Nagising ako nang maaga. Tulog pa rin ang dalawa. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman bumangon na ako at bumaba patungo sa kusina nila. Kuuha ako ng tubig mula sa ref. natigilan ako nang may Makita sa counter. Kinuha ko naman yun out of curiosity. Wedding invitation. Dahan-dahan ko naman yung binuksan. Natigilan ako sa aking nakita. Nanlumo ako at para akong binagsakan ng langit at lupa. Nanghin ang mga tuhod ko kaya naman mas napa-inom aako ng tubig. Nanginginig akong uminom ng tubig. Hindi ko maintindihan. Lahat pala ng mga nangyari ay isa alang ilusyon... isang pangarap. Bumalik ako sa taas. Naka-up na si Luke sa kama; wala naman na si Brent.
"Hanggang kelan mo balak hindi sabihin?" ang tanong ko sa kanya.
"Ang alin?" ang naguguluhan naman niyang tanong.
"Ito?" ang tugon ko sabay hagis ng wedding invitation sa kanya. Napatingin siya run. He looked at me. His lips are trembling... "Luke, ikakasal ka na... hindi sa akin... kundi sa kung sino mang yang nasa card."
"Pillow, hindi ko to gusto" ang paliwanag niya. "Si dad, gusto niya akong ipakasal sa anak ng isa sa mga business tycoon sa Korea."
"Alam mo naman pala eh" ang tugon ko. "Hindi mo na sana hinayyang mahulog ako sayo. Hindi mo na sana hinayaang humantong sa ganito kalalim ang relasyon natin"
Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Ang sakit-sakit... yung parang biglang may pumalo sa ulo ko at wala akong magawa.
"Kasi mahal na mahal na kita eh!" ang tugon niya. "I don't want to lose you"
"Pero wala ka nang magagawa tungkol dito, di ba?" ang tanong ko. Hindi siya sumagot. "Your silence means yes"
Natigilan naman kami nang may kumatok sa pintuan.
"Yah, Seo Joon-na" ang pagtawag ng malalim na boses. Kaagada kong alam na ang Dad ni Luke yun"
"We-yo?" ang tugon naman ni Luke na ang pagkaka-alala ko ang ibig sabihin ay "Bakit?"
Tumayo si Luke at binuksan ang pinto. Nagsimula silang mag-usap.
"Ani-yo! Shiro!!" si Luke. Pansin naman sa boses nila ang pag-aargumento. "Nanuen guen yeo wi shirohe"
Muling may sinabi si Mr. Tak sa kanya. "Xean"
Kaagad naman akong nagpunas ng mga mata bago lumingon at bumati ng magandang umaga sabay bow. "Please, tell to your friend that his fiancée is waiting for him downstairs"
Hindi ako naka-imik. Para akong nabato. Parang gusto ko ulit umiyak dahil sa sakit pero kailangan kong magpigil. Tumango na lang ako. Nang umalis si Mr. Tak ay kinuha ko na ang bag ko sa mesa at nagsuot ng sapatos.
"Narinig mo naman ang sinabi" ang pagsisimula ko. "Hinihintay ka na ng mapapangasawa mo"
Madalian naman akong lumabas ng kuwarto niya pababa ng hagdan hanggang napadaan ako sa malaking living room na nagsisilbing receiving area nila.
"Xean!" ang pagtawag ni Mr. Tak. "Please, come here"
Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.
"I want you to meet Luke's fiancée" ang sabi niya. "This is Cynthia"
"Hi. My name is Kim Seo Min. Please, just call me Cynthia" ang pagpapakilala ng isang magandang Koreana. Lutang ang British accent niya. Nakaka-insecure ang postura niya. Mayaman na mayaman ang dating. Napag-alaman ko na anak siya ng isa sa mga top leading cosmetics company sa South Korea. Mataas ang pinag-aralan...
"My son and Seo Min makes a good couple, right?"
"Where's Seo Joon?" ang tanong niya s akin.
"In his room" ang tugon ko. "I need to go. I'm sorry"
Sabay labas ko na ang bahay. Muling tumulo ang mga luha ko habang naglalakad palabas ng village nila. Dumeretso naman ako ng boarding house at doon na nagmukmok. Ring ng ring ang phone ko.
"Sagutin mo naman" si Zeke na hindi pa lama ang mga nangyari. Nanghihina pa ako para makapag-kwento. Kinabukasan, kahit na wala pa rin ako sa aking sarili ay pumasok ako. Gusto ko sanang tuluyan na siyang iwasan dahil alam ko namang masasaktan lang ako lalo.
"We heard the news, Xean. Sorry to hear that" si Princess. Alam ko namang ang pagpapakasal ni Luke ang tinutukoy nila. "Paano na kayo niyan?"
"Wala... wala nang kami" ang sabi ko. Napabuntong-hininga naman sila. Nasasayangan din siguro sa mga naganap. Ilang araw akong nagmumukmok sa kama ko. O sa kung saan man... tuluyan ko nang iniwasan si Luke kahit na napajka-eager niyang kausapin ako. Hindi na siya hinayaang pumasok ng boarding house dahil sa mga komplikadong sitwasyon. Isa ang landlady naming sa mga tumutol na makipag-usap pa ako sa kanya smantalang si Thia ay sobra ang pangungumbinsi sa akin na harapin ko siya. Pero ano pa ba ang dapat naming pag-usapan? Wala naman na, hindi ba? Dahil tapos na ang kwento sa pagitan naming dalawa.
Isang araw, patapos na ang huli kong subject nang maka-receive ako ng isang text.
"Mr. Xean Olivar, are you free this 5pm onwards? I need to speak with you" ang text ng Dean ng School of Literature sa Richmond University; ang dati kong pianapasukan bago ako nag-transfer ng Saint Anthony.
"Yes, sir. I can come today" ang tugon ko naman. Pagkatapos ng klase ay dumeretso ako ng Richmond University. Sinariwa ko ang mga ala-ala ko nang dun pa lang ako nag-aaral. Dumeretso ako sa office ng dean.
"Glad you can come" ang sabi niya. Ngumiti naman ako. "How are you? What are you up to, nowadays?"
"I'm studying the same course in Saint Anthony, sir" ang balita ko naman.
"Dederetsuhin na kita, Mr. Olivar." Ang sabi niya na ikinagulat ko. Bigla kasi siyang nagtagalog. "May nahanap na ako na scholarship para sa'yo. And base from your records eh gusto ka nilang tanggapin.
"Anong scholarship po?" ang tanong ko naman.
"UCLA" ang tugon naman niya.
"Saan po yun?"
"University of California, Los Angeles" ang tugon naman niya.
"Los Angeles?" ang tanong ko."As in Los Angeles, Pampanga?"
"Los Angeles, California... in US Mr. Olivar" ang pagtatama niya. "I'll give you time to decide"
"It's okay, Sir. I accept" ang kaagad kong sinabi. Wala naman akong rason para hindi pumunta.
"That's great!" ang reaksyon ni Sir. "I would have to inform the University and I'll just send you information about what will happen next"
"Thank you, Sir" ang pasasalamat ko bago umalis ng Richmond. Ilang araw pa nga ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.hindi ko kayang dayain ang sarili ko, miss na miss ko na si Luke. Kung iisipin ko naman kasi, wala ako sa kalingkingan nung mapapangsawa niya. Tama lang siguro na sila ang magkatuluyan... pero on that thought alone, it kills me. I wish kami na lang ni Luke. I had planned the rest of my life being with him pero biglaang naglaho ang mga yun. Naniwala ako sa bagay na wala naman palang hahatungan. Kinagabihan ng araw nay un ay pinaalam ko na kay Mama ang mga plano ko na kaagad naman niyang sinuportahan. Nagpaalam na rin ako sa landlady ko pero hindi ko pa rin sinasabi sa mga kaibigan ko at boardmates ko. Kinabukasan, habang kumakain ay biglang napayakap si Thia sa akin habang nag-aalmusal ako.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...