(Now Playing: Birthday by Katy Perry)
♪♪Boy, when you're with me
I'll give you a taste
Make it like your birthday everyday
I know you like it sweet
So you can have your cake
Give you something good to celebrate
So make a wish
I'll make it like your birthday everyday
I'll be your gift
Give you something good to celebrate♪♪
"Uhmmm" ang ungol ko nang marinig ang maagang pag-coconcert ni Katy Perry sa kuwarto namin ni Zeke. Inabot ko ang phone ko at kaagad pinatay ang alarm. Wala sa sarili naman akong napaupo sa kama. Enrollment ngayon para sa first sem ng pagiging Third Year student ko. Kailangan kong maging maaga para maaga rin akong maka-uwi. Hinanda ko na ang requirements ko kagabi pa lang para maiwasan ang may makalimutan. Hassle lang kung pabalik-balik lang ako. Napakamot ako ng ulo at ng mga mata. Nakakatamad.
Haaaay. Gusto ko pang matulog. Bumaba na lang ako ng kama para maghanda ng almusal. Mabilisan akong dumaan sa malapit na paniderya at tumingin ng tinapay. Natigilan ako ng may makita. Cheese bread... bigla akong nalungkot nang maalala siya.
*Flashback*
Pagkarating namin ng Saint Anthony kagagaling ng Teambuilding event ay dumaan muna ako ng convenience store at bumili ng isa sa mga epektibong pantanggal ng lungkot ko; isang tub ng ice cream. Pagkarating na pagkarating ko ng boarding house ay dumeretso agad ako ng kuwarto at sinimulang kainin ang ice cream.
"Oh, may depressed dito,ah!" ang komento ni Zeke pagkapasok niya ng kuwarto. Halatang kagagaling din sa mahaba-habang byahe.."Ito naman, umuwi lang ako, namiss mo agad ako"
"Sira" ang tugon kon sabay pilit na ngumiti sa pangangalaska niya. "Halika na nga rito at kumain ka na rin"
"Sige, hindi ako tatanggi sa Rocky road!" ang masaya niyang tugon sabay lapit at pagtabi sa akin. Kinuha niya ang isa pang plastic spoon at kumuha ng ice cream.
"Anong nangyari?".ang seryoso niyang tanong.
"Wala naman" ang tugon ko.
"Kilala na kita eh. Sa tuwing depressed ka eh, kumakain ka nito" si Zeke.
"Normal lang naman kumain ng ice cream" ang sabi ko habang nakatitig sa kawalan.
"Normal pero hindi ganito karami sa isang upuan lang" ang tugon naman niya. "At tsaka yang mukha mo, daig mo pa ang namatayan"
"Bakit ganun?" ang pagsisimula ko. "Sinubukan ko namang lumayo at umiwas. Pero hindi ko namalayan, may gusto na pala ako sa kanya"
"Uhmm, si Mr. Kimchi mo ba ang tinutukoy mo?" ang tanong naman niya. Napatango na lang ako.
"Akala ko iba siya. Yun pala, wala siyang pinagkaiba ng mga taong mapaglaro"
"Ano bang nangyari?" ang tanong niya. Kaagad naman ako nagkwento sa pagitan ng pagsubo ko ng kutsara na may ice cream. Napapakamot naman siya ng ulo.
"Tanga ka na medyo manhid tapos siya mababaw na mabagal sa diskarte" ang komento naman ni Zeke. "Wala talagang mangyayari sa inyo"
"Anong ibig mong sabihin?" ang nagtataka kong tanong. Hindi ko naman kasi naintindihan.
"Aaah, ang ibig kong sabihin.." sabay tikhim niya. "Misunderstanding lang yan. Nagkainitan lang kayo ng ulo. Lilipas din yan, magkakabati rin kayo"
"Hindi na. Okay na na ganito ang sitwasyon" ang sabi ko. Ayaw kong mas lumalim pa kung anong nararamdaman ko para kay Luke. Napabuntong-hininga naman si Zeke na parang dismayado.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...