Chapter Nineteen: Maldit♥

20.1K 451 11
                                    

(Luke "The Gangster" slash "The Player" slash "The Heart Breaker" slash "The Jock" Sanchez' aka Mr. Kimchi as of the moment POV)

Two rejections agad. Una, ang alok kong subuan siya. At pangalawa, ang intensyon kong bantayan siya sa clinic. Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. May mga pagkakataong dumidistansya siya; nagsusungit at nagmamaldito. And then, there are times that he's reachable. Natuwa talaga ako nang sumakay siya sa pick-up lines ko kanina. Hearing him laugh makes me feel good. Hindi ko alam kung bakit pero gumagaan talaga ang pakiramdam ko sa tuwing nakangiti o tumatawa siya. Bukod dun ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Why am I so drawn to him? Ang weird niya kaya. Weird that it really appeals to me. Kaya nga siguro lagi akong naghahanap ng reason para mapalapit sa kanya. Napapailing na lang ako sa naiisip ko. Nature ko naman talaga ang mang-inis ng tao. I don't know but he brings the goodness in me. Pinapalabas niya ang soft side ko; ang bahagi ng aking pagkatao na pinipilit kong itago. Maybe, I will.. but only with him, only for him.

"Mr. Kimchi!" ang bigla niyang pagtawag bago ako tuluyang makalabas ng clinic. Natigilan naman ako at napatingin sa direksyon niya. Mr. Kimchi, hindi ko malaman kung saan niya nakuha yun o paano niya naisip na tawagin ako sa ganun. Siguro nga dahil sa dugong banyaga na dumadaloy sa akin. Ngunit bakit Kimchi?? Maanghang na maasim. Weird...

"Yeah?" ang simple kong reaksyon nang iwaksi ko kaagad ang mga ideyang bumalot sa aking kaisipan.

"Thank you" ang pasasalamat niya. Bakas sa kanyang mga mata ang hiya. Iniwas naman niya ang kanyang tingin at napayuko. Napa-iling naman ako habang nangiti. Lumapit ako sa kanya at marahang pinatong ang aking kamay sa ulo niya. Kaagad naman siyang napatingin. I smiled more.

"Anytime" ang sinabi ko bago tulayang umalis at lumabas ng clinic. Baka madala pa ako sa eksena.

Kasalukuyan naman akong naglalakad sa campus. Nasanay naman na ako sa pagtingin sa akin ng ilang estudyante. Awkward nga lang ngayon kasi suot ko ang basketball uniform ko.

The hell I care.

Malapit na ako sa kotse ko nang may tumawag sa akin. Natigilan naman ako at napatingin. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko kung sino.

[MALDITO LOOK ON]

"Sorry sa abala" ang pagsisimula niya. "Magtatanong lang ako"

"What?" ang walang interes kong tanong.

"Itatanong ko lang kung nakita mo si Xean" ang tugon niya.

"And you are?" ang sunod kong tanong.

"Terrence nga pala" ang nakangiti niyang pagpapakilala.

"Okay" ang tanging reaksyon ko. "Bakit sa akin mo hinahanap si Xean?"

"Hindi kasi siya umuwi sa boarding house kahapon. Ang sabi ni MJ nasa roof top kahapon para i-meet ka" ang paliwanag naman niya. What's with this guy?? Bakit hindi ako kumportable sa kanya at bakit naiinis ako sa pagmukukha nito.

"Nagmeet nga kami kahapon" ang pag-amin ko. "But after that, naghiwalay na kami. So, wala akong alam kung nasaan siya."

"Ganun ba?" ang dismayado niyang reaksyon. "Sobra kasi akong nag-aalala"

Sino ka ba sa buhay niya at ganyan ka maka-react? Ang tanong ko sa aking isipan.

"What do you mean?" ang tanong ko. "Nag-aalala ka dahil kasama ko siya? Bakit? Sa tingin mo, sasaktan ko siya"

Biglang nag-iba ang reaksyon sa kanyang mukha. His face hardened and then looked at me.

"To be honest, Luke Sanchez. Oo.. hindi malabong gawin mo yun sa kanya" ang tugon niya, hindi siya nagpatinag sa pakikipagtitigan ko. "Alam kong alam mo kung anong reputasyon mo rito sa Saint Anthony"

Napangisi naman ako.

"Exactly" ang pagkumpirma ko sa sinabi niya.

"Kaya wag kang gagawa ng bagay na ikakagalit ko" ang pagbabanta ko.

"Luke, tinanong ko lang kung nakita mo si Xean, galit ka na?" si Terrence. "Iba na yan. Why so sensitive?"

"It's not your effin business" ang naiinis kong tugon. Ang lakas ng loob nito. Isa pa.. masasapak ko na talaga tong hunghang na to. Kanina hindi ako komportable na napunta sa inis at ngayon, kumukulo na talaga ang dugo ko.

"Salamat na lang. I'll see you around then" ang paalam niya bago ako muling nginitian. Hindi naman nagtagal ay umalis na siya.

Breathe in...

Breathe out...

Luke. Play cool. Kalma ka lang.  Sumakay na lang ako sa kotse ko at pinaandar kaagad ito. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang Terrence na yun. Siya kaya yung sinasabi ni Xean na crush niya?? Mukha namang mabait eh. Pero hinding-hindi ako makakapayag na sabihin  niyang kasing gwapo niya ako. Eh mas malayo naman na MAS ako. Pero at least, hindi niya alam kung nasaan si Pillow ko.

[Xean "Pillow" Olivar's POV]

Sinimulan ko na nga ang pagkain sa biniling lugaw ni Luke para sa aking agahan. Pagkatapos ay uminom na ako ng gamot na inihanda ng nurse bago ako natulog para makapagpahinga. Pagsapit ng tanghali ay medyo umayos na ang lagay ko. Dumating naman si Luke na may bitbit na pagkain.

"Hey, kamusta ang pakiramdam mo?" ang kaagad niyang tanong nang masilayan ako.

"Medyo okay na" ang tugon ko naman.

"Mabuti naman" si Luke. "Kain na tayo ng lunch"

Pinanood ko naman siyang ihanda ang bitbit niyang pagkain.

"Okay lang naman ako rito" ang sinabi ko na nagpatigil sa kanya. Napatingin siya sa akin ngunit kaagad din naman niyang binawi. "Pwede mo namang sabayan mga kaibigan mo ngayon. Hindi mo kailangan gawin ang mga ito"

"Alam ko" ang simple niyang tugon. "Pero narito na ako eh. At gusto kong makasabay ka ngayon. Bakit? Are you expecting someone else?"

"Ha?? Ah, eh... wala naman" ang tugon ko. "Bakit mo naman naitanong yan?"

"Nevermind" ang tugon naman niya. "Did someone uh.. went here to see you?"

"Wala" ang tugon ko. "Ikaw lang naman ang nakakaalam na narito ako. Wala naman akong masabihan kasi nga hanggang ngayon nasa kotse mo pa rin ang bag ko. Nasa loob ang phone ko"

"I see" ang sunod naman niyang tipid na reaksyon. Inabot niya sa akin ang pagkain. Pumwesto naman siya sa upuan sa tabi ng kama at tahimik na lang na kumain. Ano kayang iniisip niya?

"Sino ba ulit yung crush mo?" ang bigla niyang pagbasag sa katahimikan. Muntikan na akong mabulaukan nang marinig yun. Kung anu-anong tinatanong niya bigla.

"Hindi mo naman kilala yun eh" ang tugon ko.

"Yung palagi mo bang kasama?" ang sunod niyang tanong.

"Sino?" ang nagtataka kong tanong pabalik.

"Si Terrence" ang tugon niya.

"Ha?" ang gulat kong reaksyon. "Uhmm, next topic please. Ang awkward pag-usapan."

Napatango na lang naman siya bilang tugon at pinagpatuloy ulit ang pagkain. Gayundin naman ang ginawa ko. Pagkatapos makapag-pananghalian ay nagpaalam na siya para makapagpahinga na ulit daw ako.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon