Nang makapasok ako sa kuwarto ay kaagad naman akong nagsuot ng jacket at madaliang nag-ayos ng buhok.
"Hoy, saan ka pupunta?" ang tanong ni Mama nang makita akong papunta sa pinto. "Hindi pa tayo tapos mag-usap"
"Mamaya na lang, ma" ang tugon ko bago tuluyang lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Si Luke talaga! Kahit kailan napaka-compulsive na tao. Nang makalabas ng barangay namin ay kaagad akong sumakay ng jeep. Pagpara ko naman ay kaagad akong pumasok ng police station.
"Pillow!" ang pagbati niya sa akin nang makita ko siya. Kaagad ko naman siyang linapitan at binatukan. "Aaaray!"
"Anong ginagawa mo rito?" ang naiirita kong tanong.
"Miss na kita eh" ang tugon naman niya. Tahimik lang naman na nakamasid ang front desk officer sa aming dalawa.
"Tara na nga muna!" ang yaya ko.
"Okay po" ang nakangiti niyang pagpayag sabay akbay sa akin. Hinila niya ang malaki niyang maleta. Susme. Parang pupunta ng ibang bansa sa itsura niya. Huminto kami sa harap ng police station.
"Ano ba talagang ginagawa mo rito?" ang tanong ko.
"Eh, miss na talaga kasi kita" ang parang bata niyang tugon. "Uwi na tayo. Pagod na ako eh"
"Asan ba yung kotse mo?" ang tanong ko.
"Wala"
"Anong wala?"
"Nag-commute ako pillow" ang paliwanag niya.
"Ha?" ang gulat kong reaksyon. "Nag-ano ka?"
"Nagcommute" ang sagot niya.
"SIRA KA TALAGA!" ang reaksyon ko. Napasara naman siya ng tenga. "Paano na lang kung may nangyari sayo,ha?"
"Stop nagging me!" ang bawi niya. "Stop nagging me or else I'm gonna kiss you!"
Napatameme ako at napatingin ako sa lips niya. Nakatitig naman siya sa mukha ko. Eh, gusto kong ikiss niya ako eh.
"Sige, tara na nga muna" ang sabi ko.
"Ayaw mo lang ng kiss ko eh" ang komento niya.
"Tumigil ka diyan" ang suway ko naman. "Hindi pa tayo tapos mag-usap. Papagalitan pa kita mamaya"
"Aaaah" ang reaksyon niya sabay ngiti ng nakakaloko. "Hindi ka dapat magalit"
"Bakit naman?"
"Kasi ako dapat ang magagalit" ang tugon niya. Alam kong may ibang ibig sabihin ang mga salitang yun.
"Oo na" ang tugon ko sabay para ng taxi. Nang makasakay kami ay tahimik lang kami ni Luke sa loob.
"Alam kong kailangan mo ako. Lalo na sa mga panahong ganito" ang pagbasag niya sa katahimikan. "Kaya kita sinundan kasi kailangan mo ako"
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin naman siya sa labas ng bintana.
"Salamat" ang tugon ko.
"No. I love you" ang sabi niya sabay tingin sa akin.
"I love you too" ang tugon ko naman.
"Nagugutom na ako pillow"
"Alam ko. Ako rin naman." ang tugon ko. Bigla kong naalala si Mama, rumagasa agad ang pangamba sa akin. Kanina lang sinasabi ko sa kanya ang tungkol kay Luke, ngayon ipapakilala ko na siya. Baka patayin na ako ni mama. Haays.
"Manong, dito na po" ang bilin ko sa taxi driver nang matapat kami sa aming munting bahay.
"Pagpasensyahan mo na lang yung bahay namin" ang sabi ko habang naglalakad kami. "Maliit lang"
"Wala namang problema sa akin eh" ang tugon naman niya.
"Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni mama sa pagdating mo pero pagpasensyahan mo na rin siya" ang dagdag ko.
"Don't worry, everything will be alright baby" ang confident niyang pagpapalakas ng loob ko.
"Nasabi ko na sa kanya" ang balita ko.
"Ang alin?" ang tanong naman niya.
"Ang tungkol sa ating dalawa at ayaw niya" ang malungkot kong balita.
"Wag ka nang malungkot diyan, ako na ang kauusap kay Mama" ang sabi niya. "Natural lang para sa kanya ang magreact ng ganyan.
"Pero hindi mo kasi kilala si Mama" ang paliwanag ko.
"Oo nga" ang pagsang-ayon niya. "Pero I need you not to worry and trust me on this one. Magiging okay din ang lahat."
Napatango na lang ako. Pero hindi ko pa rin maalis sa akin ang makaramdam ng kaba sa mga sasabihin ni Mama. Tagos to the bones kasi siya kung magsalita. Nanunuot hanggang buto. Natatakot din ako para kay Luke, baka layuan niya ako kapag nagkataon. Binuksan ko ang pintuan.
"Pasok" ang bilin ko ay Luke. Pumasok naman siya hila-hila pa rin ang kanyang maleta. Napahinto kaming pareho nang may tumikhim sa malapit. Napatingin agad kami. Si Mama na donyang-donyang nakaupo sa sofang yari sa kawayan.
"Sino siya?" ang kaagad na tanong ni Mama.
"Estu-" ang sanang palusot ko nang magsalita si Luke.
"Hello po, Mama!" ang magiliw na bati niya. Napakunot naman ako.
"Nagpapakamatay ka ba?" ang tanong ko sa kanya ng pabulong pero di niya ako pinansin.
"Ako po si Luke Sanchez, ang boyfriend ni Xean" ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. "Mahal na mahal ko po ang anak niyo."
"Layas" ang simple ngunit matalim na tugon ni Mama sa kanya.
"Hindi po pwede" ang tugon ni Luke. Mas tumalim ang tingin ni Mama sa kanya....este sa amin.
"At bakit hindi?"
"Tutor ko po si Xean. Nagtratrabaho siya sa akin." ang sabi ni Luke. "At tsaka yun po ang bilin ng Daddy ko, si Tak Ho Sung, yung nagbigay ng scholarship ni Xean sa Saint Anthony na pagmamay-ari namin"
kailangan niya ba talagang sabihin ang mga to?
"Pero dahil mahal ko po si Xean at ang pamilya niya, irerespeto ko po ang gusto niyo" ang sunod na sinabi ni Luke. Mukhang hindi natinag si Mama. Tumalikod si Luke.
"Pillow, aalis na ako. Babalik na ako" ang paalam ni Luke. "Hintayin na lang kita"
"Teka" ang singit ni Mama.
"Po?" ang reaksyon ni Luke. Madaliang kindat niya sa akin bago tumingin kay mama.
"Nakapagluto na ako, mag-almusal na tayo" si Mama. Napatameme ako sa narinig ko. "Xean, ipasok mo na sa kuwarto mo ang gamit ni Luke."
Pero nanatili pa rin ako sa aking kinalalagyan.
"DEB-DEB!!!!" ang sigaw ni Mama.
Eeeeeeiiiiih. Bakit pa yung tinatago-tago kong palayaw. Nakakahiya!!!!
"Deb-deb?" ang tanong ni Luke.
"Palayaw ni Xean" si Mama. "Dalian mo na diyan, nang makakain na tayo"
Kaagad kong kinuha ang maleta ni Luke at pinasok sa maliit kong kuwarto.
"Told you everything would be alright" ang sabi ng boses sa likod ko. Napa-ikot naman ako. Sinundan niya pala ako. Kaagad niya akong ninakawan ng halik sa labi.
"I missed you so much" ang sabi niya.
"I missed you too" ang tugon ko.
"Hoy, mamaya na kayo maglandian diyan! Kakain na!" ang sigaw ng atribida kong Nanay. Kakairita. Panira ng moment. Pero masaya pa rin ako kasi tanggap niya na kami.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Teen FictionLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...