Chapter Eighty-three: Kakaibabe

7.9K 296 22
                                    


Tumayo naman si mama at kaagad lumapit kay papa.

"Mabuti naman dumating ka na" ang komento ni Mama pero hindi umimik si Papa. Lumapit si mama sa amin.

"Anak, umuwi na muna kayo ni Luke. Magpahinga na kayo para may lakas kayo bukas." ang bilin ni Mama. "Sige na"

"Sige ma" ang tugon ko. Napatingin sa amin si Papa at lumapit.

"Binata na pala ang pinagmamalaki mong anak" ang komento ni Papa. "Mapapakinabangan na ba?"

"Tantanan mo ang anak natin" ang sabi ni Mama.

"Sino naman yang kasama niya?" ang pagpapatuloy ni Papa. "Boyfriend mo?"

"Pa, ano bang pakialam mo?" ang tanong ko.

"Aba, lumalaban ka na ah!"

"Wala kang pakialam" ang pagpapatuloy ko.

"Sige na, Xean. umuwi na kayo."

"Nung araw na iniwan mo kami ni Mama. Nawalan ka na rin ng karapatan sa akin at sa kung anong nagaganap sa buhay namin." ang sinabi ko. "Pa, mauna na kami ng boyfriend ko. Tara na, blanket"

Sabay walk-out ko. Sumunod naman kaagad si Luke. Pumara agad ako ng taxi sabay kaming sumakay. Natahimik naman kaming dalawa. Nang makarating ay deretso kami sa bahay. Hindi pa ako agad masyadong nakakapasok ng biglang may mga kamay na yumakap sa akin patalikod. He rested his chin on my shoulders.

"Pillow, wag ka na ma-upset. Nalulungkot din ako" ang paglalambing niya.

"Hindi na ako na-uupset. Nasanay naman na ako kay papa" ang paliwanag ko sabay harap at yakap din sa kanya. "Salamat, blanket"

"Salamat din kasi di ka natakot na ipakilala ako sa Papa mo kahit na alam mo naman na mas magagalit siya sayo" ang pasasalamat niya.

"Hindi na yung importante sa akin. Mas gusto ko na lang pagtuunan ng pansin ang mga taong nagpapasaya sa akin. Sa mga taong tanggap ako at mas lalo akong minahal ako sa kung ano ngayon at sa kung anong maibibigay ko."

Ngumiti naman niya siya.

"Kakaiba ka talaga, pillow" si Blanket. "Ikaw ang nag-iisa at katangi-tangi kong kakaibabe"

Napakunot naman ako ng noo.

"Kaka-what?" ang tanong ko.

"Kakaibabe" ang pag-uulit niya. "Kakaiba plus babe"

"Kanta yan eh" ang sabi ko. Narinig ko na yun somewhere.

"Alam ko" ang pagsang-ayon niya sabay tawa. "Pillow, gutom na ako. Magkainan na tayo"

"Ano?"

"Ang sabi ko... kumain na tayo" ang tugon naman niya.

"Akala ko kung ano..ang bikin ni mama, magpahinga" ang komento ko.

"Opo, mahal"

"Magluluto na ako ng hapunan. Manood ka na muna diyan" ang paalam ko bago pumasok ng kusina. Nagluto na lang ako ng adobo. Nang makasaing at makaluto ay kaagad kong tinawag si Blanket.

"Sige na. Pagsilbihan mo na asawa mo" ang utos niya.

"Asawa ka diyan. Hindi ka pa nga nagpropropose...asawa agad" ang pambabasag ko sa kanya.

"May nangyari na. Legal na tayo sa mga magulang natin. Nagbabahay-bahayan na tayo..dun din naman ang bagsak."ang argumento niya.

"Go with the right process" ang argumento ko.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon