Chapter Eighty-one: Fearless

8.3K 277 14
                                    

Pinagpatuloy nga namin ang pamimili na palaging pagtatalo sa bawat produkto ang ending. Mukhang hindi kami magkakasundo sa ganitong aspeto.

"Jakenpoy" ang sabi ko. "Sa tuwing hindi tayo magkakasundo, magjakenpoy na lang tayo para walang maraming argumento. "

"Fine" ang pagpayag naman niya.

"Ang pangit ng panlasa mo!"ang pang-aasar niya pa.

"Pangit ang taste ko?" ang tanong ko naman sa kanya. "Kaya pala naging boyfriend kita."

Natigilan naman siya sa sinabi ko at napatingin sa akin. Pero nagpatuloy lang ako.

"Hoy, anong ibig mong sabihin?"ang tanong naman niya.

"Wala." ang tugon ko naman.

"Suplada" ang sabi naman niya. Nag-make face naman ako. Bigla na lang niyang pinisil ang pwet ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Ano ba?" ang nanggigigil kong reaksyon. "Baka may makakita!"

Tumawa naman siya.

"Hay naku! Ewan ko sayo!"ang sabi ko sabay tulak ng cart.

Muli na namang may pumisil sa parteng yun ng katawan ko sabay may bulong sa akin ng... "Hustler kaya to"

Sabay tawa na naman niya.

"Peste!" ang sabi ko sabay tingin sa likod ko kung may tao. Wala naman pero nakakainis pa rin siya. Ang lakas mang-inis ng lalakeng to. Dumeretso naman kami sa cashier at binayaran ang mga kinuha namin. Naghati kami sa mga bubuhatin. At dahil mapilit siya, mas marami yung sa kanya.

"Bumalik na tayo" ang yaya ko naman. Tumango naman siya. Kaagad naman akong pumara ng taxi na sinakyan namin. Tahimik lang kami sa taxi.

"Pillow" si Luke.

"Bakit blanket?"

"Wag mo na lang intindihin yung mga yun" ang payo niya. "Ang isipin mo na lang, andito ako, si Mama at si Brent"

"Salamat" ang tugon ko naman sabay ngiti. Hindi nga nagtagal ay nakarating naman kami sa memorial chapel. Hindi namin inaasahan ang madadatnan namin. Nagsusumbatan si Mama at ang Tita kong si Cruela Devil.

"Pwede bang itigil niyo na yang pag-eeskandalo niyo?" ang sumbat ko sa kanila. "Hindi na kayo nahiya"

"Ano bang pinagmamalaki mo?" ang tanong niya sa akin. "Nakapag-aral ka lang ng kolehiyo, ang taas mo na!"

Eh? Napakunot naman ako ng noo.

"Hindi ako papatol" ang mahinahon kong sinabi bago tumalikod. Wala akong gana at oras makipagtalo sa mga asal-kanto.

"Akala mo naman kung sinong matalino" ang komento ng mahadera kong pinsan. Natigilan naman ako sa narinig ko. Pumintig talaga ang mga tenga ko.

"P-pillow" si Luke sabay hawak sa balikat ko. Pero huli na para dun. Humarap ako sa kanya.

"Hiyang-hiya naman ako sa pinagmamalaki mong katalinuhan mo" ang pagsisimula ko. "Sino nga pala gumagawa ng projects mo? Sino gumagawa ng homework mo sa English, sa Science at sa History.. Ay, sino nga rin pala yung gumagawa ng art projects mo? Sino?!"

Hindi siya naka-imik.

"Pillow, tama na" si Luke.

"Hindi ka nakasagot!" ang pagpapatuloy ko. "Napatameme ka riyan? O sige. Ako na ang sasagot para sayo. AKO.... AKO... AKO... AT LALO NA AKONG AKO! Kaya bago mo questionin ang kapasidad ng utak ko, subukan mo munang i-check kung may laman yang sayo!!"

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon