Kinakabahan ako. Ayoko ng ganitong feeling. Paano ako maglalakad? In character na ba? As in Sheena Mae Olivares na ba? Kung Oo, paano? As in pang Miss Universe???? Wait, eh nakaTraditional dress ako parang in-appropriate. Napapikit ako at napabuntong-hininga. Bahala na!!! Minulat ko ang aking mga mata at binuksan ang pintuan.
"Whoah!" ang reaksyon ng dalawang tao sa tapat ng pinto. "X-xean???"
Sinuri ko ang kanilang mga mukha. Si Kuya PeeJay at Ate Aryan!!! .
"Kuya!!!!" ang bulalas ko na parang batang nagsusumbong. Natawa naman silang dalawa. "Teka, bakit kayo nakaTraditional Korean Costumes???"
Pansin ko rin kasi naka-hanbok sila pero mas parang engrande yung kay Ate Aryan. May similiraties sa suot ko maliban na lang sa mala-bilao niyang ulo na ang daming accesory pa.
"We and the rest of the Seniors support you, Xean. Di ba nga Kuya mo na ako. Isa pa, unfair naman kung yung Sophomores eh may back-up na Freshmen" ang paliwanag ni Kuya PeeJay. Napangiti naman ako. Kahit paano ay nawala ang kaba ko. Nakakatuwa. "Anyways, ang ganda mo"
"Thanks" ang nahihiya kong sinabi. Bagay ni Kuya ang Hanbok na suot niya. "Kuya, kayo ang Queen at King?"
"Oo" ang natawa nilang tugon. "Tara na Princess Sheena Mae Olivares. Pinapasundo ka na"
"Sige" ang nakangiti kong tugon. Mabuti na lang meron sila. Kahit na medyo nag-aalangan ay lumabas ako ng lecture room slash salon. Sumunod ako sa kanila. Dahan-dahan lang ang lakad. Lahat ng Instructors, Professors at non-teaching staff ay nagsilabasan ng kani-kanilang opisina ng mahagip ng kanilang mga mata ang isa sa aming tatlo. Ngunit ang kanilang mga mata ay nakatuon sa akin. Nakakahiya... sana wala namang makakilala sa akin. Nasa kalagitnaan na kami nang may makita akong papasalubong sa amin. Si Luke...
Napahinto ako, pati siya. Nagkatitigan kaming dalawa. Nagkasalubong ang mga kilay niya.
"Have we met before?" ang tanong niya. Napangiti naman ako at hindi sumagot. Hindi niya ako nakikilala. Bahala siya. "You look very familiar"
Napatingin naman ako kay Kuya PeeJay at Ate Aryan. Nagpipigil sila ng tawa. Ako rin naman ay pilit na maging in character... ang katauhan ni Sheena Mae Olivarez.
"Di ba kaibigan ka ni Xean?" ang tanong ni Luke kay Kuya PeeJay.
"Yeah" si Kuya PeeJay.
"Where is he?" ang tanong ni Luke. Nagkibit-balikat na lang si Kuya. "Nevermind"
Napatingin ulit sa akin si Luke.
"No ippuda" ang sabi niya. Hindi ko naman alam ang ibig sabihin kaya tumango lang akonng minsan at ngumiti. Tumalikod naman siya, gayun din naman ako. Hindi ako makapaniwala na hindi niya ako nakilala.
"Tara na" si Ate Aryan. Magsisimula na sana kaming maglakad nang tumunog ang phone sa kamay ko. Napatingin ako sa screen. Si Mr. Kimchi!!!!! Napalingon ako kay Luke. Nakita ko siyang nakapwesto ang phone niya sa kanyang tenga. Napalingon din siya direksyon ko nang marinig ang pagring ng phone ko. Nagtataka siyang napatingin sa akin. Binaba niya ang phone kasabay ng paghinto ng ringtone ko.
Lumapit siya sa akin at napatingin sa hawak kong phone.
"X-xean?" ang pagkumpirma niya. Bakas ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha. Natawa naman ako.
"Ako nga" I mouthed.
"God, you're so beautiful!" ang reaksyon niya. I feel so embarassed kaya napatingin na lang ako sa baba. Kaagad niya namang kinuha ang kamay ko at hinila paloob sa isang lecture room. He placed me in between the door and him.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...