"Thank you" ang bigla niyang pasasalamat sa akin.
"Para saan?" ang tanong ko naman.
"For last night" ang tugon niya sabay ngiti. Ngumiti naman ako pabalik at tumango. Ninakawan niya ako ng halik bago niya ako yakapin ng mas mahigpit.
Nakatingin lang kami sa isa't-isa ng may kumakatok sa pintuan.
"Dada! Dada!" ang pagtawag ng maliit na boses sa kabila.
"Yes, little boy?" ang tanong naman ni Luke bago bumaba ng kama at pinagbuksan siya ng pinto. Kaagad naman siyang pumasok.
"Dada, let's go to the park" ang paki-usap ng bata.
"Tito Mallows!!" ang excited niyang pagtawag sa akin sabay lapit at yakap. "Let's go to the park!"
"Baby, we can't" si Luke.
"Why?" ang biglang pagsimangot ng bata at tupi ng mga kamay.
"Dada is sick" ang tugon ko naman. Napatingin siya sa akin, waring sinusuri ang mukha ko kung may bahid ng pagsisinungaling.
"Yes, I'm sick" ang pagkumpirma ni Luke.
"But I wanna go to the park and play" ang mahinang sinabi ni Baby Brent.
"We can play here" ang suhestyon ko naman. Mukhang lumiwanag naman ang mukha ng bata. "We can play here and take care of your Dada"
"Take care of Dada, please" ang paki-usap naman ni Luke sa anak niya.
"I will, Dada" ang tugon naman ni Baby Brent sabay lapit kay Luke at halik sa kanyang Dada.
Yinaya ko naman si Brent magpunta ng kusina para lutuan si Luke ng makakain at ng makakain na rin naming dalawa.
"What are we going to cook?" ang tanong ni Brent. Teka ano nga bang lulutuin ko. Lugaw... Lugaw... wait, ano bang English ng lugaw? Baka kasi hindi ako maintindihan ng bata pag nagTagalog ako. Hindi ba siya tinuturuan magTagalog ni Luke?
"Porridge" ang tugon ko naman.
"Like in the story?" ang tanong naman niya.
"What story?" ang tanong ko pabalik.
"Goldilocks and the Three bears" ang tugon niya. "Dada is papa bear, I'm Baby bear. Tito mallows, can you be mama bear?"
Natawa naman ako sa tanong niya.
"If that's what you want baby bear" ang pagsakay ko naman.
"Yeeey!" ang reaksyon naman niya.
"Does your Dada ever teach you Tagalog?" ang tanong ko.
"He does but it's too hard!" ang tugon niya. Malapit na akong ma-nose bleed sa batang to.
"What do you want to eat?" ang tanong ko sa kanya.
"Koko Crunch!" ang tugon naman niya. Hinanda ko naman yun at pinanood siyang kumain. Nagtimpla naman ako ng kape at kumain ng nakita kong tinapay. Nakakatuwa siyang panoorin, parang batang version lang talaga ni Luke. Nang makakain na kami at maluto ang lugaw ay bumalik kami sa kuwarto.
"Pillow, subuan mo ako" si Luke.
"May sakit ka, hindi ka lumpo" ang tugon ko naman.
"Nasa harap mo si Baby Brent, wag mo naman ipakita sa kanya ang pagiging masama mong asawa" ang komento niya. Hindi ko alam kung maiinsulto ako o kikiligin dun. Ewan ko ba. Kinuha ko na lang ang kutsara mula sa kamay niya at sinimulan siyang subuan. Curious lang na pinapanood kami ni Baby brent.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...