Mr. Olivar, take this" ang utos ni Prof habang hawak-hawak ang isang permanent marker. Kinuha ko naman yun.
"Prof naman!!! Wag yan please" ang paki-usap ni Luke. "Colored pens na lang. Yun naman ang ginamit ko eh!"
"Mr. Olivar" ang muling pagtawag sa akin ni Prof. "Draw three lines on every cheek of Luke"
"Prof?" ang reaksyon ko. Napatingin ako kay Luke na naka-puppy dog pout na waring nagmamakawa sa akin na wag sundin si Prof.
"Do it." si Prof.
"Buy Prof, why?" ang tanong ko.
"Just follow my instructions. I'll explain later" si Prof. Wala na nga akong magagawa. Tinaggal ko ang takip ng marker at ginuhitan ng tatlong mahahabang linya ang bawat pisngi ni Luke. Nakita ko ang reaksyon niya habang ginuguhitan ko ang mga pisngi niya. Di ko alam kung maaawa na lang ako o matatawa.
"Now, draw an inverted triangle on his nose. I want you to fully shade that" ang sunod na pinagawa ni Prof na siya ko rin namang tinalima.
"Mr. Olivar, now tell me what he is" si Prof.
"A cat?" ang hula ko.
"Mr. Sanchez, say sorry to him" ang utos ni Prof kay Luke na kinagulo ng isipan ko. Para saan???
"Sorry" si Luke.
"Say sorry as a cat, Mr. Sanchez" ang utos ni Prof.
"Prof!!!!" ang pagmamaktol ni Luke.
"Do it"
"Meow... meow... meow..." si Luke.
"Such a flirty tomcat to me" ang reaksyon ni Ptof. "Mr. Olivar, what will you say?"
"Apology accepted" ang sabi ko.
"Say it with the animal you are representing"
"Arf? Arf?" ang hula ko. Hindi ko naman alam kung anong animal eh. Nagsitawanan na naman ang mga kaklase ko. May nag-abot sa akin ng salamin at tinignan ko naman ang sarili ko.
Seryoso? Napatingin ako ng matalim kay Luke. Napapeace sign siya.
"Mr. Olivar, go ahead" si Prof.
"Oink-oink.... oink-oink...." ang awkward kong panggaga-gaya sa tunog ng isang baboy. Paano ba naman magdrawing ba naman sa mukha ko ng ilong ng baboy...
Hay naku. Ginawa ba naman kaming icrbreaker ni Prof. Malala na siya. Si Luke kasi eh... pagtripan ba naman ako.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...