Nadatnan ko naman si Zeke sa kuwarto. Natigilan siya sa ginagawa at napatingin sa akin.
"Oh, saan ka natulog kagabi?" ang kaagad niyang tanong.
"Sa elevator" ang tugon ko sabay hubad ng baseball shirt na pinasuot sa akin ni Luke at nagpalit ng iba.
"Tama ba yung narinig ko? Sa elevator ka natulog?" ang paninigurado niya.
"Uhuh" ang pagkumpirma ko. Bago pa niya ako ulanan ng mga tanong ay nagpaliwanag na agad ako.
"Ngayon napapa-isip na talaga ako tungkol diyan kay Luke" ang sabi ni Zeke.
"Tungkol saan?"
"Kasi lahat ng ikwenento mo tungkol sa kanya ngayon ay taliwas sa mga naikwento sa akin ng iba" ang paliwanag niya. "Na nakakatakot siyang tao. Yung tipong walang pakialam at walang sinasanto."
"Ewan ko ba. Hindi naman yun yung nakikita ko. Maliban na lang nung unang pagkakataon na nakita ko siya. He's a nice person... paiba-iba nga lang ng ugali"
"Kinilig naman ako bigla. Hindi ko alam kung bakit" ang sabi niya habang matamis na nakangiti.
"Ha? Oh, bakit naman?" ang nagtataka kong tanong.
"Wala. May naalala lang ako na nakakakilig" ang paliwanag niya.
"Ah, ganun ba?... Sandali lang, lalabas lang ako. Hinihintay ako nung blockmate ko" ang paalam ko bago lumabas. Tinawag ko naman si Terrence at kaagad na pinakilala kay Zeke. Pumwesto kami ni Terrence sa study table ko at sinimulan ang pag-aaral.
"Terrence, salamat talaga at naisipan mong pumunta rito para lang ituro sa akin ang lahat ng mga ito" ang pasasalamat ko sa kalagitnaan ng pagtuturo niya sa akin.
"Hindi naman big deal sa akin to eh" si Terrence. "Narito ako bilang isang nagmamalasakit na kaibigan"
"Asus" ang narinig ko mula kay Zeke. Napatingin ako sa kanya ngunit seryoso lang naman siya sa kanyang ginagawa. Binaling ko agad ang tingin kay Terrence. Nginitian ko naman siya.
"Xean, maiba tayo. Close ba talaga kayo nung si Luke Sanchez?" ang pag-iiba niya ng topic. Natigilan naman ako sa tinanong niya.
"Uhm, hindi ko alam eh, hindi ko masabi. May mga pagkakataon kasi na pinipilit niya lang akong sumama sa kanya."
"Is he bothering you?" ang seryoso niyang tanong.
"Ha? Hindi naman" ang tugon ko. "Walang epekto sa akin ang mga pang-aasar niya"
"Kung ako sa'yo; lalayuan ko na siya"
"Bakit naman?"
"Hindi siya basta-basta. At hindi siya yung tipo ng tao na kinakaibigan. In fact, halos lahat ng mga estudyante sa Saint Anthony ay iwas sa kanya."
"Weird man pero hindi naman ako natatakot sa kanya. At hindi ako makahanap ng isang magandang dahilan para katakutan siya" ang tugon ko. Napapa-iling lang naman siya sa mga sinasabi ko.
"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, hindi mo siya kilala" ang depensa ni Terrence.
"I conclude that you know him so well" ang sabi ko. Natigilan naman siya.
"Hindi" ang tugon ni Terrence.
"Exactly" ang sabi ko.
"You like him, don't you?" ang sunod niyang tanong.
"I don't actually hate him" ang tugon ko naman. Pagkatapos ay pinagpatuloy namin ang pag-aaral. Binabasa ko ang Sonnet 18 ni William Shakespeare nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Kaagad naman kaminh napatinging tatlo; si Ginoong Luke Sanchez.
"Luke! Mabuti naman at napadalaw ka ulit!" ang masayang bati ni Zeke. Mukhang close silang dalawa at daig pa ang mag-bestfriend.
"Nice to see you bro" ang tugon ni Luke sabay tabi sa kanya.
"Oh, anong nangyari diyan sa mukha mo?" ang pag-uusisa ni Zeke. Sinuri ko ang mukha niya; may pasa!
"Wala 'to" si Luke.
"Sandali lang. May medicated patch pa ako" si Zeke. Tumayo naman siya at nagtungo sa lalagyan ng mga gamit niya at naglabas nga ng medicated patch. "Xean"
"Bakit?" ang tugon ko.
"Okay lang naman siguro sa'yo na ilagay iyong patch sa pasa ni Luke" si Zeke.
"Uhm, okay lang" ang pagpayag ko bago tumayo at kinuha ang patch mula kay Zeke. Nakamasid lang naman si Luke sa akin. Hindi ko naman mabasa ang mukha niya. Tumabi na lang ako sa kanya. Hindi pa rin naaalis ang titig niya sa akin. Hindi ko namalayan na nakikipagtitigan na pala ako sa kanya. Natauhan na lang ako nang tumikhim si Terrence. Dahan-dahan ko na namang inilapat ang medicated patch sa pasa niya. Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Ngumiti siya... ngumiti siya at ang amo ngayon ng itsura niya.
"Napano 'yan?" ang tanong ko.
"Uhm, napaaway ako bago pumunta rito" ang tugon niya. "Binuhusan ba naman ang sapatos ko. So stupid. Ayun inupakan ko. Natamaan ako ng minsan"
"Bakit ka pumunta rito" ang tanong ko naman. Bigla namang nawala ang ngiti sa kanyang labi at muli akong nakaramdam ng panlalamig mula sa kanyang mga mata. "Aah... eeh... alam kong napagod ka sa basketball practice mo... concern lang ako."
CLICK.
Bumalik ang ngiti niya.
"Gusto ko lang namang kamustahin ang pakiramdam mo" ang sabi niya.
"Medyo okay na ako" ang panigurado ko sa kanya. "Salamat nga pala ulit sa pag-aalaga mo sa akin kagabi hanggang kabinang umaga sa clinic. Tapos hinatid mo pa ako rito"
"Wala yun" ang mahina niyang tugon sabay iwas ng tingin. "Nagugutom ka na ba? Nagdala ako ng pagkain"
Inabot niya naman ang isang paper bag. Binuksan ko naman yun. Natuwa ako sa aking nakita... Egg bread at cheese roll!!
"Tara. Pagsaluhan natin" ang yaya ko sa kanya. Napatango naman siya. Tinawag ko rin naman si Zeke na kaagad ding lumapit samantalang pinilit ko pa si Terrence. Ramdam ko ang malamig na pakikitungo ni Luke at Terrence. Pinagsaluhan nga namin ang dalang pagkain ni Mr. Kimchi. Pagkatapos ay pinagpatuloy namin ni Terrence ang lessons samantalang nagsimulang magkwentuhan sila Zeke at Luke.
"Okay lang ba na mag-stay ako rito for a while?" ang tanong ni Luke kay Zeke.
"Okay na okay lang, bro!" ang tugon ni Zeke. "Naiintindihan ko naman na may binabantayan ka"
Nagtaka ako sa sinabi ni Zeke. Anonh ibig sabihin niyang sabihin sa salitang binabantayan? Hindi ko na masyadong naririnig ang iba pa nilang pinag-uusapan kaya naman tinuon ko ang aking atensyon sa hawak-hawak kong papel.
"Ang cool ko naman, di ba?" Si Luke kay Zeke.
"Oo naman" ang tugon ni Zeke.
"Mas gwapo naman ako" si Luke.
"Sa tingin ko nga" si Zeke.
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako" ang pagmamaktol ni Luke.
"Ano bang sinabi niya tungkol sa taong gusto niya?" ang tanong ni Zeke.
"Ssshsashsh" ang bulong ni Luke.
"Mas lamang naman ako, bro!" ang malakas na nasabi ni Luke. Sabay naman kaming napatingin ni Terrence sa kanya.
"Sorry" ang casual niya lang sinabi bago nanahimik. Pinag-patuloy naman namin ni Terrence ang ginagawa namin.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...