Chapter Seventy-five: Home

9.3K 288 29
                                    

"Tara na" ang yaya ko. Napangiti naman si Lule at binuhat si Brent. "Uuwi na rin ako"

"Ha?" ang reaksyon naman ni Luke.

"Kailangan ko nang bumalik ng boarding house. "Official first day of class na sa Lunes"

"And?" ang tanong naman niya.

"Kailangan kong maghanda" ang tugon ko naman.

"Ihahatid na kita"

"Hindi na" ang pagtanggi ko naman. "Maglalakad na lang ako palabas ng village niyo tapos mag-cocommute."

"Ayoko maglakad ka"

"Malapit lang naman"

"Kahit na"

"Hay naku. Basta, bye na" ang paalam ko.

"Kiss ko muna" ang sabi  niya. Lumapit naman ako para halikan siya. "I love you"

"I love you too" ang tugon ko.

"Ingat ka" ang sabi niya.  Nag-heart sign naman ako bago tuluyang naglakad palayo. Habang naglalakad ay nag-ring ang phone ko. Napatingin ako sa screen. Unknown number.

"Hello" ang bati ko nang sagutin ang tawag.

"Hoy, Debdeb" ang pagtawag sa akin ng pamilyar na boses sa aking pambatang palayaw. Kaagad naman akong kinalibutan at napalunok. "Nasa boarding house  mo ako"

"Ha? Anong ginagawa mo diyan? Eh, di ba—"

"Umuwi ka na" ang utos ng boses sa kabilang linya bago niya tinapos ang tawag. Napabuntong-hininga naman ako at binilisan ang lakad palabas ng village. Kaagad naman akong sumakay ng jeep nang may napadaan. Tanaw ko na ang boarding house. Umakyat naman ako at kaagad nagtungo ng kuwarto.

"Anong ginagawa mo rito?" ang gulat kong tanong nang nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Hindi mo ba ako namiss?" ang tanong niya.

"Eh, bakit biglaan ka kasing umuwi!" ang paliwanag ko naman. "Wala pang pasabi"

Tumayo naman siya at yinakap ako.

"Ma naman!!" ang pagpumiglas ko. "Nakakahiya! Ang tanda ko na!"

Napatingin naman ako kay Zeke na nakamasid lang naman sa amin.

"Asus, para linalambing lang kita"

"Bakit ba biglaan ang uwi mo?"

"Bakit parang di ka natutuwang makita ako?" ang seryoso niyang tanong.

"Aah... eeeh... hindi naman sa ganun" ang tugon ko.

"Kailangan nating umuwi sa probinsya" ang balita ni Mama.

"Pero simula na ng klase bukas tsaka Ma, may commitments ako" ang sabi ko.

"Hindi ba pwedeng sa ibang araw na yang mga gagawin mo?" ang tanong ni mama. "Wala na ang lola mo"

"H-ha?" ang gulat kong reaksyon. Natulala ako at hindi nakapagsalita o nakagalaw man lang sa aking narinig. Napayakap ako kay Mama at nagsimulang lumuha. Hindi kami close ng lola ko pero ang malaman na wala na siya ay masakit.

"Kailangan nating umuwi bukas. Isa pa, hindi lang yun ang isa nating problema" ang sabi ni Mama. "Papunta na rin dun ang mg kampon ng kadiliman."

Napatango naman ako.

"Magpapaalam muna ako sa Saint Anthony bukas" ang sabi ko.

"Sige. Pupunta na muna ako sa iba pa nating kamag-anak para malaman nila bago tayo umuwi." Napatango naman ako.

"Pupunta na lang ako bukas ng hapon. Maghanda ka na ng mga gamit mo" ang bilin ni mama. Tumango naman ako bago siya umalis.

"Blanket, uuwi ako ng probinsya bukas" ang text ko kaagad kay Luke.

"Bakit?" ang reply niya.

"Umuwi si Mama" ang matipid kong text.

"Pa-hi kay Mother-in-law, ha?" ang text niya pabalik. Napangiti naman ako sa nabasa.

"I will" ang reply ko.

"Ingat ka,ha? i love you.

"I love you too"

Kinabukasan ay nagtungo ako sa Saint Anthony para magpaalam kay Sir Tak na hindi ako makakapasok at makakapunta sa library ng ilang araw para turuan si Luke.

Nang makarating sa opisina ay nagpunta muna ako sa table ng sekretarya niya.

"Good morning Ma'am" ang bati ko.

"Good morning Mr. Olivar. How can I help you?" ang bati pabalik ng sekretarya.

"Uhm, is Mr. Tak Ho Sung in his office right now?" ang tanong ko maman.

"He is" ang kaagad naman niyang tanong.

"Is it possible for me to talk to him right now?" ang tanong ko.

"Wait, let me call him first" ang sabi niya sabay kuha ng telepono at dial. Hindi nga nagtagal ay nagring ang telepono sa opisina ni Mr. Tak. Huminto yun kasabay ng pagbati ng sekretarya ng "Hello"

Madalian naman silang nag-usap. Napatingin sa akin ang sekretarya nanv pagkababa niya ng telepono.

"He said that you can talk to him." ang balita niya.

"Thank you" ang pasasalamat ko naman.. pumasok naman ako ng opisina ni Mr. Tak.

Sinalibong naman niya ako.

"Good morning!" ang bati niya sa akin sabay bow.

"Good morning sir" ang bati ko rin naman sa kanya sabay bow din.

"Please, have a seat" ang bilin niya. Umupo naman ako sa sofa. Naupo din siya sa sofa sa harap ko.

"What do you want to talk about?" ang tanong niya agad. "Is this about my hard-headed son again?"

"No, sir. I just want to to tell you that I can attend my classes and the tutorial class these next three to four days" ang balita ko.

"Why?" ang tanong niya. Dama ko ang pinaghalong pagtataka at pagkagulat sa kanyang boses.

"My grandmother has died" ang tugon ko. Natahimik kaming dalawa ng ilang sandali.

"I'm so sorry for your lost" ang pagbasag niya sa katahimikan. "My condolences"

"Thank you" ang pasasalamat ko.

"I understand why you have to be absent" si Mr. Tak.

"Thank you, Sir" ang pasasalamat ko. Napatayo naman ako. "I have to go now"

"Take care" ang bilin niya.

"I will, Sir' ang huli komg sinabi bago lumabas ng opisina. Bumalik ako ng boarding house at nag-ayos ng mga gamit. Sa huling pagkakataon ay makikita ko ang aking lola at sa muling pagkakataon ay makikita ko na naman ang mga kampon ng kadiliman. Nakakapang-init ng ulo. Pero kailangan namin silang harapin.

Hindi nagtagal ay dumating si Mama sa boarding house.

"Tara na" si Mama. Sumunod naman ako. Bago kami lumarga ay nagpaalam muna ako sa mga boardmate ko. Tinext ko si Luke na paalis na ako. Gusto niya akong ihatid pero tumanggi na ako. Ayoko  na siyang abalahin pa at isa pa, hindi alam ni Mama ang pagkatao ko kaya hindi ko pa siya mapapakilala. Natatakot pa ako eh. Pero alam ko naman na one of these days ay kailangan kong mag-open ng sarili sa kanya.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon