Chapter Fifty: Tito Mallows

15.3K 401 26
                                    

"Pillow" ang pagtawag niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. "Upo muna tayo sa bench. Napagod ako"

"Ha? Napagod saan?" ang tanong ko.

"Sa kaiisip sa'yo" ang banat niya. "Pero seryoso. Nahirapan din akong upakan yung mga nangidnap sa'yo"

"Maupo na muna tayo" ang bilin ko habang papunta kami sa bench. Pero hindi muna siya na-upo bagkus ay dumeretso siya sa isang food stall at bumili ng makakain at maiinom. Pagkabalik ay inabot niya sa akin yun.

"Hindi naman ako gutom" ang komento ko habang nakatitig sa munchins na binili niya.

"Ako gutom" ang sabi niya. Inaabot ko sa kanya ang paper bag pero umiwas siya. "Pillow, pagod ako. Ang sakit ng biceps ko"

Sabay pakita niya ng biceps niya at pa-cute sa akin. Hindi ko makuha ang gusto niya. Napakunot na lang ako ng noo.

"Ganun ba?" ang tanging reaksyon ko.

"Subuan mo ako, pillow" si Luke. "Please, prize ko na lang sa pagliligtas sayo"

HUUUH??? On the first place, hindi naman dapat ako makikidnap kung hindi dahil sa kanya pero pumayag na lang ako. Sinusubuan ko nga siya. Medyo iwas ang tingin ko sa kanya, ang lagkit kasi ng mga tingin niya sa akin habang sinusubuan ko siya. Napamasid na lang ako sandali sa Merry-go-round sa harap namin at pinagmasdan ang mga batang tuwang-tuwang nakasakay sa mga kabayo. Hindi ko matandaan kung nakasakay na ako sa ganyan. Asan nga ba ako nung kabataan ko? Ewan, hindi ko maalala. Hindi na yun importante. Ayokong mabuhay sa nakaraan. Lahat ng bagay na lumipas ay binabaon ko sa limot. Hindi ako makulay na tao. Hindi ako masayahin. Ayoko sa mga bagay na masaya, baka masanay ako. Napatingin ako kay Luke na nakamasid pala sa akin.

"O, bakit bigla kang natahimik?" ang tanong niya sa akin.

"Wala lang" ang tugon ko sabay ngiti. "Luke"

"Uhuh"

"Pwede bang wag mo akong sanayin sa ganito" ang paki-usap ko. Bigla namang nag-iba ang mukha niya. Sumeryoso.

"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong niya.

"Hindi mo naman maiintindihan" ang tahimik kong sinabi. Sabay tingin sa kamay kong nakapatong sa tuhod ko.

"Pwes, ipaintindi mo sa akin" ang sabi niya pero hindi ko magawang magsalita. Hindi pwede. Hindi naman kasi importante ang mga nararamdaman ko.

"Hindi na. Hindi naman kasi importante" ang sabi ko.

"Sa akin oo. Mahalaga ka sa akin eh" ang bigla biyang sinabi. Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niya. "Now, tell me"

"Natatakot ako sa mga masasayang bagay" ang sabi ko. "Natatakot ako sa mga bagay o taong nagpapasaya sa akin"

"Bakit naman pillow?" ang malungkot niyang tanong.

"Kasi sa bandang huli, masasaktan din naman ako. Maiiwan din naman akong mag-isa" ang tugon ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Tahimik lang naman kami hanggang sa magbuntong-hininga siya.

"Alam mo ba kung aning balak ko?" ang tanong niya. Napailing naman ako. "Kung sakali, last na to"

"Last na alin?"

"Last na.... ikaw lang.. ikaw na lang ang mamahalin ko" ang sinabi niya. Inakbayan niya ako. "Wag mo akong iiwan,ha? Kasi ako hindi."

"Kelan ka nagkagusto sa akin? Paano?" ang tanong ko.

"Kailangan ko ba talagang sagutin yan? Kailangan ba talagang may proseso? May dahilan?" ang mga tanong niya. "I just did. Ganun lang naman kasimple. Seryoso ako sa'yo Pillow"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla na lang siyang tumayo at hinatak ako.

"Saan tayo pupunta?" ang tanong ko.

"I want you to know me. Seryoso ako sayo kaya naman gagawin ko to." ang sabi niya. "Pero sana pagkatapos ng gabing to. Ikaw pa rin ang pillow ko at ako ang blanket mo"

Sumakay kami sa kotse niya. Nagsimula kaming bumyahe. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero kinakabahan ako. Anong ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya?

"After nito, nasa sayo na kung lalayuan mo na ako" ang bigla niyang pagbasag sa katahimikang kanina pang bumabalot sa aming dalawa.

"Ano ba yun?" ang tanong ko pero isang ngiti lang ang kanyang tugon. Pumasok siya sa isang village. Napatingin ako sa mga bahay sa paligid. Malalaki at magagara. Halatang mga nakaka-angat sa buhay ang may mga ari. Bumisina siya sa harap ng isang bahay. Bumukas naman ang gate at nagdrive siya pa-loob.

"Luke, nasaan tayo?" ang kinakabahan kong tanong.

"Sa bahay namin" ang tugon niya. "Tara na sa loob"

Bumaba naman siya, sumunod ako. Hindi ko alam kung anong binabalak niya pero bahala na lang. Dumeretso kami sa second floor ng bahay nila. Pumasok kami sa isang kuwarto. Ramdam ko ang pagkatense sa mga galaw niya.

"Ano bang gusto mong mangyari?" ang curious kong tanong.

"Handa ka na bang maging Mommy?" ang tanong niya.

"HA?????" ang reaksyon ko.

"Sandali lang, hahanapin ko lang yun" ang sabi niya.

"Huh? Hui! Yung alin?" ang natataranta kong tanong.

"Basta" ang simple niyang tugon bago ako iniwan at lumabas ng kuwarto.

"Luke!" ang pagtawag ko sa kanya pero hindi niya ako narinig. Binaling ko na lang ang tingin ko sa paligid. Kuwarto niya nga. Halata naman sa gamit na naroon. Napatingi ako sa study table. Mga accountancy books at kung anu-ano pa. Katumbas nun ang Oxford at Cambridge reference books ko sa boarding house. Natigilan ako nang may makita. Ang notebook kong matagal ko nang hinahanap. Siya pala ang kumuha!!! Kinuha ko naman agad yun. Kumuha ako ng manga ng Fairytail sa magazine rack niya at sinimulan ang magbasa. Ang tagal niya. Peste.

Natigilan ako nang may maalala.

"Handa ka na bang maging Mommy?" ang tanong niya. Ito ang parang sirang plakang tumutugtog sa isip ko. Napapalunok naman ako. Hindi pa ako ready 

Kailangan niya muna akong pakasalan. Pwede ba! Virgin pa ako. Kinuha ko na lang ang pack ng marshmallows sa table at binuksan naupo ako sa kama at sinimulang kumain.

Nabato ako nang may maramdamang kung ano mang gumagalaw sa aking balikat. Mag-isa ko lang di ba?

"Mallows" ang narinig kong bulong ng parang boses ng bata. "Penge"

"Wala akong naririnig, wala akong naririnig" ang bulong ko sa aking sarili.

"Mallows" ang narinig kong bulong ulit ng parang boses ng bata. "Penge"

"Sayo na... sayo na" ang sabi ko sabay lapag ng mallows sa kama. Kaagad naman akong tumayo para lumabas ng kuwarto pero natigilan ako ng may lumabas sa pagiyan ng mga malalaking unan sa kama. Isang bata...

"Mallows!" ang pabulong niya pa ring sinabi na parang may tinataguang tao. Gumapang siya patungo sa gilid ng kama at kinuha ang pack of mallows. Sa unang tingin ay kilala ko na siya at kung sino siya sa buhay ni Luke. Napangiti na lang ako at pinagmasdan ang bata. Napatingin siya sa akin at magiliw na ngumiti.

"Thank you, Tito Mallows" ang sabi niya sa akin.

"You're welcome, little boy" ang tugon ko. Muli naman siyang nagtago sa pagitan ng mga unan sabay pasok ni Luke sa kuwarto. Naintindihan ko na ang lahat.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon