Chapter Thirty Three: P♥werpuff!

16.6K 379 20
                                    

"Come on, guys" ang pangdidistract ni Dex. "It's just a name. Loosen up"

"Yeah, right" ang bulong ng isa. Napa-ikot na lang ako ng mga mata at napatingin sa pulang karton na nakapatong sa harap ko. Kinuha ko naman yun at kumuha ng isa. Sinimulan ko na lang kumain.

"Pahenge" ang sabi ng isang tinig.

"Ayoko" ang tugon ko.

"Pahingi na kasi" ang parang bata niyang sinabi.

"Ayoko" ang muli kong tugon.

"Ako naman nagbigay sa'yo niyang pepero" ang argumento niya.

"Binigay mo na nga, manghihingi ka pa" ang komento ko.

"Ang damot mo! Marami pa ako niyan sa kuwarto. Hindi na kita bibigyan. Bahala ka!" ang naiinis niyang bulong sa ere. Inabot ko na lang sa kanya ang karton ng pepero. Napabuntong-hininga na lang ako. Kaagad naman niyang binalik sa akin ang karton.

Kukuha sana ako ngunit natigilan ako. Kapa... kapa ulit sa loob ng karton. Kapa....

=________= napatingin ako sa kanya. Lahat ay nakalagay na sa bunganga niya.

"Bakit mo inubos?" ang naiinis kong tanong.

"Tss, gutom na ako" ang tanging reaksyon niya sabay iwas ng tingin.

"Tss" napagaya naman ako. "Bipolar. Teka, ilang piraso yan?"

"Bhakeet?" ang parang jejemon niyang tanong dahil sa pagkaing nasa bibig niya.

"Ganun karami din ang ipapalit mo!" ang sabi ko.

"Eesha lang" ang tugon niya.

"ANONG ISA??" hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya. Dalian naman niyang nginuya ang nasa bibig niya.

Napangiti naman ang asungot.

"So" si Luke. Ayan na naman yung lecheng serious voice niya eh! Napapatulala ako. Napalunok na lang ako.

"Hindi mo pa ba ako hahalikan?" ang bigla niyang tanong sabay dila sa lips niya na may naiwang chocolate pa galing sa pepero. Bigla na naman siyang nangiti. Nang matauhan ay tinapik-tapik ko ang mga pisngi niya at pinisil-pisil ang mga yun. Napapangiwi naman siya sa panggigigil ko. Binitiwan ko na lang ang mga yun nang mapagod at muli nang nanahimik.

"Hindi mo pa ba ako hahalikan?"

"Hindi mo pa ba ako hahalikan?"

"Hindi mo pa ba ako hahalikan?"

"Hindi mo pa ba ako hahalikan?"

Paulit-ulit?

"Hindi mo pa ba ako hahalikan?"

Haays...

"Hindi mo pa ba ako hahalikan?"

Tama na... Narinig ko naman eh at naintindihan ko. Move on na. T^T Parang sirang plaka. Nakakairita. Hays.

Poke sa cheek. 

"Anak ng-" ang pagkasambit ko ngunit kaagad din naman akong natigilan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

"POWERPUFF GIRLS???!!!" I blurted out dahil sa gulat. At ang sama ng tingin sa akin ng tatlo. "A-anong ginagawa niyo rito?"

"Magpeperform" ang pilosopong tugon ni Bloom.

"Tatawa na ba ako?" ang tanong ko.

"Hindi ako nag-jojoke" ang tugon niya.

"Hindi yun ang tinutukoy ko; yang mukha mo" ang paglilinaw ko. "I thought nagjojoke ka na, mukha ka kasing joke"

"How dare-"

"Ano bang kailangan niyo sa akin?" ang naiinis ko nang tanong. "Mukhang hindi naman kayo kabilang sa college namin. Bumalik na nga kayo sa Townsville!"

"Hindi nga kami galing sa college niyo. Ka-block namin ang taong linalandi mo!"

"Sino kayang nagmumukhang malandi sa ating dalawa?" ang bulong ko sa aking sarili. "Eh, sira ulo ka ba! Kalalake kong tao, lalandiin ko yang bipolar na gusto mo!"

"Whatever" ang sabay-sabay nilang sinabi sabay flip ng hair.

"Magkatabi kami sa pagtulog all throughout the camp" ang sabi ko. Napahinto naman silang tatlo. "Mayayakap ko siya every night"

Tumingin naman silang tatlo sa akin ng sobrang sama. Yung tipong kung nakakapatay lang; triple dead na ako.

"Hindi uubra ang laser eyes niyo, Powerpuff girls" ang pang-aasar ko.

"Bakit? Sino ka ba sa tingin mo?" ang tanong ni Cupcake. Cupcake talaga??? Mukha namang ampalaya. Hindi bagay.

"Hmmm" ang reaksyon ko sabay isip ng malalim. "Bahala na nga kayo diyan."

Tumalikod ako.

"Ice breathe" si Bloom sabay buga ng malamig na ihip ng hangin na nagpa-freeze sa paligid. Maliban na lang sa akin.

"Bakit? Hindi ka naapektuhan?" ang nagtataka at gulat niyang tanong. Nanlalaki pa ang mga mata niya.

"Hindi nga uubra" ang sabi ko.

"Bakit?" ang muli nilang tanong.

"The cold doesn't bother me anyway" ang komento ko sabay talikod.

"Elsa?" si Bubbly. "Do you want to build a snowman?"

Napailing na lang ako. Grabe na ang takbo ng pag-iisip ko. Pakorni na ng pakorni. LAST NA TO!!! Dala siguro nung nakain ko o pinakain sa akin ni Luke. Hindi naman ako ganito magdaydream eh! Ang kid's stuff ko na!!!!!!

"Ako? Si Mojo Jojo" ang tugon ko sabay layo sa kanila. Gumagawa na pala sila ng Team Logo. Kahit paano ay nagka-isa na ang lahat. Naka-form sila ng circle habang nag-iinstruct sa kung sino man ang nasa gitna at gumuguhit sa cartolina paper na nakalapag sa sahig.

"Medyo may parang spikes" ang suggestion ng isa. Napasilip ako. Si Luke..

May talent pala siya sa Arts. Oooh, ang seryoso niyang gumuguhit.

"Ganito ba?" ang tanong niya kay Dex. Parang kanina lang eh... ang looser ng pagkakasabi niya tungkol sa team name namin. Ngayon naman, daig pa ang Globe Network kung maka-Go lang ng go. Napangiti na lang ako. Kahit na iilan lang ang naglalakas-loob magbigay ng suggestion nila dahil nga natatakot sila sa kanya.

"I guess I'm done here" si Luke. "Bahala  na kayong magtapos niyan. Tinatamad na ako"

"Salamat, Luke!" si Dex pero hindi niya na ito pinansin pa at nagtungo sa isang gilid para makipagkwentuhan sa mga kabarkada niya. Pagkatapos magawa ang mga logo ay pinaskil na namin sa harap. Na-aamaze ako sa pagkakagawa ng dalawang team logo. Hanggang stick people lang talaga ang kaya kong gawin eh.

"Guys" si Apple over the megaphone. "Simula bukas, magkakalaban na tayo. So, enjoy the last hours of bring friends"

Pagkatapos makapag-dinner ay deretso kami sa aming mga kuwarto. Marami raw kaming gagawin bukas at kailangan na naming magpahinga.

"Pillow" si Luke nang palabas na ako ng function hall. "Sabay na tayo"

"Sige" ang pagpayag ko. Tahimik lang akong naglalakad. Siya lang naman ay sumabay sa akin. Magkasabay naman sila Terrence at Apple sa medyo harap namin. Iisa lang naman ang pupuntahan ng lahat. At iisa lang ang daan patungo run.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon