"Aaah... Eeeh" ang reaksyon ko. "Bibili na muna ako ng tinapay"
Pagkababa ko ng kama ay dumeretso ako ng bangyo at naghilamos bago ako lumabas ng boarding house para bumili nga ng tinapay sa nag-iisang paniderya sa kanto. Kaagad din naman akong bumalik ng boarding house nang makabili. Nadatnan ko si Zeke at Luke na nag-uusap. Ramdam ko pa rin ang pighating dala-dala ni Zeke ngunit ang mukha niya ay medyo maaliwalas na. Yinaya ko naman silang mag-agahan. Sumunod naman sila sa akin patungong kusina. Kanya-kanya kaming timpla ng kape at nagsimula kaming kumain ng tinapay. Bigla na lang humikab si Luke.
"Ang dami kong antok" ang sabi niya. "Mga twen-ny"
Hindi ko alam kung bakit pero bigla kaming natawa ni Zeke. Natigilan naman si Luke at napatingin sa aming dalawa.
"Anong nakakatawa?" ang nagtataka niyang tanong.
"Wala lang" ang tugon ko sabay kain ulit. Palihim ko lang siyang pinagmamasdan. Hindi ko talaga mawari. Dahil sa pagkakabunggo ko sa kanya kaya ko siya nakilala at kaya siya narito. Magkaibigan ba kami? O dahil nga lang sa may atraso ako sa kanya?
"Sige, mauna na ako" ang paalam niya pagkatapos mag-agahan.
"Sorry pala kanina" ang paghingi ko ng pasensya sa pagtulak ko sa kanya.
"Okay" ang monotonous niyang tugon bago tuluyang umalis. Napatingin na lang ako kay Zeke na patay malisya sa paligid. Pagkatapos ng agahan ay bumalik ako ng kuwarto. Naupo ako sa harap ng maliit kong study table. Kinapa ko ang isang bahagi upang kunin ang isa kong kuwaderno na ginagamit ko sa pagsusulat. Napatingin ako nang wala akong nakapa. Hinanap sa paligid at sa loob ng aking bag. Wala talaga...
"Zeke, nakita mo ba yung notebook ko?" ang tanong ko kay Zeke nang pumasok siya.
"Ha? Parang nasa mesa mo lang kanina eh" ang tugon naman niya. Napakamot naman ako ng ulo sabay tingin muli sa mesa.
Lunes... Free time... Batid kong sasabak na naman ako sa agawan ng pagkain sa pagitan namin ni Luke. Tulad ng nakasanayan ay kasama ko sila MJ, Mae at Afel. Papasok pa lang kami ng cafeteria ay natigilan kami. Nakasalubong namin ang isang pamilyar na babae,maluha-luha ang mga mata niya... Si Cupcake! Yung isa sa tatlong babae na nangulit sa akin nung isang araw .
"Why?" ang tanong niya sa hangin. Sunod namang lumabas si Bubbly na ganun din ang sitwasyon.
"What?" ang natanong naman niya sa hangin sabay tabi kay Cupcake. Nagtaka agad ako kaya naman sumilip ako sa loob. Nakita ko si Bloom na kaharap si Luke.
"I like you" ang pagtatapat niya ng nararamdaman kay Luke.
"You know the answer" ang tugon naman ni Luke.
"But-" si Bloom.
"I'm hungry. Nasaan na ba yung si Pillow?" ang hindi niya pagpansin sa mga sasabihin pa ni Bloom. Napakunot ako ng noo. Tatlong babae agad ang heart-broken sa kanya. Pinanood kong naglakad papalabas si Bloom. Tumigil siya sa harap ko at masamang tumitig sa akin.
"Kasalanan mo to" ang sabi niya sa akin. Napataas naman ako ng kilay.
"Oo nga. Kasalanan mo to" ang pagsang-ayon ng dalawa pa.
"Paano?" ang nagtataka kong tanong.
"Karibal ka namin" ang sabi ng isa.
"Hindi ako pinansin at ikaw pa ang hinanap!" si Bloom.
"Wala akong alam sa mga sinasabi niyo" ang komento ko. "Powerpuff girls, tantanan niyo na ako. Kayo rin, baka bigla akong maging si Mojo Jojo"
Tuluyan na akong pumasok sa cafeteria at napatingin ako kay Luke. CAPTION ONE: The Heart Breaker.
Bumili na ako ng makakain. Sinugurado kong dalawa na para hindi na ako makipag-agawan sa kanya. Sa huli kasi... Naaagawan niya pa rin ako.
Tulad nga ng inaasahan ay lumapit siya sa akin. Inabot ko naman sa kanya ang isa. Tinitigan niya muna yun bago kinuha. Napangiti siya bago tuluyang bumalik sa mga kaibigan niya. Samantalang pumwesto kami sa isang table malayo sa kanila. Kinuha ko ang bagong bili kong kuwaderno at sinimulan ang muling pagsusulat.
"Anong nakukuha mo sa pagsusulat?" ang tanong ni Mae. "Nakakapagod kang panoorin."
"Nagsusulat ako para bigyan ang sarili ko ng lakas. Nagsusulat ako para maging mga tauhan na hindi ako, na pinapangarap kong maging ako. Dahil halos lahat sila, kabaliktaran ko." ang paliwanag ko.
"Bakit? Anong meron sa mga characters na sinusulat mo?" ang tanong naman ni MJ.
"Uhm, hindi sila perfect na tao, maraming flaws, maraming pagkukulang at maraming hindi kayang gawin sa buhay. Pero kahit na ganun may isang tao na tanggap sila at kayang tanggapin kung ano at sino sila" ang kwento ko. "Hindi ba masarap sa pakiramdam na. May nagmamahal sayo.. Always did and always will."
"Ou nga no?" ang pagsang-ayon naman nilang tatlo bago kanya-kanyang nag-day dream. Napangiti naman ako at pinagpatuloy na lang ang pagsusulat.
"I can date other guys if I want to. I can hang out with other guys if I have to... but YOU is enough for me, I love you for who you are. Your flaws and imperfections won't stop me from loving you. We had our ups and downs but no matter what... my feelings for you won't change any of it ILOVEYOU!" ang sabi ng main character sa kanyang minamahal.
Pagsapit ng last subject ay makikita ko na naman siya. Ngunit nagtaka na lang ako nang walang Luke Sanchez and friends sa lecture room. Umupo ako sa aking kinagawiang upuan. Sa kabuuan ng lecture ay walang nangulit sa akin. Pagkatapos ng lecture ay lumabas ako agad para maka-uwi na. Maglalakad muna ako sandali patungo sa paradahan ng jeep. Nasa labas na ako ng Saint Anthony. Muli kong binabasa ang mga naisulat ko nang may tumulak sa akin. Napaupo ako sa gilid.
"Haharang-harang ka!!!!" ang bulyaw ng isang mama na may bitbit na kahoy. Aktong ihahampas niya sa akin yun kaya napapikit na lang ako. Ngunit walang tumama sa akin. Napasilip ako. Nakahiga na sa sahig ang lalake at sa harap ko ay may ibang tao. Minulat ko ng todo ang aking mga mata. Pamilyar. Si Luke nga! CAPTION TWO: The Gangster.
Bigla naman siyang pinalibutan ng limang tao at nagsimula siyanc makipag-suntukan.
"Luuuke!!" ang sigaw ko ng mahataw siya ng kahoy sa likod. Kaya naman bumagsak siya. Nagsitakbuhan sila nang dumating ang mga security guard ng Saint Anthony. Linapitan ko ang walang malay na si Luke. Sinundot-sundot ko ang pisngi niya.
"Hui, Luke..." ang natataranta kong paggising sa kanya. CAPTION THREE: Knight in Shining Armour
BINABASA MO ANG
I'm in Love With Mr. Kimchi
Dla nastolatkówLuke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? Kung ang Dad naman niya ang may-ari ng pinapasukan niya. Chinito, maputi, gwapo, hot at matangkad.. p...