Chapter Fifty-one: Almost Bed Scene

14.5K 387 41
                                    

Kaagad naman siyang pumwesto sa harap ko at tumingin sa akin. Pansin ko sa kanya ang pagkataranta. Napabuntong-hininga naman siya. Bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko.

"May sasabihin ako sa'yo" ang pagsisimula niya. .

"Ano?" ang tanong ko naman.

"Pillow, may anak na ako" ang pag-amin naman niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Alam kong naghihintay siya ng reaksyon mula sa akin. Ayoko munang mag-react kasi alam kong parte pa lang yun ng isang mas malaking larawan.

"Alam ko" ang tugon ko sa wakas.

"Huh??? Paano mo nalaman?" ang gulat naman niyang tanong. Kaagad kong binuksan ang body bag ko at hinugot ang naka-ipit sa isa sa dalawang kuwadernong palagi kong bitbit sa kung saan-saan. Pinakita ko sa kanya yun. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mahawakan niya ang litrato.

"S-saan mo to nakuha?" ang tanong niya.

"Sa teambuilding camp, nahulog mo bago tayo naghiwalay" ang paliwanag ko. "Akala ko nung una, makapit mo lang kapatid si Little boy na sinulat mo sa dalawang magka-ibang papel at sa nakita kong litrato sa ilalim ng unan mo. Nalaman ko dahil diyan at sa nakasulat sa likod. "Dada and little boy". Wala namang ibang ibig sabihin ang dada kundi daddy, di ba?"

Napatango naman siya. May mga gusto akong malaman pero hindi na ako nagtanong pa, ayaw kong mag-usisa. May mga bagay ba sadyang dapat siya ang magsabi sa akin.

"Hindi kami nagkatuluyan ng Mommy niya" ang pagpapatuloy ni Luke pero nanatili akong tahimik. Ayaw kong magtanong at isa ito sa mga bagay na hinding-hindi ko ginagawa at magagawa. "Kasal na siya sa iba. Kaya wala kang kailangang ipag-alala"

Mas lalo namang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Napatango naman ako at napangiti.

"Naturn-off ka na sa akin, no?" ang tanong niya.

"Hindi" ang tugon ko naman.

"Okay lang sayo?" ang tanong niya.

"Oo naman" ang tugon ko sabay ngiti sa kanya. Totoo naman kahit na alam ko na noon pa ang totoo. Dahil kung hindi ko tanggap. Wala kami ngayon sa kuwarto niya. Wala ako na kausap niya sa mga sandaling ito. Wala itong mga nakakalokong feelings ko para kay Mr. Kimchi.

"Thank you" si Luke.

"Thank you kasi naging honest ka sa akin" ang sabi ko naman. Bigla na lang niya akong yinakap ng mahigpit.

"Uhm, actually, nagtatago siya sa mga unan" ang bulong ko. "Baka makita niya"

"It's okay" ang tugon naman niya. "He understands"

"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ko.

"Matalinong bata si Baby Brent" ang tugon niya. "Naiintindihan niya kung anong namamagitan sa atin"

"I see" ang tugon ko.

"Gawa na tayo ng sa atin" ang bigla niyang sinabi. Naitulak ko naman siya palayo.

"Che!" ang reaksyon ko.

"Asus, dun rin naman ang bagsak natin" ang tukso niya sabay tawa. "Teka, may marshmallow pa ako rito. Alam mo bang favorite ko- TEKA! ASAN NA YUNG MARSHMALLOWS KO????!!!!"

Napatingin naman siya sa akin at kumindat. Napangiti naman ako.

"Lagot yung kumain nun!" ang sabi ni Luke. "Ikaw ba?"

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon