Chapter Twenty Eight: Confession

18.5K 392 14
                                    

Naramdaman ko na naman ang pamumula ng mga pisngi ko. Mas lalo na nung napagtanto kong nakapatong ang ulo ko sa braso niya.

At... at... at....

Nakayakap din siya sa akin. Tinusok-tusok ko ang braso niya para makasiguro at makumbinsi ang sarili ko na totoo nga anh lahat.

"Uhm, what are you doing?" ang tanong ko naman pabalik.

"Hang-out"

"H-hang out" ang mahina kong pag-uulit.

"Yuhp" ang tugon niya. "Teka, bakit ka ba nakatalikod sa akin? Humarap ka nga!"

"Ayoko" ang pagtanggi ko.

"Bakit?"

"Basta" ang simple kong tugon. "Alam mo... ang weird mong makipaghang-out"

"Kasi?"

"Kasi hindi naman ito normal na hang-out, eh! Kasi... kasi... kasi, uhmm, kakaiba. Ang awkward"

"Isipin mo na lang... nagsleep-over ka sa bahay ng isa sa mga kaklase mo but insteas of his room, sa outdoors kayo natulog. At ako yun" ang suhestyon niya.

"Magkayakap?"

"It can't be helped. You're scared" ang paliwanag naman niya.

"And you felt cold" ang dagdag ko. "Okay"

"Gusto mo nang bumalik ng boarding house?" ang tanong niya.

"Mabuti pa nga siguro" ang tugon ko naman sabay upo, naupo din naman siya. "Magrereview pa ulit ako. May exam pa ako mamayang hapon."

"I see. Tara!" ang yaya niya. Pagkatapos makapag-ayos ng kaunti ay kapwa kami bumaba. Sumakay ako sa harap at hinintay siya. Pagkasakay niya rin naman ay kaagad kaming bumyahe. Nagtaka na lang ako nang magpark siya sa harap ng isang hotel.

"A-anong ginagawa natin dito?" ang tanong ko.

"I'm hungry" ang tugon naman niya. Hindi ko nakuha ang koneksyon. Inutusan niya akong bumaba at ginawa ko nga. Sumunod ako sa kanya nang magsimula siyang maglakad. Dumeretso kami sa loob ng hotel at nagtungo sa restaurant. Kaagaf naman kaming sinalubong ng staff.

"Table for two, please" si Luke.

"This way, Sir" ang tugon naman ng staff. Nagpa-iwan muna si Luke habang kausap ang isa pa sa staff nila. Napatingin ako sa paligid. May tatlong table na nakaset-up. Ang sa una ay ang mga kubyertos at inumin. Sa pangalawa ay sari-saring almusal na pang-pinoy at sa pangatlo ay mga tinapay, salad at prutas.

"Let's get started" si Luke nang dumating.

"Ha?"

"Kain na tayo" ang nakangiti niyang tugon. "Don't hold back. We have three hours. Kain lang ng kain"

Napangiti naman akong tumango. Nagsimula kaming kumain at in-enjoy ang breakfast buffet. Ngayong umaga ko natutunan ang isang bagay tungkol kay Luke... malakas siyang kumain. = ^___^=

Pagkatapos nga ng isang masaganang almusal ay hinatid na nga ako ni Luke sa boarding house.

"Pasok ka muna" ang yaya ko sa kanya nang nasa harap na kami ng munting gate.

"Hindi na para makapagreview ka ng maayos" ang tugon niya. Napatango naman ako. "So, I'll see you around"

"Luke, sandali lang" ang pagpigil ko sa kanya.

"Yeah?"

"Bakit stargazing?" ang tanong ko. "Bakit Stargazing kung boring sa'yo?"

"Never naging boring nung ikaw ang kasama ko" ang nakangiti niyang tugon. "Thanks, Pillow"

"Thank you rin" ang pasasalamat ko.

"I.. uh.. better get going" si Luke.

"Ingat sa daan" ang bilin ko. Ngumiti lang siya ulit bago sumakay ng sasakyan. Pumasok ako ng boarding house at nadatnan si Thia at Zeke na nagkwekentuhan sa kuwarto habang kumakain ng tinapay na sinasabayan pa nila ng kape.

"Good morning" ang bati ko sa kanila.

"Good morning,Xean" ang bati nila pabalik.

"So, anong kwento?" si Zeke.

"Oo nga. Saan ka dinala ni Mr. Kimchi mo?" ang pag-uusisa ni Thia.

"Uhm..." ang reaksyon ko. "Nag-stargazing lang"

"Details!  We want details!" ang demand naman ng dalawa.

"There is a certain word in the dictionary called "Privacy"" ang sabi ko. "Just in case you don't know the meaning; I'll be more than glad to define it for you"

"Para namang hindi tayo magka-close" ang protesta ni Zeke.

"Oo nga! Wag mo kaming daanin ng sarcasm mo. Wala nang epekto yan!" si Thia. "Kwento na!"

Napaikot na lang ako ng mga mata at naupo sa pagitan nila. Habang nag-aalmusal sila ay nagkwekwento naman ako ng mga nangyari kagabi. Sabay naman silang napahigop ng kape nang matapos ako magkwento at napatingin sa isa't-isa.

"So, how do you feel about it?" ang tanong ni Zeke sa akin.

"Wala. Normal" ang simple kong tugon.

"Hindi ko talaga malaman kung tanga ka o manhid lang" ang komento naman ni Thia. Napakunot naman ako ng noo. "Hindi ba sumasagi sa isip mo na baka... sakali lang naman na may gusto si Luke sa'yo?"

"Aaayyiieeee" ang reaksyon ni Zeke na tila kinikilig pa.

"Tao rin naman ako eh. Naiisip ko rin naman yun" ang pag-amin ko. "Pero ayaw kong mag-assume. Ayaw kong mag-expect ng mga bagay-bagay. Ilan kasi yun yung mga rason kung bakit tayo nasasaktan; ang mag-assume ag mag-expect"

"Mahirap ang mag-assume pero mas mahirap ang hindi mag-assume. Alam mo yan" si Zeke. Napatango naman ako. "Deretsahang tanong: may gusto ka na ba kay Luke?"

Sa tanong na yun ay iniwas ko ang tingin ko sa kanila at hindi umimik.

"Meron na nga!" ang natutuwang pagkumpirma ni Thia.

"Uhm, crush ko na siya since nung inalagaan niya ako nung nagkasakit ako" ang pag-amin ko. Napakamot naman ako ng ulo. "Ano ba to? Bigla akong nahiya sa inyo"

Natawa naman sila sa huli kong sinabi.

"Asus, normal lang naman ang magkagusto" si Zeke.

"Pero alam ko namang he's just being friendly" ang dagdag.

"Paano kung hindi?"

"Bahala na" ang huli kong sinabi bago ko sila iniwan at nagsimulang mag-review. Napapabuntong-hininga na lang ako sa mga binabasa ko; lalo na sa mga hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko. Nakakapanibago. Pinilit ko na lang ang sarili kong mag-review. 

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon